Prologue

17 0 0
                                    



"Tinanggap ko yung scholarship sa States, Aria."


"Omg! Yehey! That's great news baby, we should celebrate!"


Hindi ko alam, good news yung sinasabi niya pero yung mukha niya pang Biyernes Santo.


Hinawakan ko yung kamay niya kasi ililibre ko nalang siya, maybe he had a bad day. Pagkain lang katapat niyan, a good food can make your mood all good!


Ngunit nagulat ako nung hinablot niya yung kamay sakin.


"Babe, bakit?"


Yumuko siya at ikinuyom ang kamao niya.


"Aria.."


"Huy, kanina ka pa. Okay ka lang ba babe? May nagawa ba ako-"


"Let's break up, Aria."


Napako ako sa kinatatayuan ko at parang nauubusan na ako ng hininga.


"B-babe naman! Matagal pa April fools wag mo nga akong pinagti-tripan! Halika na lilibre kita, celeb tayo sa job well done mo-"


"I'm serious, Aria. Gusto ko na makipagbreak sayo."


Tumingin siya sa mata ko. Wala akong mabasang emosyon.


Bakit?


Unti-unti nang nabasa ang mga mata ko.


Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw.


"Anong nagawa ko?" Pinilit ko pa ring magsalita kahit sobrang sakit ng lalamunan ko.


Umiling siya at tumalikod.


"Hindi ko kaya ng LDR. Tama na to bago pa tayo mas mahirapan sa dulo."


Fuck, ano?


"LDR? Ano ng nangyari sa lahat ng pangarap natin! Akala ko ba we'll grow together! Ano to, bakit moko iiwan! Bakit naman biglaan! Ayoko, hindi ako papayag. Hindi pwede to!"


Hinabol ko siya at sinubukang yumakap kaso nagpumiglas siya.


Ang sakit.


Bakit niya ba ginagawa sakin to?


Paano niya nagagawa sakin to?


"Mamaya na ang alis namin, Aria. Wag ka na humabol, please. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."


Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.


Ang sarili mo.


Sarili mo.


Hindi siya nahihirapan? Ako lang 'to?


"Baby, please. Pag-usapan naman natin 'to. Nasan na yung communication? You and me against the world diba? Please, wag mo naman gawin sa'kin to." Tuloy-tuloy pa rin ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit.


"Wag mo rin gawin sakin to, Aria. Hayaan mokong abutin ang pangarap ko."


"Hindi ba ako kasama sa pangarap mo? Akala ko ba-"


"Hindi. Kaya utang na loob, bumitaw ka na."

Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon