six

6 0 0
                                    


(Atticus)



[One week earlier]


"Kuya pwede paki-bilisan, late na kasi ako."

"Aba hijo, kung gusto mo sana ng mas mabilis edi sana nagmotor ka."

"Bawal motor sa school namin Kuya."

"Taga-Heart of Mary ka ba? Kaya naman pala. Mahal ng tuition din daw doon. Tapos ang higpit-higpit pa pero totoo bang may cases don ng early pregnancy?"

"Chismoso ka pala kuya ha."


Natahimik lang si Kuya Driver sa sinabi ko. Totoo naman tsk. Hindi ko gusto yung school ko, pero hindi ko rin naman gusting binabalahura ito. Agad kong inabot kay Kuya yung bayad ko. Eksakto. Magbibigay sana ako tip kaso nagbago isip ko, hindi niya deserve. Lalo na't madulas dila niya.

Yung mga ganong tao talaga ayaw ko, yung halata mong walang substance yung sinasabi. Madalas subjective, kulang sa facts. Nakakainis yung ganon. Madalas pa yung walang alam sila pa yung maraming opinion. Nakakaasar, kaya nga know your facts bago ang lahat. Ikasa muna ang baril bago ito itutok at iputok sa kalaban. Bara ng bara eh. Tss.

Naglalakad ako sa campus nang mapansin kong wala ng tao sa court.


Ah shit, late na ako.


At hindi lang basta late, kundi late na late. Late, hindi lang sa flag ceremony namin tuwing umaga kundi pati sa first period.

Hindi pa naman ako ganitong tipo. Yung nala-late. Madalas kasi ay buzzer beater ako. Early to be late and late to be early. The gray line in between, nandon ako. 

Nagconcentrate akong mabuti at inisip kung anong first subject namin, heck. Physical Education dahil  Monday pala ngayon. At shit, ngayon yung schedule namin ng Practical Exam. Very well Atticus Joaquin. What a great job.

Halos nag-sprint na ako paakyat ng hagdan. Muntik ko pang makabangga ang isang student na hindi ko kilala. Well, Atticus wala ka naman talagang kilala sa younger batches. Or kahit older. Actually, mga kaklase at naging kaklase ko lang talaga yung kilala ko at ilang mga kaibigan. Hindi kasi ako sociable at outgoing. Hindi rin ako plastic na nakikipagkaibigan sa lahat ng tao. Wala akong pakialam sa iisipin ng iba bukod sa mga kaibigan ko. Na bilang lang talaga.

Pagod na pagod ako sa pagtakbo at pag-akyat ng hagdan. Grabe yung tulo ng pawis ko non, instant warm up sa kung ano mang gagawin namin sa PE. Aircon pa naman kami sa classroom, hello tuberculosis. Lagot ako kay Mama neto. Pero laking gulat ko kasi pagbukas ko ng pintuan ng classroom ay nandon ang mga kaklase ko at may kanya-kanyang buhay.


"Karl, nasan si Sir?" Tanong ko sa isa kong kaklaseng nakatambay malapit sa pintuan, isa sa mga una kong nakita.

"Ay wala raw. May meeting lahat ng teachers hanggang second period. Pero nagbigay ng hw, hingi ka handout kay Moira."

"Sige, salamat."


Nagpahinga lang ako saglit at hinanap agad si Moira. Swerte ko naman ngayong araw. Tinanong ko sa iba ko pang kaklase kung napansin ba nila si Moira pero hindi raw. Nasan kaya yon? Plano ko sana umidlip muna kasi napagod ako kaso ang lakas ng pagkakasara ng pinto parang may nagbagsak neto.


"Gwen? Moira? Venice? Bakit kayo umiiyak?"


Tinignan ko kung saan nanggagaling yung sigaw tapos nakita ko yung tatlo kong kapatid na umiiyak. Si Ven, Moi at Gwen. Kapatid ang tawag ko sa kanila kasi ganun ang turingan namin dito. Tanggap ang lahat, kabaliwan, karupukan, kaharutan, iyakan, bardagulan.


"Anong nangyari?"

"Huy okay lang kayo?"

"Paabot naman nung tubig ni Ven dyan. Inom kayo oh."


Sa kanilang tatlo ang pinaka malapit talaga sakin ay si Gwen. Hindi ko rin alam, simula nung naging magkagrupo kami sa research noon at nakapagshare siya sakin ng slight ay ayon nagtuloy-tuloy na. Di ako sigurado pero nag-click nalang kami bigla.

Nagulat ako nang lumapit sakin si Gwen at niyakap niya ako. Wala namang malisya don kasi madalas talagang nagyayakapan mga tao rito. Babae sa lalaki, babae sa babae, lalaki sa lalaki, wala namang issue. Ganun ka open-minded mga tao rito.


"Gwen, anong problema?"

"Yung tropa namin, gusto na idissolve."

"Ano?" Dissolve? Ano yun powdered drink? Huh?

"Nag-usap kaming pito, yung tatlong magkakaklase Nyn, Reyna pati Thea tsaka ayon si Ac. Dahil nga raw hindi na kami nakakapagbond at nakakapagusap ganon magsarili nalang daw kami ng tropa."

"Sino nagsabi non?"

"Si Thea."


Hindi ko talaga nagustuhan yang si Thea simula't sapul. May something sa kanya na off ako. At ngayon, nagkakapangalan na yung something na yon.


"Si Thea lang?"

"Actually silang tatlo, kasi siyempre mukhang masaya na rin sila sa bago nilang tropa. Kaming tatlo naman, ayaw namin siyempre kasi may pinagsamahan pa rin kami. Pero may point naman sila na parang hindi na namin kilala yung isa't isa eh. Magiging magkakaibigan pa rin naman daw kami pero hindi lang talaga katulad nung dati."

"Pumayag kayo?"


Naiinis ako. Hindi ko to problema pero the fact na iniiyakan to ng mga kapatid ko makes me want to punch someone. Anybody from their so called "tropa."


"Wala naman kaming magagawa eh."

"Gwen, anong walang magagawa? Pito kayo. At kung tatlo silang agree at tatlo kayong hindi— si Aria." Hindi ko alam pero the thought of her gave some hope in my friends' situation. She's always that hope in everyone. That's her spirit eh.

Lalong umiyak si Gwen nung binanggit ko ang pangalan ng kaibigan niya.


"Don't tell me she sided with Thea?"

Umiling naman siya.

"Then if she didn't agree on them, she sided with you guys?"

"Hindi rin."

"What?!"

"Sabi niya mahal niya kami and that we will always be part of her. Pero she doesn't feel like family na, knowing na mag-isa lang siya sa STEM it must be so hard on her part."

"Kahit na! She should've picked a side!"

Hindi ko alam pero nadisappoint ako kay Aria. Hindi ko to tropa pero nasasaktan akong makita silang nag-iiyakan tungkol dito.

"She's hurt Atticus."

"And so are you. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya. Wala siyang karapatang gawing excuse yon para magplay safe. She knows better than to be a neutral."

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon