Z25。

165 26 13
                                    

8:23 A.M.

-

Lisa Manoban
active now

Lisa Manoban:
uy chanyeol good morning na yieeee! ♡

Lisa Manoban:
andito na ako sa pinas :)) nagpahinga pa ako kahapon eh napagod talaga ako

Park Chanyeol:
hala good morning din lisa! :)

Park Chanyeol:
talaga? okay lang yan! atleast ngayon nakarating ka na dito.

Park Chanyeol:
so ano na yung kay sehun, lisa?

Lisa Manoban:
sabihin mo na sa pumunta siya sa condo ko at sabihin mo na dumating na ako :)

Lisa Manoban:
kung madami siyang satsat, wag mo lang pansinin dahil ako ang magpapaliwanag lahat lahat HAHAHA

Lisa Manoban:
basta sabihin mo lang na pumunta siya sa condo ko :)

Park Chanyeol:
sige sige lisa sasabihin ko na sa kanya dahil pupunta naman siya dito sa bahay namin.

Park Chanyeol:
taena magkikita na talaga kayo sa wakas. :) masaya ako sa inyo dahil di na kayo malayo sa isa't isa.

Lisa Manoban:
thank you :)

Lisa Manoban:
oo, tsaka umaasa ako na pupuntahan niya ako sa condo ko ngayon.. kahit nagtatampo pa rin yun sa akin.

Lisa Manoban:
alam kong ganon pa din siya :((

Park Chanyeol:
nako matutuwa yun no kapag malaman niya ang rason mo HAHAHA

Park Chanyeol:
naman talaga. ikaw pa lisa. sobrang miss na miss ka na non.

Park Chanyeol:
sobrang mahal na mahal ka nun.

Lisa Manoban:
alam ko chanyeol :) ganon din ako sa kanya.

- - -

CHANYEOL


Hindi ko mapigilan mapangiti dito ng pumunta ako sa sala. Wala lang, ang sobrang saya ko lang para kay Sehun. Nandito na si Lisa at magkakasama na uli silang dalawa. Yun nga lang, wala pa siyang alam ngayon. Pero sigurado ako na sobrang sasaya yun kapag malaman niyang andito na si Lisa. Hindi na siguro magtatampo yun.

Tsaka ang lupit din ni Lisa 'no. Ginawang baliw si Sehun. Hindi niya kinausap si Sehun ng ilang linggo para doon lang. Pero ang okay ha, mas namiss nga naman si Lisa lalo. Mukhang mabibigla si Sehun na inuwian na siya ni Lisa. Akala niya talaga di na siya papansinin ni Lisa. Hanggang ngayon kasi, halatang nagtatampo pa rin sa kanya. Nabigla nga ako nung chinat niya na ako na uuwi na siya. Pero mabuti nalang din yun.

Hinihintay ko nga dito si Sehun sa bahay kasi nga papasyal daw siya dito. Wala pa naman siya. Papunta na daw siya dito. Tangina, para ako yung na-eexcite sa kanilang dalawa. Sobrang tagal nilang hindi nagkita.

Habang naghihintay ako dito kay Sehun, nagphone nalang muna ako dito. Wala naman kasing magawa dito. Ang boring nga. Di nalang ako maboboring kapag kasama ko si Sehun eh masaya kasama yun! Hahaha! Pero mukhang lutang talaga siya sa totoo lang. Epekto yun kay Lisa eh.

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon