eleven

6 0 0
                                    


(Aria)


"Hello?"


Tumingin ako sa alarm clock na nasa side table ko.

12:48 AM.

What the heck sinong tatawag ng gantong oras?


"Ac?"

"Hello? Sino 'to?"

"Grabe ka naman, buddy mo 'to."

"Axel? Bakit ganyan boses mo? Anong oras na ha? Okay ka lang ba?"


Narinig ko siyang mag-giggle sa kabilang linya. What is happening?


"Confess na Axel! Oo nga, ako kakausap dyan! Ac pala ha!"

"Buddy huy, okay ka lang ba? Anong nangyayari?"

"Birthday ko ngayon Ac."


Tinignan ko yung petsa sa kalendaryo.

November 17, 2018.


"Alam ko buddy! Epal neto eh mamaya pa kita babatiin."


Feeling ko pinagti-tripan ako neto ni Axel eh.


"Wala ka bang sasabihin Ac?"

"Huh, baka ikaw yung may sasabihin buddy ikaw yung tumawag eh. Sasapakin na kita, mamaya na kita babatiin. Long message promise. Inaantok pa kasi ako may report pa ako mamaya. Promise, I'll call you later ha?"

"Awit, kala ko naman informed na yung crush mo na crush mo siya bakit ganyan reaction. Pat! Ano ba wag ka maingay di pa sila tapos mag-usap! Eh kasi kukupad kupad to si Axel eh, pinagshot na nga para magkalakas ng loob."

"Axel, nakainom ka ba?"


Kung gaano kaingay kanina sa kabilang linya kabaligtaran naman 'to ng naririnig ko ngayon. Wait nga ano bang nangyayari?


"Ah shit, Ac. Sorry sorry."

"Ano bang nangyayari?"

"Wala, kalimutan mo na. I'm sorry Ac naistorbo pa kita. Axel! Sabihin mong crush mo siya now na-"

"Hello?"


Binaba na yung tawag. What just happened?



(Axel)


"Oo Axel grabe ang wild mo. Ganon ka pala malasing ha."

"Bonita, stop na please."

"Grabe kung ako si Ac binabaan na kita agad! Pero hindi ka niya binabaan. Myghad, Axel ang suwerte mo!"

"Savannah please."

"Let's get Axel drunk again."

"G ako Romina! Inom tayo later as celeb mo naman Axel!"

"Sa Saturday pa yung handa ko, Dani. At walang inuman don magagalit sila Nanay."


Ang iingay ng mga kaibigan ko. Wala na kaming klase kaya uwian na namin. Buti nalang hapon klase namin ngayon at mga may hangover pa kami dahil sa debut ni Gabe kahapon.

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon