Chapter 04

281 15 0
                                    

Veda Lia's POV

Nasa upuan ako ngayon sa may likod habang nagbabasa ng libro. Pagkatapos kasi ng sagutan namin nung Marcus Red Vargas na yon na isip bata naman agad akong pumasok sa loob ng classroom dahil wala naman akong pake sa mga pinagsasabi niya kahit na sila ang may-ari nitong school at hospital nila. Nang pumasok din ako ngayon sa classroom ay may kung anu-ano na akong naririnig sa kanila na mga kung anong pinagsasabi tungkol sakin pero hindi ko na sila pinapansin.

Napansin ko naman wala si Bryce at yung apat niya lang na kasama ang nandito. Hindi ko na lang yon pinansin at pinagpatuloy ko na lang ulit yung pagbabasa ko ng biglang bumukas yung pinto pero hindi ko naman tinignan kung sino yung bumukas at pumasok.

"Veda"Narinig kong tawag sakin kaya dahan dahan kong ibinaba yung librong binabasa ko at tumingin kay Bryce na nakatayo ngayon sa harapan ko. Hindi ko naman siya sinagot at nakatingin lang ako sa kanya ng deretso.

"Pinapatawag ka ni Mr. Jaime Vargas sa office niya ngayon din"Seryosong sabi niya. Hindi ko pa rin siya sinagot at umiwas lang ako ng tingin saka ko sinara yung libro at inilagay sa bag ko saka tumayo.

"Sasamahan na kita"Sabi pa niya pero umiling lang ako.

"Hindi na. Kaya ko naman"Seryoso kong sabi at nagsimula ng humakbang at lumabas ng classroom.

May mga nakikita naman akong nagbubulungan at kung any-ano ang mga pinagsasabi sakin pero hindi ko na sila pinansin dahil hindi naman ako nag-aaksaya ng oras sa mga walang kwentang tao!

Deretso lang ako naglalakad papuntang office at saka alam ko kun nasaan yung office dahil dati nalibot ko na 'tong Stanford nung  nag-enroll ako noon dito.

Nasa tapat na ako ng office ni Mr. Jaime Vargas at akmang kakatok na sana ako ng may biglang dumating na babae at namumukhaan ko siya dahil siya yung nakausap ko nung nag-eenroll ako dito non.

"Oh Veda Lia ikaw pala"Nakangiting bati niya sakin kaya ngumiti lang din ako ng tipid.

"Pinapatawag daw po kasi ako ni Mr. Jaime Vargas"Sagot ko naman at napatango tango naman siya.

"Sige, sandali lang sasabihin ko"Sabi niya na nakangiti pa rin. Tumango lang ako at saka na siya kumatok sa pinto at binuksan naman niya yon saka siya pumasok.

Nag-antay naman ako ng ilang minuto, lumabas naman siya at nakangiting sumenyas sakin na pumasok na ako sa loob kaya napatango na lang ako atsaka na rin pumasok sa loob.

"Good morning, hija"Seryosong bati ni Mr. Jaime."Please, sit down here"Dagdag pa niya saka tinurocyung sofa kung saan ay kaharap ko si Marcus. Napatango lang ako saka na ako umupo ng nakayuko. Nakatingin naman sakin ngayon si Marcus pero hindi ko siya tinignan.

"Good morning rin ho, sir"Bati ko na nakayuko pa rin. Hindi naman siya sumagot at kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya saming dalawa ni Marcus habang nakaupo sa may swivel chair.

"Are you Veda Lia Ramos?"Mahinahong tanong ni Mr Vargas sakin kaya napatango lang ako ng tatlong beses habang nakayuko pa rin. Narinig ko naman na napabuntong siya bago muling nagsalita.

"Can you tell me what happened to you and my grandson?"Mahinahon pa rin tanong niya sakin kaya napaangat naman ako ng ulo saka tumingin saglit kay Marcus na seryoso ang tingin saka tumingin kay Mr Jaime at saka ulit ako tumingin kay Marcus na seryoso pa rin ang tingin ko sa kanya.

Nakita ko naman na napapairap siya at parang naiinis sakin. Pwes! Mas naiinis ako sayo!

Sinagot ko naman yung tanong ni Mr. Jaime ng hindi nakatingin sa kanya at na kay Marcus lang ako nakatingin."Your grandson is a bully, sir"Mahinahon sagot ko at narinig ko naman na napabuntong ulit siya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon