four

6 0 0
                                    


HELLO SA PART NA TO MAKIKILALA NIYO NA ANG THREE PINAKA MAIN CHARACTER HAHAHAHA. HAPPY READING, LOVE KO KAYO!



*


(Axel)


"Bakla ka ng taon teka nga nasaan ka ba? Nasa left side ako ng stage. Ikaw na mag-adjust sanay ka naman diba kay Anton nga nag-adjust ka kahit di naman worth it yon tas ako na— hello? Bruha talaga." Aba, binabaan ako ng telepono? K ka lang sis?

Napailing nalang ako habang natatawang iniisip yung kausap ko.

This is it, makikita ko nanaman ang ka-ldr kong buddy, si Ac. Nakakaexcite and kaba at the same time. I've missed her kahit nagkita lang kami last, last month sa Youth Summit.  Di naman kasi kami nakapag-usap ng maayos noon kasi sobrang gipit sa oras.

To be honest I didn't like her at first kasi she looks maarte and masungit and high maintenance nung nagmeet kami sa competition wayback grade 8. Pero sis, nung inapproach niya ako? I was like jvckjwvhcwrv this girl! Sobrang opposite siya nung inaakala ko. 

She was very down to earth and fun and easy to be with. We immediately became friends through her efforts (kasi siya lang naman makuda at maraming kwento. Enjoy naman ako makinig). I didn't expect na magtatagal din friendship namin kasi una sa lahat magkalayo yung City namin. Pero I can't remember kung paano kami naging super close to the point na parang hindi kami sa chat or call lang nag-uusap. The magic of friendship. The charm of the Aria Charlotte Montes.


"Buddy!"

"Ac!"

"Axel, ikaw ba yan? Huy buddy hi omg, I miss you!!!"

"I miss you too, dali picture muna tayo!"

"Nga pala dinala ko si Atticus para picturan tayo. Atticus si Axel, Axel si Atticus."

"We know each other." Pormal na sabi ni Atticus.

"Oo Ac, diba nagusap kami niyan nung kayo pa." bulong ko kay Ac. 

Nung naging si Atticus kasi and Ac mga grade 9 pa sila non, neneng and totoy days, nag-away silang bongga. Eh ako talaga madalas nasasabihan ni Ac ng problem especially kapag nagkakaproblema siya sa lalaki. Ayun, ewan ko paano nakuha ni Atticus number ko pero tinawagan niya ako para sabihing wag ko pababayaang malungkot si Ac. Para silang tanga non pataasan ng pride na ewan mahal naman nila isa't isa.


"Okay okay, pa-pic muna kami Atticus. Tuloy-tuloy na shot ha, damihan mo boss."

"Yung libre ko Aria ha, hindi libre tong ginagawa ko."

"Eto naman! Don't count the eggs while the chicken not hatching."

"Ano?"

"Wala, magpicture ka na Atticus! Siguraduhin mong maayos yan sayang bayad ko sayo!"


Napangiti ako, ang cute talaga nilang dalawa. Bagay na bagay. Ewan ko ba kahit nagkaroon na ng Anton tong si Ac tapos Abigail tong si Atticus sila pa ring dalawa shiniship ko. Eh ngayong parehas silang kakabreak sa respective jowas I'm back to shipping them. The ship is officially sailing again! 


"Wala na ba talaga si Atticus sayo?" Bulong ko kay Ac.

"Sinasabi mo dyan?"

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon