ten

8 0 0
                                    


(Axel)


"Last 30 minutes, Artists!"


Masyadong jolly yung host hindi ako natutuwa. Nadidistract ako, buti nalang nakakagawa ako kahit hindi conducive yung environment. Char.

Nag-adjust lang ako sa background, lighter shade para sa texts. Adjust sa brightness, contrast and saturation. Wag kalilimutang i-save kasi bilin ni Ate Sydney na kung kaya kada bago sa design is i-save para safe.

Nagfinalize na rin ako ng file name and everything mejo kampante na ako sa output ko. Around 10 minutes nalang biglang nawalan ng kuryente. It lasted for a minute lang naman. Mejo okay lang naman ako kasi di naapektuhan yung gawa ko.

Napatingin ako sa katabi ko na napapamura ng mahina.


"Fuck, di ako nagsave. Fuck you tablet ngayon ka pa naghang. Ahh ano ba to, ayos naman tayo dyan?"


Kung di lang siya namomroblema baka tinawanan ko na siya. Ang cute kasi ng reaction eh. Grabe ang sama ko, mind your own business Axel. Napakachismoso ko ang weird.


"Hey uhm, mukhang tapos ka na, can I borrow your pen? Ayaw kasi gumana nung akin eh."

"Ah yes, eto oh."


Hindi ko na namalayan yung oras at nawala na rin sa isip ko yung stylus pen hanggang nung nag-awarding. Kainis naman yon si Ate! Hihiram hiram tas hindi naman marunong magbalik. Buti hindi pa nagchecheck ng gamit si coach kaya hindi niya napapansin wala yung pen tho dalawang pen naman yung meron ako.

Tinry ko hanapin si Ate Girl kaso di ko makita eh. Yaan mo na nga, kanya na yon saksak niya sa baga niya. Sana di masarap ulam niya. Sabihin ko nalang kay coach di ko namalayan kasi yung isang stylus gamit ko. Para di magalit.

Nagtatawag na ng winners at kampante naman akong pasok ako sa top 10. Hello, di naman sa nagmamagaling pero I think I have an edge. HAHAHA ang yabang eh no, pero seryoso sinabi rin ng mga trainers ko yon. Yung unique concept ko raw ganon.

Yung theme pala na pinagawa samin is "Women Empowerment" mga "Abante Babae" things. Wala naman akong problem don kasi Feminist din naman ako by heart and I'm still learning more about it. Tsaka na-practice na namin to ng isa sa mga trainer ko. Gamitin ko raw is si Medusa kasi one of the most misunderstood woman in Greek Mythology siya. Ako na raw gumamit ng art type na gusto ko. Siyempre Classism na may slight Popo Art para past meets present ang peg.


"Silver Medalist from Laguna, congratulations Mr. Miguel Axel Sanchez."


Wow, di ko naman ineexpect na magiging Silver Medalist pa ako. I thought fifth place ganon, what a surprise naman. Masaya akong hinatak ni coach papuntang entablado. 

Masaya pa rin kaya siya mamaya pag nalaman niyang nawala ko yung stylus?


"Gold Medalist from Manila, lets give it up for Ms. Bethany Elizabeth Vera."


Halos malaglag yung panga ko nung nakita ko si Ate Girl na nanghiram ng pen ko na malapit sa pwesto ko. Siya yung nasa pwesto ng Gold Medalist. 

So ano to? Tinulungan ko yung First place? Sana pala di ko na pinahiram to baka ako pa nagfirst place. Joke.

Nakita ko siya binigyan ako ng awkward na ngiti. Luh, ngiti-ngiti ka pa balik mo muna pen ko grr.

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon