Z41。

153 28 2
                                    


"Dahil nga wala ka na
Pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko, wala nang makagagawa
Makakatumbas sa 'yong napadama, oh"

-

Kahit nauwi sa ganitong sitwasyon ang ating relasyon..

Ikaw pa din ang mahal ko.

Ikaw pa din ang mamahalin ko kahit hindi na tayo pwede.

Kahit may mga babae man na willing lumandi sa akin..

Kahit landiin pa nila ako,

Kahit yakapin pa nila ako,

Kahit halikan pa nila ako,

Hindi magbabago 'tong puso ko kundi ikaw pa rin talaga ang nagpapatibok neto.

Ikaw lang Lisa.

Kahit wala ka na, kahit hindi na kita kasama,

Iisipin pa din kita hanggang maramdaman ko kung gaano ako kabaliw sa'yo.

At kung gaano kita kamahal.

Mamahalin kita higit pa sa sarili ko.

Mamahalin kita hanggang sa kamatayan ko.

Ganito kita kamahal Lisa.

Kahit imposible na maging tayo ulit..

Yung puso kong ay handang ibigin ka habang buhay kahit pinakawalan ka na.

Pinakawalan kahit sobrang mahal na mahal kita.

-- FLASHBACK :

"Pre, bilhan mo nalang ako ng fries tsaka coke-in-can. Kahit yun lang." utos ni Chanyeol pre na nagsusulat.

"Bakit ako pa inuutos mo?" tanong ko sa kanya.

"Tatapusin ko lang 'to. Lilibre kita sunod." sabi niya habang nagsusulat pa din.

"Sabi mo yan ha." sabi ko at tumayo ako.  "Sige pre, canteen lang ako." paalam ko sa kanya.

Napatango naman siya, "Sige."

Pagkatapos, lumabas na ako sa room namin at papunta na ako sa canteen. Bagal kasi magsulat ni Chanyeol pre ng mga notes kaya inuutusan nalang ako ng ganito.

Pero walang problema, bestfriend ko naman yun. Naks!

Eto habang papunta ako sa canteen, pinagpepiyestahan naman ng mga babae dito ang kagwapuhan ko. Pero mukhang hinahanap nila si Chanyeol pre.

Di ko nalang sila pinapansin at binilisan ko nalang ang lakad ko para makarating agad ako sa canteen.

Nakabili naman ako ng pagkain ko tapos yung pinapabili ni Chanyeol pre sa akin. Papabalik ako sa room ng inayos ko ang pagkahawak sa mga pagkain. Sana pala humingi nalang ako ng supot.

zebbiana | sehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon