ZO3。

417 96 41
                                    

SEHUN

"Hello?" nakangiti kong sambit na kakasagot ko lang sa tawag niya.

"Hi Sehun!" tuwa niyang sambit. Nanlambot naman ako doon bigla. Tsaka nalang ako natatawa sa kanya. "Ba't mo ako tinatawanan? May problema ba?" taka niyang tanong sa akin.

"No. You're just cute." sabi ko ng napansin kong bigla siyang natahimik. Hmm. Kinilig yata. "Hey. Are you there, baby?" tanong ko sa linya ng kanina pa siyang tahimik. Masyado na yatang kinilig eh.

"Ah.. o-oo. I'm here." sagot niya. Ah shit! Ang ganda talaga pakinggan ng boses niya. Nakakabakla. Alam niyo yun?

"Lisa." paos kong tawag sa kanya.

"Y-yes?"

"I miss you." sambit kong nakangiti pero bumilis naman ang tibok ng puso ko. Shit. Ganon siya kalakas sa akin.

Ayan na naman.. medyo tahimik na naman siya. Ba't ba biglang natatahimik 'to?

"Huy. Nandyan ka pa ba?" tanong sa kanya.

"Ikaw naman kasi eh! Ang sweet mo ha! Don't make me die please!" tili niya sa tawag. Tsaka nalang ako natatawa dito.

"Tsk. Di ka pa naman talaga mamamatay at hindi pa pwede yun. Remember? Papakasalan pa kita?" natatawa kong tanong sa kanya.

"AYAN KA NA NAMAN! BAKA MAMAYA MATAPON KO NA 'TONG PHONE KO EH! ANG SWEET MO KASI!" sigaw niya sa linya at natatawa lang naman ako sa inaasta ng girlfriend ko.

"Bakit? Ayaw mo ba? Eh sa'yo lang naman ako ganito eh."

"Hindi naman sa ganon. Gusto ko naman eh. Pero sana naman 'no? Aware ka sana sakin kung magkakaroon ako ng heart attack eh binabaliw mo ako lagi."

Napangiti naman ako, "Okay nalang na ako lang yung nagpapabaliw sa'yo araw araw."

"Luh! Ikaw talaga! So ano? Kamusta ka sa kakalaro ng Mobile Legends?" halata sa boses niya na ang saya saya niya. Ang supportive niya masyado sa akin.

"Okay lang naman. Eto, victory naman lagi. Di naman magbabago yun." sagot ko sa tanong sa kanya.

"Wow! That's good! I'm so proud of you Sehun!" natutuwa niyang sambit. Tsaka naman ako napangiti ng dahil doon.

"Thank you Lisa. Pero.. alam mo ba kung ano ang ginagawa ko kaya nananalo ako lagi sa Mobile Legends?" tanong ko.

"Ahh.. of course! Nagfofocus ka talaga lalo sa kakalaro kasi expert ka." natatawa niyang sambit. "Kasi alam mo? Yung boyfriend ko lang naman ang pinakamagaling na maglaro sa ML sa buong mundo, at ikaw yun!"

Tangina. End call ko na 'to. Kalalaking tao ko pero ba't kinikilig ako ng wagas.

I chuckled, "Ikaw talaga ha. Alam ko naman yan ah. Kahit di ko yan ipagmalaki, ako ang pinakamagaling sa lahat ng ML players. Talo ko pa gumawa ng laro na yan." natatawa kong sambit.

"Ang yabang yabang mo talaga Sehun ah! Ikaw talaga!" natatawang sambit niya.

"Totoo naman. Pero Lisa, may ginagawa pa ako para hindi ako matalo sa ML." nakangisi kong sambit.

"Ano naman yun?"

"Iniisip kita lagi para hindi ako matalo. Kasi alam mo? Mas lalo mo pinapalakas ang loob ko kapag iniisip kita, kaya ako nananalo lagi eh." i said while smiling here like idiot. "Hindi ka naman umaalis sa isipan ko eh lagi lagi nalang kita iniisip. Umiikot nalang yung mundo ko sa'yo kasi ikaw yung mundo ko." dagdag ko.

Tulad kanina, napansin ko na naman ang tahimik na naman niya. Kinilig siguro eh. Nako po.

"Ang tagal mo namang kiligin Lisa. Ang cute talaga ng girlfriend ko kapag nakilig." natatawa kong sambit.

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon