Skyler's POV
Pagkapasok ko palang sa room nila ang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi naman ito ang first time na pumasok ako, dito sa lower section pero ewan ko ba kung bakit bumibilis tibok ng puso aishh.
Pumunta na ako sa upuan ko at umupo na.
"Hi Skyler! Kamusta kana?"
Umupo ako pero hindi ko siya pinansin.
Maya-maya dumating na si Ace. Ang halimaw ng section nato.
"Hi miss menchin! Ayy hindi pala hi betty!"
Hindi ko rin siya pinansin may pa-menchin at betty pa siya nakakinis.
"Welcome back to hell"Niligon ko siya ngayun lang niya ako wenilcome ah! At hell? Oo nga hell pala ito at kapag katabi kita hell na hell na ang feeling ko.
Dumating na si Cruz at nag simula na, siya mag classe
"Dre, bakit mo pala tinawag na menchin at betty si Skyler?"si Ashter
"Kamukha niya kasi si menchin at si betty la fea!"
Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya na tinag kahit kailan epal siya sa buhay ko.
"Ahh, ganun pala. Hi miss menchin or betty" sabi sa'kin ni Ashter. Magbestfriend talaga itong dalawang toh. Pati sa pang-aasar sa'kin sanggat dikit parin sila.
"Arghhh tumahimik nga kayo"
Tumawa lang sila pero mahina lang para hindi marinig ni sir.
"Whatever menchin, betty" sabay nilang sabi.
Nakinig na ulit ako, bakit kapag sila yung kaharap ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko? Hindi ko matagalan yung pang-aasar nila
Matapos na yung classes hindi parin ako nakakapag-ganti sa Ace na yun akala niya ba papatalo ako sa kanya? Hindi noh! Baka isipin niya pa, kakayanin lang niya ako porket ganito ako.
Tumingin ako sa sahig at may nakita akong ipis. Inapakan ko yun at until until kung kinuha.
"Ace?" Tawag ko tapos lumigon siya sa'kin. Oras ko naman para mang inis
"Ano yun?" Sabi tapos paglingon niya hinagis ko yung ipis papunta sa lamesa niya at ayun tumama."What the?! Alisin mo yan!"
Nakakatawa yung mukha niya kalalaking tao takot sa ipis. AHAHAHAHA
d^∇^b
"Ipis lang takot ka?"
Lahat kami sa room ay nagtatawanan pati si Ashter. Yes! One point for Skyler!
"Shut up" kinuha niya yung bag niya tapos umalis na siya. Galit na galit?
Anong problema ng taong yun? Pikon masyado! Kapag siya yung nangaasar tuwang-tuwa siya.
"Ang bad mo Skyler" sabi ni Ashter
Bakit ako? "Tama lang yun! Quits na kami. At ikaw? Isa kapa!""Kung ako sayo wag mong ginagalit si Ace, masamang magalit yun"
"Tsk! Hindi ako natatakot sa kanya"
"Mabait ka naman hindi ba?"
Pagbalik ni sir Cruz pinaalis na niya kami kaso kailagan daw kaming sa field para sa registration sa clubs na pwede naming salihan.
Lahat ng classmates ko umalis agad naiwan kami ni Ashter. Nakita ko sa desk ni sir na naiwan niya yung notebook niya kinuha ko yun tapos hinabol siya para ibalik yung notebook.
Pagbalik ko sa room hindi ko nakita yung bag ko. Nasaan na yun? Si Ashter yung naiwan dito kanina ah? Nasan na kaya yun? Baka kinuha niya yung bag ko. Tumakbo agad ako palabas ng room pumunta ako sa field tsaka hinanap ko siya.
"Ashter nasaan kanta?"
Pumunta ako sa lockers namin baka nandun siya.
"Ashter!"Sumama na talaga ang pakiramdam ko. Kakatakbo kung saan-saan. Gutom lang bato?
"A-ashter nasaan.... Nasan kanta bah?"
Hindi na ako makahinga. Yung inhaler ko nasa bag ko. Parang nanlalabo na yung mga Mata ko. Napahiga na ako sa hallway. Ashter nasan kana bah?
"Skyler? Hoy menchin!"
Si Ace bayun? "Y-yung i-in-inha-haler ko"
Kinuha niya yung bag ko? At bakit nasa kanya yung bag ko? Kinuha niya yung inhaler tapos binigay niya sa'kin
"O tubig?"
Naaninag ko na yung mukha ni Ace parang alalang-alala siya. "Okay kana bah?" Inupo niya ako.
"Anong narardaman mo?"
"Ba-bakit n-na s-sayo bag ko?"
Umiwas siya ng tingin sa'kin.
"Kasi ano..."
"Kasi pinagtri-tripan niyo naman ako?"
Naramdaman ko yung luha sa gilid ng mata ko. "May magagawa kaba kapag inatake ako?"
"Gusto ko lang naman gumanti sorry"
"Ganti? Ayan! Nakaganti kana! Muntik mo na akong patayin!"
Tumayo ako at kinuha yung bag ko
"Ayan Ace! Nakaganti kana sa'kin masaya kana?"
"Skyler..."
Hindi ko na siya hinintay mag salita at umalis na ako. Ang sama niya sa isang ipis lang muntik na ako mamatay! Bakit ba kasi nakilala ko pa siya?
Sana wala ng Drake Ace Ocampo sa buhay ko!
➖➖➖
To be continued......
BINABASA MO ANG
The Nerd And The Bad Boys(DISCONTINUED)
Randomsi Skyler ay isang nerd mahilig magbasa ng libro at laging pumupunta sa library ang tingin sa kanya ay pangit at hindi marunog manamit ayaw niya sa mga maiksing damit ang lagi niyang sinusuot ay hindi maiksi hindi siya nag aayos sa sarili niya. Nang...