Shawn's POV
Hi, I'm Iris Shawn Ramos at ang gwapong bunsong kapatid ni ate Veda Lia Ramos. Nag-aaral ako sa may Gillford at lagi akong kasama sa mga top students ng school at lagi akong nanalo bilang president ng classroom namin.
Well, alam niyo na matalino mana sa ate hehe.
d^__^b
Nagpa-part time nga pala ako kahit saan kahit na may pera naman ako pero gusto kong sanayin ang sarili ko na marunong tumayo sa sariling mga paa katulad ni ate.
Napapanganga naman ako dahil nandito kami ngayon na parang ghost town at puro mga apartment pero wala naman mga tao maliban samin dalawa ni ate. Mayamaya pa ay huminto kami sa isang apartment at naka-padlock yung pinto kaya binuksan muna yon ni ate. 'Dito siya nakatira!?'
Napatingin naman ako kay ate habang tinatanggal niya yung padlock na nasa may pinto."Dito ka nakatira ate?"Tanong ko dahilan para mapalingon siya sakin.
"Oo, kaya secret lang natin 'to ah"Sagot na sabi niya at nung nabuksan na yung pinto ay pumasok na kami sa loob at nagulat naman ako dahil malinis naman yung loob kaso medyo maliit lang yung apartment na tinutuluyan niya. Pinaupo naman na niya ako sa may sofa habang naghahanda naman na siya ng pagkain ngayong dinner dahil gabi na ngayon.
Iginala ko na muna yung paningin ko saka ako napatingin kay ate na naghahanda ngayon."Sino nga pala yung gwapong lalaki kanina na humawak sa waist mo ate?"Tanong ko at napansin ko naman na napatigil siya sa paghahanda ng mga plato, kutsara't tinidor saka napatingin sakin.
Sa totoo lang kilala ko naman talaga kung sino yung humawak sa waist niya at yun yung black army na gangster na si Marcus Red Vargas pero gusto ko hulihin si ate kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang kilala ko naman talaga yon.
Alam ko rin na si kuya Marcus ang nangbubully sa kanya noon at hindi pa kasi alam ni kuya Marcus ang secret ni ate.
"Ah eh si ano yon Goku"Sagot niya kaya bigla naman napakunot yung noo ko.
Goku? Diba yun yung pangalan ng aso ng kapitbahay nila eh wala naman siyang kapitbahay eh.
Hindi kaya...
"Goku? Yung aso ng kapitbahay mo? Eh wala ka naman kapitbahay dito eh!? Don't tell me na siya yung Goku na tinutukoy mo at hindi yung aso. Grabe ka naman ate, hahaha! pinagmukha mong aso yung gwapong lalaki. Malay mo inlove pala sayo yun haha!"Natawa kong sabi at napansin ko naman na bigla siyang natulala.
Si Goku ay si kuya Marcus!? Bwahahahahaha!
"Huy, ate ayos ka lang ba?"Natatawa ko pa rin tanong kasi tulala pa rin siya haha.
Ano ba kasi yung sinabi ko at bigla na lang siya natulala? Bigla naman napasingkit yung mata ko ng maalala ko yung sinabi ko sa huli dahilan ng ikinatulala niya.
'Malay mo inlove pala sayo yun haha!'
"Bigla ka ata natulala diyan ah? Hahaha! Inlove ka rin siguro kay Goku mo 'no? Ayiiieeee"Nang-aasar kong sabi, nagulat naman ako ng inis niyang kinuha yung unan na nasa sofa saka binato sakin pero agad naman ako nakailag kaya hindi ako natamaan.
Pikon talo haha!
"Ano ba pangalan ni Goku?"Kunwari kong tanong pero alam ko naman na eh haha.Hindi naman siya nakasagot agad."Ano nga pangalan niya ate?"Kunwaring tanong ko pa. Kapag nahuli kitang inlove ka... Aasarin pa rin kita haha!
Nakita ko naman na napapikit siya pero agad din siyang napamulat at inis na tumingin ng deretso sakin."Marcus Red Vargas a.k.a Goku"Inis na sabi ni ate. Napangisi naman ako.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Teen FictionMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...