Lou's POV
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom namin at sa may high school building ako dumaan para short cut.
Habang naglalakad ako ay bigla kong nakita si Veda na naglalakad at tulala kaya naman tinawag ko siya dahilan para matauhan siya.
"Veda"
Pagkatawag ko sa kanya ay napatingin siya sakin at ngumiti ng tipid. Lumapit naman ako sa kanya."Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba papasok?"Tanong ko at tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
Dito na kasi yung classroom nila pero bakit parang hindi pa siya pumapasok?
"Ah eh susukatan daw ako ng uniform"Sabi niya. Bigla naman akong napangiti.
"Talaga? Alam mo naiimagine ko bagay talaga sayo ang uniform ng Stanford hihihi"Nakangiti kong sabi at bigla naman din siya napangiti.
Naiimagine ko na bagay talaga sa kanya ang uniform mg Stanford na black ang blazer at puting long sleeves ang nasa loob na may neck tie at maikling black skirt. Para siyang otaku at saka naiimagine ko din na para siyang anime hehe.
d^___^b
At sigurado akong maraming maiinlove kay Veda niyan lalo na si Goku.
"Talaga? Bagay sakin ang uniform ng Stanford?"Nakangiti niyang tanong kaya naman napatango tango ako.
"Oo kaya maiinlove sayo si Go-----"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tinawag nung babae si Veda. Parang kilala ko yung babae na yon na laging nandito sa school at laging kasama ni sir Jaime.
Ah oo nga pala! Secretary ni sir Jaime pala yon na si Denise.
"Loisa magpapasukat lang ako ng uniform ah? Mamaya na lang tayo mag-usap ng lunch time ha?"
"Sige"
Pagkatapos niyang sabihin yon ay sumama na siya kay Denise na secretary ni sir Jaime at hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
"Magpapasukat ka rin ba?"Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa tabi ko at kilala ko ang nakakabwesit na boses na yon.
Si Eros!
d>>___<<b
Inis ko naman siyang nilingon."Ikaw magpapasukat ka rin ba?"Mataray kong tanong at bigla naman siyang napangiti.
Whews!
d-.-b
"Oo, magpapasukat ako ng uniform para sa basketball at tayong lahat ay kasali sa darating na sportsfest next month"Nakangiting sabi ni Eros pero napangiwi lang ako at sabay na inirapan siya.
'Pakealam ko ba kung magpapasukat ka ng uniform sa basketball!? So kailangan sasabihin pa talaga sakin para updated ako!? Tsk!'
"Ganun ba... Edi mabuti at good luck na lang sayo"Pairap kong sabi at saka ko na siya tinalikuran at nagsimula na akong humakbang pero nakakailang hakbang palang ako ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Kasali ka sa volleyball kaya magpasukat ka na rin ngayon at saka wala munang klase ngayong araw dahil halos lahat nga ng students ay susukatan ng uniform para sa sportsfest"Sabi pa niya at inis ko naman siyang nilingon.
"Eh sino ba kasing nagsali sakin sa volleyball?"Kunot noo kong tanong na may halong inis. Bigla naman siyang ngumiti na kinainis ko.
"Ako"Nakangiti niyang sagot at mas lalo akong nainis.
Oo gusto ko maglaro ng volleyball pero kasali kasi ako sa choir ng church namin at halos araw araw din ako nagcho-choir. So paano ko isisngit ang volleyball kung may practice?
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Fiksi RemajaMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...