seven

6 0 0
                                    


(Axel)


"You're chosen to be the schools representative sa darating na National Online Poster making, Axel."

"Po? Talaga po?"

"Yes Axel, kaya sabihin mo na sa parents mo na luluwas tayong Maynila para ron."


Nanginginig ako sa tuwa. Hindi ko inaasahan to. Grabe, Ganito pala yung pakiramdam. Pakiramdam na nabibigyang pansin yung passion mo. It felt so nice. So good. Feels so rewarding.


"Oh my! Congrats Axel! Ang galing-galing mo talaga!"

"Hindi naman. Salamat Savannah."

"Grabe, grabe hindi nga kami nagkamali na magpa coffee paint sayo tas ipaglandakan sa mundo yung talent mo."

"Salamat Dani."

"Hala, hala. Luluwas ka Ax!! Sobrang nakakaproud ka tangina mo."

"Wala namang murahan Romina."

"Galingan mo Ax ha? Nandito lang kami laging naniniwala at susuporta sayo."

"Nakakaiyak naman kayo Bonita, lika group hug nga!"



Sa susunod na linggo na yung contest kaya naman madalas akong nage-extend sa school para magtrain.


"Masyadong light yung kulay na ginamit mo dito Axel, try a darker shade para mas umangat yung kulay at kita yung contrast."

"Sige po Ate Sydney."


Nasa computer lab ako ngayon, hindi ko kasi nadala yung laptop ko. Late kasi ako nagising kaya naiwan ko kanina nung pagpasok ko. Gamit ko yung laptop ni Ate Sydney. Yung trainer ko, tatlo sila isang alumni, isang professional at isang teacher from our school. Yung nagtatrain sa akin ngayon si Ate Sydney ay isang alumni. Ang dami kong natutunan kahit nasa 4th training day palang ako. Naeexcite ako, ang sarap matuto lalo na kapag gusto mo yung ginagawa mo.


"Sige enough na yan Axel, let's call it a day. Gagabihin ka nanaman."

"Okay lang naman po Ate Sydney, isang tricycle lang naman po bahay ko."

"Sa iyo oo, sakin hindi may aattendan pa akong party kaloka."

"Ay ganun po ba, hala sorry po sige tulungan ko na po kayo magligpit."

"Sige, salamat."


Nagpaalam na rin ako kay Ate Sydney after ng training namin. Ilang araw na yung nakakalipas pero parang nasa Cloud Nine pa rin ako dahil sa upcoming competition na ito. Todo ensayo rin ako kasi first time ko lalaban sa ganitong contest. Madalas academics or pang journalism mga outside competition ko eh. Ngayon lang yung arts. Grabe, ang saya and exciting talaga.


"Axel?"

"Uy Vien hi. Bat nasa school ka pa?"

"Tatanong ko rin sana sayo yan. Nagshoot kami para sa project eh. Ikaw?"

"Ah, katatapos lang ng training ko."

"Wait, may baseball na ba sa school natin? Or may iba ka pang sport?"

"Sira, hindi ganong training."

"Ha?"

"Online Poster Making."

"Ah! Okay gets gets! Nabanggit nga nila Romina. Uy, congrats ha."

"Next week pa yung laban ikaw naman, advance ka masyado."

"Sus, alam ko namang kayang-kaya mo yon eh. Ikaw pa. Galing mo kaya."

"Luh, ano ka ba ako lang 'to."

"Sus wag mo nga nila-lang lang sarili mo, sobrang cool mo kaya and a very amazing person."

"You have a way with words Vien, ikaw talaga. Pauwi ka na ba? Sabay na tayo."

"Hala totoo? Sige pero pwede wait kukunin ko lang yung camera kila Cedrick, mabilis lang ako swear."

"Samahan na kita."

"Talaga? I mean, sige tara."


Sinamahan ko si Vien tutal parehas naman kaming pauwi na. Isa pa, magkalapit lang bahay namin. Hindi naman yung sobrang lapit. Kumbaga 10 minutes walking distance. Para sa akin malapit na yon eh.


"Sobrang thanks Axel ha! Naabala pa tuloy kita sa pagbitbit. Next time kain tayo sa labas ha! Treat ko."

"Ano ka ba Vien, di na kailangan."

"I insist. Sige na, pagbalik mo. Tapsi tayo."

"Para namang ang tagal ko mawawala."

"Sige na Axel Miguel, please?"

"Oo na hahaha, kakain tayo tapsi pagbalik ko."

"Yay, I'll look forward to that! Ingat ka ha? Salamat ulit Ax-ax."


Ax-ax? Cool nickname. 

Okay, just some background info at baka maging malikot ang mga utak niyo. 

Matagal na kaming magkakilala neto ni Vien, naging close lang this year kasi nagkikita sa mga inaattendan na debut ganon. STEM kasi siya HUMSS ako, pero kaklase siya nina Bonita and Savannah kaya mejo close sila. At yung dalawa kong tropang yon ang naging way para maging close kami, "shini-ship" daw kami parang baliw. At tsaka ang alam ko may ka-MU na yang si Vien anyway that's not my business.

I told myself after Carol ay, hindi ko alam. Wag nalang muna magmahal ganon. Focus muna sa higit na importanteng bagay. Tulad ng passion, mga pangarap. Naniniwala akong dadating naman yung pag-ibig sa tamang panahon eh. Hindi naman kailangang magmadali, kapag minamadali kasi panget yung kinakalabasan. Panget ko na nga panget pa outcome, improve naman tayo dyan.

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon