three

6 0 0
                                    


(Aria)


"Laban na in less than a month, wala akong maibibigay na intense training kagaya nung mga nakaraang taon pero dahil dalawa sa kasama sa team na ito ay beterano,  malaki ang tiwala ko sa team na to."

Wow. Ang saya naman. Napakasaya pa nga.

Ilalaban nanaman kami sa TV Broad, tignan mo nga naman kung sino mga ka-team ko puro baguhan. Paano ba naman yung mga ka-team ko nung grade 11 ay nag-alisan na si Scarlet naman na ka-team namin before ay umayaw na kasi hindi pinapayagan ng parents. At ayon po, nararamdaman kong tagabuhat kami ni Atticus, ang ka-batch ko sa TV broad na anchor ng team.


"Ano ng plano?"

"Anong 'anong plano' ha? Ikaw nga dapat tinatanong ko Boss Atticus mapagmahal two four ninety seven eighty one."

"Baliw, ano nanamang pinagsasabi mo."

"Sorry na dami kasing pinapagawa sa Physics sinabayan pa ng Biology eh akala mo naman dami naming natututunan sa teacher namin hays wala ng maayos na tulog at pahinga! Yung research pa!"


Napansin ko na parang tinatawanan na lang ako netong kausap ko. Aba walangya namomroblema ako tas tinatawan-tawanan ako netong hinayupak na to.


"Anong nakakatawa?"

"Wala lang, ang daldal mo pa rin."

"Well, this is still me duh the one and only, Aria Charlotte Montes. Nag-iisa at walang kaparehas."

"Agree ako sa nag-iisa since single ka–"

"Hoy ang sama mo single ka rin naman!" Di ko maiwasan hindi magbutt-in kasi ang laking epal netong si Atticus.

"Hahaha pero walang kaparehas? Ikaw? Seryoso ka ba? I doubt kasi alam mo Aria out of all the 7.7 billion people on Earth, statistically saying may pito kang kamukha."

"Wow, sinubukan ako ng statistics ni Master. Ginagamitan mo ako ng STEM terms ha, good job. Pero let me ask you this: sa sinasabi mong pitong kamukha ko, do you think that they think the same as me? Is their fashion sense the same as me? Is their emotional and intellectual capacity comparable to mine? Yes, Atticus, yes they might look like me. But they can never be me."

"Ac paakyat na si Ma'am Mamu." Biglang sulpot at sabi ng kaklase kong papunta na sa room namin.

"Okay salamat Josephine susunod na ako." 

Kinuha ko na yung mga gamit ko sa School Publication Office kasi baka malate pa ako sa klase ni Ma'am Mamu, teacher namin sa Science namely Physics and Biology. Sa sobrang lakas ng trip ng teacher na to, kapag Bio time tas trip niya mag-Physics no choice kami kundi mag-Physics. Okay lang kami Ma'am.


"It was nice arguing with you Aria ha, pero babalik ako sa tanong ko kanina. Anong plano natin sa team? Alam nating parehas na tayo ang aasahan ng teammates since tayo yung parehas na may experience na. Wala tayong choice kundi magtulungan at maging sandalan ang isa't isa. Kapag nawala ang isa, malaking kawalan sa team yon."

"Wag ka magalala, kasama mo ako. Hindi kita iiwan okay? Kakayanin natin to, for now magkaklase muna ako Physics time byers."



Nakalipas ang mga susunod na araw na wala namang masyadong nangyari sa buhay ko bukod sa walang katapusang school shits featuring sleepless nights. Tapos minsan dadagdag pa yung mga problema sa bahay.


"Ma, uuwi po si Papa this October diba?"

"Hindi Iah eh."

"Bakit daw po?"

"Chance passenger kasi siya, baka next month pa raw."

"Hindi na siya magce-celebrate ng birthday niya rito?"

"Hindi na nga. Wag na makulit."

"Okay po, goodnight."


May kwento pala ako. Once upon a time merong katulong na namamasukan sa isang mag-asawang hindi magka-anak anak. Ang katulong na ito ay may anak na, isinama niya ito sa bahay ng kanyang mga amo dahil ayaw niyang mahiwalay sa anak niya. Pumayag din naman ang mag-asawa dahil wala rin naman silang anak, kumbaga trial stage ng pag-aalaga ng anak ganon. Isang araw nagkaroon ng malubhang sakit ang ina, dalawang taong gulang palang noon ang kanyang anak. Binawian ng buhay ang ina, ang mag-asawa naman ang kumupkop sa bata dahil na rin sa pagmamahal nila rito. Lumaki ang bata sa piling ng amo ng kanyang mama. Nakalipas ang panahon at inampon na siya ng mga ito. At ang pangalan ng bata ay Aria Charlotte Montes.

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon