two

7 0 0
                                    


(Atticus)

"Bro patulong naman ako rito sa Academic Paper. Check mo kung may mali pa sa grammar shit." Nilapitan ko si Karl para tignan yung sinasabi niya.

"Eto lang pre, lagyan mo ng apostrophe yung sa it's kasi pinagsama mo yung it at yung is ganon din sa you're kasi nagcombine ka ng dalawang words. Eto run-on sentence to, lagyan mo ng transition o kaya linking word. Try mo yung but." Itinuro ko lang sa kanya kung saan pa yung may minor error.

"Pres err.. Atticus pala pinapabigay to ni Ma'am Pascual para sa EAPP."

"Bakit sa akin to Moira, ikaw na ang President diba?"

"Eh kasi sayo niya pinapabigay."

"Trabaho yan ng President Moira, baka nalimutan lang non ni Ma'am na nagbitiw na ako sa puwesto. Sige na ikaw na bahala diyan."

"Hays kasi naman oh, bakit ba ako Vice President ako na tuloy lahat. Kainis."

"Labyu."


Naiinis na pinamigay ni Moira yung take home quiz na galing kay Ma'am. Talaga yun oh, hindi na naubusan ng pinapagawa. Buti sana kung isang subject lang hawak niya sa klase namin. Hindi eh, tatlo. Tapos sabay-sabay pa siya kung magpagawa. Majority pa ron paperworks. Ayaw pa niya ng by pair na gawain. Either individual lang o by group. Eh madalas kapag by group sa akin pa niya ginugrupo yung mga tamad. Tamad din naman ako by nature pero dahil scholar ako, may times na kailangang magsipag para sa grades. At oo sige, para na rin sa grades ng mga mahal kong kapatid aka mga kaklase ko.


"Atticus kakain kami mamaya sa Atoys sama ka?" Yaya ng isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kapatid na si Gwen.

"Oo ba sino pang mga kasama?"

"Sila Adrian daw ah tsaka Marc tas Veronica."

"Sige lang paalala mo nalang mamaya."


Nagklase lang naman kami at hindi na talaga kami naubusan ng gagawin. Minsan pati vacant namin kinukuha ng isang subject kasi naghahabol kuno. Eh kasalanan naman nila bat sila naghahabol, babagal bagal sa pagtuturo o kaya naman pabsent absent tsk. 

Pagkatapos ng klase kumain nga kami sa Atoys as planned ngunit subalit datapwat kaming dalawa lang ni Gwen yung natuloy. Bigla kasing nagka-training yung mga kupal kaya hindi na sumama. Ayos lang naman samin ni Gwen, ang nasa isip ko lang talaga ngayon ay makakain kasi nagugutom na ako.

"Kamusta na puso? Pwede na ba nating pag-usapan yan?" Biglang tanong ni Gwen. Muntik pa akong masamid dahil sa tanong niya.

"Gwen."

"Okay okay fine kung ayaw mo pa rin pag-usapan edi no. I respect you naman nagbabakasali lang."

"Thanks."

Kumain lang kami ni Gwen at nagkwentuhan tungkol sa ibang bagay tulad ng fucked up na sistema ng school namin, mga nakakainis na kagrupo at yung crush niyang feeling niya may crush din sa kanya.

"Basta ingat ka lang don Gwen, may tiwala naman ako kay Jared pero kapatid kita at ayokong nasasaktan ka ng kung sino-sino lang."

"Aww sweet mo talaga bat kaya di nalang tayo noh? Joke! Labyu."


Natapos din kami ni Gwen sa kwentuhan at pagkain. Hinatid ko na rin siya sa bahay nila kasi nga mag gagabi na rin. Niyayaya pa nga ako ng pamilya niya na pumasok para maghapunan pero nagpasalamat nalang ako at sinabing kakakain lang din namin.


Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapaisip. Tungkol kay Abby. 

Tungkol samin. Siya kasi yung tinutukoy ni Gwen kanina. At hindi ako nagbibigay ng detalye masyado kung bakit kami nagbreak. Basta nahirapan kasi LDR tapos hindi na nagwork. Yun na yon. End of the story. Ganon naman madalas kapag LDR diba? Hindi nagwo-work. And our relationship is no different. Tsaka pag yon sinasabi ko hindi naman na sila nagpipilit pa ng masyadong detalye. Which is good, salamat.

Okay lang naman ako, halos isang buwan na rin mula nung nagbreak kami. Ewan ko ba kala ko rin kami na hanggang dulo, pero hanggang akala lang pala. Masakit, oo pero wala eh. Ganun talaga, may mga bagay na akala natin sila na talaga. Pero wala lesson pala sila sa buhay mo.

Wala naman tayong magagawa kasi hindi naman natin pwede pilitin ang isang tao na mag-stay sa buhay mo. Kasi mas mahirap at nakakasakit yung mga bagay na pinipilit. Kaya nung nakipagbreak si Abby, hindi ko na rin pinilit. Tsaka nag-iba siya eh. Well, ako rin naman aminado akong nagbago ako. Pero hindi ko alam kung bakit hindi na compatible yung new version of us namin sa isa't isa. Siguro ganun talaga. Ah basta, sa college na ulit ako magmamahal.


"Nak, tumawag pala sakin yung dati mong teacher?" Biglang sabi ni Mama habang nagdidinner kami. 

Yep, pagkauwi kumain ulit ako. You see as a Senior High Student madalas kaming sleep deprive kaya madalas din sa pagkain namin binabawi. Hindi ako matakaw. Minsan lang.

"Sino Ma?"

"Jan.... J yun eh... Jamie... Jane! Ma'am Jane kung tama pagkakaalala ko." Huh, eh Junior High teacher pa namin yon ah, ano kayang kailangan non.

"Ano pong sabi? Bakit po siya tumawag?"

"Yung kanin Joaquin." Huh anong sinasabi ni Mama?

"Kuya, pa-abot."

"Joaquin, yung kanin anak."

"Ano Ma? Tumawag si Ma'am Jane para sa kanin?!"

"Ako na nga lang, nagspace out ka Kuya."

"Sorry Jenny?"

"Pinapaabot ko po yung kanin Kuya. Yun po yung sinasabi ni Mama."

AHHHH.


Okay.


Tinignan ko si Mama at nagpeace sign. Mukhang worried yung mukha niya eh. Malay ko ba kasing nagpapaabot ng kanin yung nakababata kong kapatid eh ang pinag-uusapan namin ni Mama si Ma'am Jane.

"So ayun na nga Ma, bakit po tumawag si Ma'am Jane."

"I-meet mo raw siya bukas, mag-usap daw kayo about TV Broad. Pinaalam ka na nga sakin eh."

"Ano?! Anong sabi mo??"

"Sabi ko okay lang naman sakin na sumama ka pero ikaw pa rin magdedesisyon."

"Hindi moko binenta sa kanya?"

"Anong binenta pinagsasabi mo dyan! Kumain ka na nga, tapusin mo na yang pagkain mo nang makaligpit na ako. Mag-usap nalang kayo ng teacher mo bukas, lunch time nga pala."

"Sige Ma."

TV Broad? 

Nanaman? 

Akala ko last year na namin nung grade 11 kami? 

At bakit ibinabalik yung nakaraan?

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon