Chapter 06

230 15 0
                                    

Veda Lia's POV

Naglalakad ako pabalik sana ng locker para kumuha ng extrang tshirt dahil nabasa ng juice yung damit ko na tinapon sakin nung Addyson na yon kanina sa may canteen.

Isa pa yon bullies na yon eh! Mana lang kay Goku!?

Kunot noo kong tinatahak ang daan papuntang locker ng bigla kong nakasalubong si Loisa.

"Oh Lou anong ginagawa mo dito?"Gulat na tanong ko. Ngumiti naman siya sakin.

"Tara sa canteen"Biglang aya niya habang nakangiti. Napakunot naman noo ko.

"G-galing na ako dun sa may canteen eh saka tignan mo oh yung damit ko tinapunan nung Addyson kaya ako kukuha ng damit sa may locker ko."Sabi ko naman habang nakaturo sa may damit ko na natapunan ng juice.

Napapailing iling naman siya."Nako! Mukhang dumadami na ang mga bullies ngayon ah!"Reklamo na sabi ni Lou kaya naman napatango tango ako.

"Oo nga eh, at ang nagpasimuno lang naman niyang si Goku"Inis na sabi ko at napansin ko naman na bigla siyang napatingin sakin at natawa.

"Ah kilala ko na yung Goku na sinasabi mo na siyang may-ari ng school at hospital nila diba? At siya rin yung kaklase ko?"Natatawang tanong ni Lou.

"Mmm"Sagot ko naman saka rin natawa.

"Edi punta na lang tayo sa may canteen ng college saka sure ako na walang mga mangbubully sayo dun"Nakangiti pa rin niyang sabi. Napaisip naman ako bigla.

Sa canteen ng college? E'diba nandun si Goku? Saka siya naman talaga ang leader sa mga nangbubully. Tsk! Wala siyang pake kung doon na lang din ako kakain tutal ang canteen para sa lahat hindi yung sinosolo niya! 'Di porket sila lang may-ari ng school nila. Tsk!

Napatingin naman ako kay Lou saka ngumiti."Sige"Nakangiti ko naman sabi at saka na kami nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad kami ay nagkukwentuhan kami.

"Alam mo ba na sinasabihan ako ng Goku na yon na pangit!"Reklamo kong sabi dahilan para matawa siya kaya natatawa din ako.

Nakakahawa yung tawa niya eh haha!

"Tsk! Hindi naman totoong pangit ka eh. Ang ganda ganda mo kaya saka kung sino man ang pangit siya yon! Sama ng ugali eh bobo naman haha!"Tawa na sabi ni Lou.

Oo nga pala narinig niya yung pagtanong sakin ni Sir Chie-Lin kanina sa mga dapat itatanong niya kay Goku. Kaso sakin niya pinasagutan lahat ng katanungan niya kay Goku na hindi naman nasagot. Tsk! Palibhasa puro hangin laman ng utak eh!

"Sayang gwapo pa naman pero obobs naman bwahahahahaha!"Tawa pa ni Lou kaya natawa rin ako.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano lalo na tungkol kay Goku na nakaka-bwesit ng biglang may lalaking boses ang malakas na tumawag sa pangalan ko kaya seryoso akong napatingin sa lalaking tumawag sakin.

Si Eros kasama si Goku na nakakunot noo pa. Tsk!

"Veda?!"Malakas na tawag sakin ni Eros at halos mag-echo na yung boses niya sa lakas ng tawag niya sakin. Napatingin din si Lou sa kanya. Bigla naman siyang nagsalita."May itatanong lang sana ako, pwede ba?"Tanong niya pero seryoso pa rin mukha ko na nakatingin sa kanila ni Goku at saka ako lumapit sakanila.

"Ano?"Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kanya ng deretso. Napansin ko naman na ngumiti siya konti saka nagsalita.

"Ilang stars ang meron sa flag ng America?"Parang nanghahamon niyang tanong. Tsk! Pang elementary-high school lang yang tanong na yan hindi pa alam!

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon