twelve

7 0 0
                                    


(Aria)


"Ahh! Ang init naman." Pinampapaypay ko ng sarili ko yung kamay ko habang nag-aabang ng jeep pa-Alabang.

Katatapos ko lang mag-entrance exam sa PHILSCA and so far so good. Alas otso yung exam ko pero 6:30 AM nandon na ako. Iba talaga excitement kapag dream school, parang tanga.

Hindi naman sobrang hirap nung exam. More on common sense, logic, mechanical, abstract and spatial reasoning ganon. Okay din palang UPCAT yung naging starting ground ko sa college exams. Wala feel ko ang dali na eh.

Mabilis na lumipas yung mga araw hanggang sa naghanda sa bahay para sa birthday ko. Hindi naman bongga or engrande or whatever. Simple salo-salo with closest friends and family lang. Wala na rin namang masyadong ganap kasi may pasok pa kinabukasan at final defense na namin sa Thursday at Friday. Tuesday pa naman ngayon. Kaya naappreciate kong they dedicated some of their time for my special day.

Sa Saturday, debut nanaman ng katropa kong si Dani. Part nanaman ako ng 18 candles, mga kaibigan ko debut ng debut nauubusan na ako ng idea sa panregalo nakakaloka. Tas next week Saturday uli, debut ng isa ko pang katropa si Jacy. Tapos next next week, Saturday nanaman debut ng isa kong kaibigang naging ka-grupo ko sa research. At sa Tagaytay pa yon! Myghad, kala ko around Laguna lang din eh.

Naghabol lang kami requirements, mga quiz, recitation reporting at research. Tapos next week ay Finals na rin pala namin kaya sobrang busy ng lahat. Hindi ko na rin masyado nakakausap mga katropa ko kasi if I know taga-buhat din sila ng group. Kasabay ko Commute Buddies today kasi katatapos lang ng defense namin kaya napagdesisyunan naming dumaan muna sa bilihan ng ihaw-ihaw, fishball at kung ano pang pwede maisali sa food trip namin. Inabot na kami ng dilim bago kami umuwi. Okay lang naman 6:30 PM palang naman.

Wala namang kakaibang nangyare sa debut ng dalawa kong katropa. Pero yun debut ni Steph, yung sa Tagaytay? Tig-tagay kami!

Sa private resort ginanap yung debut. Tapos yung akala namin super strict nung parents ni Steph pero myghad! May pa-drinks pa like yung sa bar? Hindi ko alam kasi never pa naman ako nakapag-bar.

Basta may bartender tas may mobile bar! Nakakaloka first time ko makakita ng "wasted" na mga kaklase ko. Masakit sa ulo oo pero, sobrang nakakatawa. May isa akong kaklase na nagiiyak sa gilid, yung isa naman sayaw ng sayaw sa dancefloor nakakaloka.


"Tita, Tito, sorry po ang wild ng mga kaklase ko."

"Wag ka mag-apologize Ac, hayaan mo lang sila mag-enjoy. Mag-enjoy ka rin hija."


Hinanap ko si Steph pero ang sabi sakin ng "matitino" kong kaklase ay naga-asikaso raw siya ng lasing. Nakakahiya! Debut niya tas naga-alaga siya. Naghanap ako ng matitino ko pang kaklase pero paubos na pala kami.


"Ac.."

"Oy Kobs? Lasing ka nanaman hahaha anobayan."

"Nasusuka ako."

"Ay putek wag ako susukahan mo utang na loob tara sa CR. Wait wag ka susuka ha."


Inalalayan ko si Kobs papuntang CR. Buti nalang nakita kami nina Exo at Av kaya sila na nagasikaso don.


"Ac, enjoy ka. Wag mo problemahin kami."

"Okay lang ako, Exo. Wag niyo pabayaan yang isang yan ha."


Sa NagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon