fourteen

1 0 0
                                    


(Atticus)

Masaya yung mga nakaraang linggo. Maganda yung simula ng taon ko dahil tahimik naman ang buhay. By tahimik ang ibig kong sabihin ay walang mga kung ano anong kadramahan at mga problema. Ganito lang yung gusto ko.

Naalala ko tuloy kung gaano naging malubak lahat after namin magbreak ni Abby. Walang totoong nakakaalam kung ano ba talagang nangyari sa amin. At least the truth based on my perspective. Ganito kasi yan, nung lumipat ng school si Abby for SHS medyo nag-iba na siya. Taanggap ko naman yon, yung changes and adjustments na gagawin namin para sa LDR na to kahit una palang I made it clear na hindi ako pang-LDR na tao. Kaso ano bang magagawa ko? Mahal ko eh.

Nung first few months niya sa bago niyang school okay naman. Naguusap kami ng regular. Yun nga lang madalas wala kaming mapagusapan dahil parehas kaming introvert. Mabuti nalang nakakahanap kami palagi ng oras para magkita at magcatch up. Physical touch kasi love language namin parehas. Ang dami naming mga pagkakapareho at similarities. Oh diba parehas lang yon. Parang kami ni Abby.

Akala ko talaga siya na. Akala ko kami na talaga. Kaso wala eh, nung nakapag-adjust siya sa new school niya may part sa kanya na nabago. Paanong nabago? Yung mga dati niyang gusto, mga kinahiligan unti-unti na niyang tinatalikuran. Okay lang naman sakin yon, tanggap ko naman siya.

Dumating kami sa time na di na kami nagkikita at naging matumal yung pag-uusap. Sinusubukan ko siyang puntahan sa kanila since legal naman kami at kilala naman ako ng buong pamilya niya kaso palagi siyang may ginagawa. By the way, naka-dorm pala siya at nung mga sumunod na buwan halos di na siya umuuwi sa kanila.


Friday non kagagaling ko lang sa school tinext ako ng Mama ni Abby tinatanong if kasama ko raw ba siya. Nagtaka naman ako kasi wala rin namang nabanggit si Abby kung aalis ba siya o ano. Tinawagan ko nalang si Tita at sinabing hindi ko alam kung nasaan si Abby. Inimbitahan niya nalang akong pumunta sa kanila kinabukasan kasi may celebration daw sila, one year old na si Persia, yung aso nila.

Inantay ko kung mababanggit ni Abby yung about sa birthday ni Persia kaso sobrang dami niyang ginagawa nung gabing yon kaya hinayaan ko nalang. Susurprise ko sana siya kaso ako yung nasurprise pagdating ko ron.


"Atticus? What are you doing here?" Gulat at nagtatakang tanong niya sakin nung nakita niya ako.

"Happy birthday kay Persia? Ininvite ako ni Tita. I'm glad to see you too baby, long time no see." Pagkatapos kong yakapin si Abby ay may sumulpot namang lalaki sa gilid niya.

"Atticus? Bro I'm Ely nice to finally meet you." Ako naman yung nagtataka ngayon kasi nabanggit nga ni Abby etong lalaking to isang beses pero di ko naman alam na close pala sila. To the point na iimbitahan niya sa birthday ni Persia.

"Abby, can I talk to you for a second?" Ang dami kong worries non. Bakit nandito si Ely. Ang sabi niya may partner project daw. Bakit yung gamit ni Ely nasa kuwarto niya? Bakit sa kuwarto sila gumagawa ng project? Eh never nagpapasok ng kung sino lang sa kuwarto to si Abby. Natigil lang yung pausbong na bangayan namin nung umiyak siya. Bakit ko raw siya pinagdududahan.

"I love you baby please wag namang ganito. I swear Ely's just a friend. Nagkakataon lang. Wala kang dapat ipag-alala okay?"


Pinagkatiwalaan ko siya kasi nga mahal ko siya. Pero habang mas tumatagal siya sa bago niyang school mas napapalayo nga siya sakin. Ni hindi ko nga alam na naginuman pala silang blockmates. Kung di pa ako tatawagan ng kaibigan niya di ko pa malalamang lasing siya.

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon