Marcus Red's POV
Padabog akong pumasok ng bahay namin at nakita naman na agad ako ng yaya namin. Inis naman akong napaupo sa sofa at napasandal na lang saka pumikit. Malaki ang bahay namin at may swimming pool din kami dito sa bahay at nasa isang exclusive village kami nakatira.
Ang may-ari kasi ng buong village na 'to ay ang kaibigan ni dad. Sobrang yaman daw yon dahil may dalawang resorts daw yon sa may Palawan. May tatlong mall, may dalawang hospital. Yung lupa na tinayuan ng Stanford at Gillford ay sa kanila din daw yon at yung lupa naman sa may StanGillford Hospital ay sa kanila din. At yun din daw ang may-ari ng buong Quezon City. At higit sa lahat may sariling yate, eroplano at mga mamahaling sasakyan.
At ayon din kay dad ay dalawa lang daw anak non na isang babae at lalaki at yung mommy daw nung magkapatid ay matagal ng patay dahil sa sakit.
At ang mas nakakatulala ay may lima silang bahay at sa lima na yon sa tatlo ay mansyon. Grabe! Napaka-luxury ng buhay nila.
Actually, kilala ko yung kaibigan ni dad na yon kaso hindi ko naman kilala yung anak non na dalawa at saka yung babae daw ay naglayas sabi sakin ni dad noon kaya matagal na rin hinahanap ng friend ni dad yung anak niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin makita.
'Tsk! Ang yaman na nga nila maglalayas pa siya! Hindi ata kuntento sa yaman nila'
"Mukhang pagod ka ata ngayon ah"Narinig kong sabi ni ate Gaia pero hindi ko siya sinagot at nakapikit pa rin ako.
"Inaantok ka na ba? Umakyat ka na at magpahinga ka na muna. Saka na lang kita tatawagin kapag kakain na"Dagdag niya pa pero hindi ko pa rin siya sinasagot.
"Tch... Para naman bingi nito eh! Hoy Marcus Red! Sagutin mo naman ako"Rinig kong reklamo niya kaya inis naman akong napadilat ng mata.
"Ano ba kasi yon?!"Inis na tanong ko at bigla naman siyang ngumiti sakin at saka tumabi sakin.
"Anong nangyari sa school nung dumating ka? Nagulat ba sila? Magkwento ka naman hihihi"Nagpapa-cute na sabi niya kaya nairap na lang ako.
Ang pangit nga ng pagdating ko kanina. Tch!
Mas pangit pa sa mukha ni Riku!
"Ano? Magkwento ka na dali hehe"Pangungulit niya pa kaya napahinga na lang ako ng malalim saka ko kinuwento ang nangyari kanina. Napansin ko naman na gulat na gulat siya at hindi makapaniwala at bigla siyang nainis nung kinuwento ko sa kanya ang gagong Riku na yon.
"Talaga? Napakasama ng Riku na yan! Pangit na nga inaaway pa baby boy namin huhuhu"Reklamo na sabi ni ate. Tsk O.A.!
"Aakyat na ako"Walang gana kong sabi saka na ako tumayo at naglakad na papaakyat sa may hagdan.
"Okay... May duty din kasi kami ngayon ni Janine sa StanGillford hospital hehe"Rinig kong sabi ni ate kaya napahinto ako at saka napalingon sa kanya.
"Janine?"Nagtataka kong tanong. Ngumiti naman siya sakin ng bahagya.
"Si Janine Acosta yung ate ni Jewel Acosta na crush ng kaibigan mong si Eros"Sagot naman niya kaya napatango na lang ako. Chickboy talaga 'tong Eros na 'to!Humakbang na ulit ako at ng nakarating na ako sa may tapat ng kwarto ko ay agad na akong pumasok at nag-dive sa kama.
Napasubsob na lang ako sa unan at feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Buti na lang hindi nakita ni ate Gaia yung sapak sakin ni Bryce kundi lagot na naman ako kay lolo.
Sa lahat ng kinatatakutan ko ay kay lolo lang ako takot. Tch!
Napaangat naman ako ng ulo ng biglang nag-vibrate yung phone ko na nasa bulsa ko. Agad ko yon kinuha at hindi ko na tinignan kung sino yung tumawag dahil agad ko yon sinagot.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
JugendliteraturMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...