Marcus Red's POV
Welcome back to our own school Marcus Red Vargas! At siguraduhin mong magtitino ka na! Kundi lagot ka kay Lolo Jaime!
d>>__<<b
Kagagaling ko lang ng Korea at kakauwi ko lang kahapon pero agad na akong pinapasok ni Daddy at Mommy ngayon dahil gusto daw akong makita ni lolo na siya naman talaga ang may-ari ng dalawang school at ng hospital at saka doon din ako nag-stay ng almost 2 years sa Korea pero pinauwi na ako ni daddy dahil nakarating kay lolo yung kalokohan ko na hindi pa rin ako nagtitino dahil pati sa Korea nangbu-bully ako at ang alam ni lolo ay ako lang ang nangbubully pero ang hindi niya rin alam ay pati mga kaibigan ko ay kasama ko sa kalokohan ko.
Ang pangbu-bully kasi namin ay ginagawa namin para pagtripan yung mga students para hindi kami mahalatang mga gangster dahil isa kaming mga gangster.
At isa pa kami rin ang may-ari ng Stanford University at Gillford University at ang pagkakaalam ko ay maraming bullies sa Gillford kesa Stanford na kilalang sikat at exclusive school.
Tsk! Paulit-ulit?!
Nakasakay ako ngayon sa mamahalin kong kotse na Lamborghini na regalo sakin ni daddy nung 15th birthday ko at yon ang bago ako ipinatapon ni daddy sa Korea dahil nalaman niyang nangbu-bully ako.
Bumusina naman ako para buksan nung Guard yung gate ng Stanford pero hindi naman binuksan nung Guard yung gate at lumapit siya sa may bintana kaya naman inis kong ibinaba yung bintana ng kotse ko.
"Good morning po, sir?"Bati nung guard pero hindi ko siya pinansin.
"Buksan mo yung gate"Seryoso kong utos ng hindi nakatingin sa Guard.
"Ah eh sir... Bawal po kasi kami magpapasok ng hindi muna nagpapakilala——"Inis ko naman siyang nilingon at tinanggal ko yung suot kong sunglasses ko na mamahalin na Maui-Jim.
"Hindi mo ba ako kilala ha?!"Inis na sigaw kong tanong sa Guardp at nakita ko naman na para siyang natakot sa pagsigaw ko sa kanya."Ako lang naman si Marcus Red Vargas! Ang anak ni Manuel Reed Vargas at Marceline Lee Vargas at ang kapatid ni Dra. Miles Gaia Vargas at ang apo ni Jaime Vargas! At kami ang may-ari nitong Stanford at Gillford University at saka ng StanGillford Hospital"Inis na sigaw ko pa rin sa gunggong na guard na 'to.
Napayuko at parang nahiya naman 'tong gunggong na guard na 'to at saka umalis para buksan yung gate kaya pinaandar ko na yon pero huminto muna ako saglit at inis ko pa rin tinignan 'tong gunggong na 'to.
"Tandaan mo 'tong gwapo kong mukha ha?!"Sigaw ko ulit sa kanya at paulit-ulit naman siyang napatango at humingi ng sorry.
Sinuot ko na ulit yung sunglasses ko at saka ko na ulit pinaandar yung kotse ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng Stanford. Pinark ko na yung Lamborghini ko sa parking lot ng Stanford University at saka lumabas ng kotse ko at akmang kukunin ko na yung phone ko sa may bulsa para tawagan yung apat na ugok na mga kaibigan ko ng biglang may humipan sa tenga ko dahilan para magulat ako at muntikan ko ng mabato yung cellphone ko at Pagkalingon ko ay yung apat na ugok pala na tawang tawa sa ginawa nila sakin.
"F*ck you ka! Chase Bailey Rivero!"Inis na sigaw ko sa kanya dahil siya lang naman yung humipan sa tenga ko. Si Chase Bailey Rivero ay ang pinaka maloko samin pero crush ng mga babae lalo na kapag ningingitian niya tapos makipag-meet siya pero hindi naman susulpot sa babaeng ime-meet niya. Paasa din eh!
"Gulat ka ba Red?"Tawa niyang tanong at akmang babatukan ko siya ng bigla siyang tumakbo palayo at inasar-asar pa ako.
"Hahaha parang ngayon lang kita nakitang nagulat ah"Tawa naman na sabi ni Grant Eros Luna na chick boy samin pero mahilig rin mag-paasa ng babae.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
JugendliteraturMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...