Z23。

167 25 1
                                    


SEHUN

8:23 A.M.

Unti unti ko namang minulat ang mata ko at napaupo nalang agad ako sa kama. Pero nagtaka ako ng wala ako sa bahay. Teka, nasa bahay ako nina Chanyeol pre.

Napapikit ako ng tuluyan at napahawak ako sa ulo ko ng nakaramdam ako ng sakit. Ang sakit ng ulo ko ngayon, tangina. Parang mawawalan ako ng malay. Ang bigat sa pakiramdam.

Narinig ko namang bumukas ang pintuan at nakita ko si Chanyeol pre na papalapit sa akin. "Oh, gising ka na pala." sabi niya. Pero hindi ko siya pinansin at iniisip ko pa din 'tong sakit sa ulo ko. Tangina hang over yata 'to.

"Ang sakit ng ulo ko, pre. Tangina." sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. Ang bigat.

"Sige, lasing lasing ka pa kasi." napapailing na sambit ni Chanyeo pre sa akin.

Huminga naman ako ng malalim at napahiga ako uli sa kama at tsaka iniisip ko na naman siya. Nagkakaganito ako nang dahil sa kanya. Bakit ba kasi ganyan siya? Hindi niya ba alam na masasaktan ako sa pinaggagawa niya?

Masyado ng masakit yun para sa akin kung hindi niya lang alam.

"Wala ka bang maalala sa mga pinaggagawa mo kagabi?" seryosong tanong sa akin ni Chanyeol pre.

Mabilis akong napailing, "Wala, wala akong may maalala." sagot ko.

"May napagkamalan kang babae doon na akala mo si Lisa. Nayakap mo pa daw siya at pinagsasabihan kung ano-ano tungkol kay Lisa." sabi niya.

Napapikit lang naman ako dito at huminga ng malalim. Siya nalang yung iniisip ko kaya nagkakaganito ako. May napagkamalan pa akong maling tao na hindi naman siya.

Tsaka imposible, wala naman siya dito. Sa London, busy. Lagi naman.

"Tsaka yung napagkamalan mong babae, si Chae." sagot niya sa dahian na mabilis kong inimulat ang mata ko. Si Chae?

"Totoo? Si Chae? Chae? Na.. kilala natin?" tanong ko sa kanya. "Nagkita kayo?"

"Oo nga. Chae nga." parang naiinip niyang sagot.

"Ano? Di ba kayo awkward nung nagkita naman kayo? Baka inlove ka naman uli?" tanong ko sa kanya. Mukhang natigilan naman siya saglit at parang may iniisip siya.

"Inlove ka naman uli--"

Mabilis siyang napailing at binatukan niya ako ng mahina, "Baliw. Hindi."

"Hindi naman awkward. Normal lang naman kami ngayon. Walang problema." sagot niya. "Pero pre, sa lahat.. si Chae pa ang napagkamalan mong si Lisa. Nabigla sayo yung tao kagabi. Pero sinabi ko naman sa kanya ang lahat at naintidihan ka niya naman." dagdag niya.

"Kaya nga pre. Nahihiya nga ako kay Chae. Hindi ko naman yun alam. Kasi lasing. Kaya ganon." sabi ko.

"Kasi pre.. nababaliw at nasasaktan na ako ng sobra kay Lisa. Bakit ba ganyan siya sa akin? Wala ba siyang awa sa akin? Hindi niya ba alam kung ano yung mararamdaman ko kapag ganyan siya sa akin?" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tsaka habang inaalala ko naman siya, nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko na kaya yang mga excuses niya. Nakakabanas na.

Nakita ko naman na parang hindi makapagsalita si Chanyeol pre at parang natahimik siya bigla. Pero agad naman siyang huminga ng malalim.

"Naiintidihan kita pre. Pero.. alam ko.. alam kong may rason lang siya kung bakit siya nagkakaganyan sa'yo. Stressed siya sa pag-aaral ganon." kalma niyang sambit sa akin.

Pero hindi ko alam, kahit masakit.. sinabi kong "Hindi stressed sa pag-aaral ang rason pre. Baka nga, ipinagpalit niya na ako sa Jaehyun na yun." sambit ko at lalong sumakit ang ulo ko ng naalala ko yung litrato nilang dalawa. Yung message sa akin ni Lisa na parang nagmamadali siya. Yung message ng Jaehyun na mukhang tinataboy ako palayo kay Lisa.

"Tangina nila!" sigaw ko.

"Yan, mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo sa mismong pinagsasabi mo. Bakit mo kasi iniisip yan, Sehun?" naiinis na tanong sa akin ni Chanyeol pre. "Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa girlfriend mo? Alam kong hindi niya gagawin yun sayo kasi alam niya namang may mahal na siya at ikaw lang yun. Hindi siya tulad ng ibang babae na two-timer. Tandaan mo yan."

"Masyado ka kasing advance mag-isip pre. Kaya yan, mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. Wag ka ngang ganyan kay Lisa. Mali yang iniisip mo." dagdag niya.

Lumapit naman siya sa akin at tinapik niya yung braso ko, "Alam kong ikaw lang Sehun. Magtiwala ka sa kanya. And just wait for her. May time din yan sayo. Tsaka wag kang mag-isip ng kung ano." sabi niya.

Huminga naman ako ng malalim, "Sorry pre. Tama ka. Nauunahan na naman kasi ako ng selos at galit. Di ko na kasi maiintidihan." sabi ko.

"Kung ganon, intindihin mo nalang talaga siya, Sehun. Hintayin mo nalang talaga at kakausapin ka din niya." nakangiting sambit niya sa akin.

Tumango naman ako, "Oo pre. Kahit masakit na sa akin yung lagi nalang siyang busy at wala na siyang oras sa akin." sabi ko at huminga ako ng malalim. Tangina, mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko silang dalawa. Sumasabay pa ang sakit sa puso ko.

"Masakit pa ulo mo at kailangan mo pa magpahinga. Iwan nalang muna kita dito. Papadalhan nalang kita ng pagkain at gamot dito sa maid namin." sabi niya.

Tumango naman ako, "Sige pre. Salamat." sabi ko sa kanya at nakita ko namang lumabas na siya. Ako nalang lamang mag-isa dito.

Pero bakit ba ako nag-iisip ng iba tungkol kay Lisa at sa Jaehyun na yun? Bakit ganon yung iniisip kong rason kung bakit nagkakaganyan sa akin si Lisa? Pero.. ano ba kasi talaga ang rason kung bakit siya nagkakaganyan sa akin?

Inaamin ko, minsan iniisip ko sa sarili ko na hindi na ako mahal ni Lisa. Nang dahil nangiba na siya sa akin.

Pero naiisip ko din na hindi ganun na klaseng babae si Lisa. Alam kong ako lang yung mahal niya at wala ng iba. She promised that to me.

Even she's hurting me so much on her actions, I still have trust on her. I still believe her because I love her.. so much.

Pero hindi ko talaga siyang kayang kausapin muna. Masakit na kasi sa akin yung alam ko na ngang nangiba na siya, busy siya at wala na siyang time sa akin, kakausapin ko pa. I'm just like stupid, right?

All I can do is just to wait for her.

- - -

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon