Veda Lia's POV
Dahan-dahan kong minulat yung mata ko pero wala akong makita dahil sobrang dilim. Iginala ko paningin ko kahit madilim at wala talaga akong makita kaya kinapa-kapa ko na lang yung sahig hanggang sa may mahawakan ako na isang bagay at parang bigla akong nabuhayan ng pagasa dahil meron flashlight.
'Ang bait naman ng taong nang-iwan ng flashlight dito'
d-.-b
Binuksan ko naman yung flashlight at halos mapatalon naman ako sa gulat dahil puro mga daga yung nakikita ko.
Nasaan ba ako?
Tumayo naman ako at mabuti na lang hindi ako nakagapos. Naglakad-lakad ako hanggang sa may marinig akong dalawang boses na nag-uusap sa may labas.
'Yun nga lang wala kang takas dahil ikinulong ka!'
"Si Marcus lang naman ang kailangan natin dito eh bakit pa natin kinidnap yung babae?"
"Ang bobo mo! Syempre para naman kapag nalaman ni Marcus na kinidnap natin yung girlfriend niya mag-alala siya at hahanapin niya. Edi madali na lang natin siya makukuha!"
"Sabagay tama ka naman. Teka girlfriend ni Marcus yung babaeng maganda?"
'Tsk! Hindi ko naman boyfriend yon!'
d-.-b
Nag-uusap pa sila pero hindi ko na pinakinggan at napasandal na lang ako sa pintuan.
Wala bang tutulong sakin dito?
Nasaan na kaya si Bryce?
Ano na kayang nangyari kay Quinn nung biglang may humataw sa amin?
At ano na rin kayang nangyari kay Goku? Siya kasi yung nakita namin ni Quinn na duguan kanina bago may humataw samin at mawalan kami ng malay.
Sino kayang gumawa sa kanya 'non at sa amin?
Tsk! Kahit naman masama ugali ng bwesit na yon nag-aalala din naman ako dahil kahit papaano mukhangg nagbabago naman na siya.
Napapikit na lang ako at napaupo sa sahig kaso napamulat din ako ng biglang may malakas na kumalabog sa pintuan kaya agad din akong napatayo.
"Teka? May tao ba diyan?!"Sigaw kong sabi at kinakalabog ko na rin yung pinto pero walang sumasagot.
"May tao ba diyan?! Tulong!"Malakas na sigaw ko pero wala pa rin sumasagot kung may tao nga sa labas pero mayamaya pa ay biglang kumabog ng malakas yung boses ko at parang nabuhayan ako ng loob dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Veda?! Wag kang mag-alala nandito na ako! Ililigtas kita!"Malakas na sigaw ni Bryce.
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko at ewan ko ba kung bakit."Teka, hahanapin ko muna yung susi. Diyan ka lang!"Sigaw niya.
"Sige, aantayin kita"Sagot ko naman at hindi naman na siya sumagot. Nakita ko naman yung anino niya na umalis na kaya napahinga na lang sko ng malalim saka napasandal ulit sa pintuan.
Mga halos dalawang minuto ako nag-antay bago bumalik si Bryce kaya napatayo ako at kinalabog ko ulit yung pinto.
"Bryce!? Tulungan mo ako!"Malakas na sigaw ko.
"Oo, sandali lang hinahanap ko pa susi nito kung alin dito!"Sigaw naman niya na sagot.
Napapikit na lang ako at saka napasandal ulit sa may pintuan.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Fiksi RemajaMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...