Veda's POV
"Are you Veda Lia Ramos?"Tanong nung babaeng straight at mahaba ang buhok at sa may dulo ay kulot. Naka-cross arms siya habang nakataas yung isang kilay, matangkad at maputi. "Ikaw ba ang bago dito sa Stanford? Or transferee ka?"Mataray pa rin niyang tanong pero hindi ko siya sinagot.
"Are you dumb?"Narinig ko namang tanong nung isa na nasa kanan niya kaya tinignan ko siya.
"H-hindi"Walang gana kong sagot at akmang tatalikod na ako at papasok na lang ulit sa classroom ng bigla akong hawakan sa braso ng mahigpit nung nasa gitna kanina na tinatanong ako.
"Kapag tinatanong ka, sumagot ka kasi kaagad!"Inis na sigaw niya sakin. Napansin ko naman na parang gigil na gigil siya.
Walang emosyon ko namang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko at tinignan lang siya na parang normal na tingin lang.
"Bakit ba kasi pinapapasok pa dito ang isang katulad mong basura lang? Ang dapat sayo sa public school!"Inis na naman sabi niya pero hindi naman ako nagpatinag at tinitigan ko pa rin siya na parang normal lang.
"Well, kahit siguro sa public school hindi ka pa rin nila papasukin dahil isa kang basura na mabaho!"Inis na sigaw niya sakin.
Napahinga na lang ako ng malalim."Basura nga ako, langaw ka naman"Walang emosyon ko pa ring sabi at nakita ko naman sa mukha niya ang sobrang inis kaya napapikit na lang siya at ng imulat niya ang kanyang mata ay akmang sasampalin na niya ako ng biglang may dumating na limang lalaki na mga mukhang mayaman dahil napansin ko yung bag nung nasa gitna ay Gucci at saka yung sapatos niya Gucci din. Napansin ko naman yung sunglasses niya na nasa ulo niya ay Maui-Jim at yung wrist watch naman niya ay Rolex.
Big time!
Nagulat naman ako ng bigla silang lumapit samin pero tumingin muna siya sa tatlong babae na naka cheerdance uniform at saka tumingin sakin na nakangisi.
"You look so familiar?"Nakangisi niyang tanong pero nakatingin lang ako sa kanya ng deretso habang nakangisi pa rin siya sakin.
"Diba ikaw yung scholar sa Gillford University?"Tanong niya na nakangisi pa rin.
Hindi naman ako nagsalita at deretso pa rin akong nakatingin sa kanya.
"Hindi mo ba ako natatandaan?"Nakangisi pa rin niyang tanong.
'Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?'
"Malamang hindi, dahil madalas ka lang namang nakayuko"Ngisi pa niyang sabi.
Tsk! Wala naman akong pakialam kung sino siya at mas lalong wala akong pakialam kung siya man yung nangbubully sakin noon na tinapunan ng juice sa canteen at tinisod sa harap ng maraming tao.
"Hindi ako interesado sa mga pinagsasabi mo"Seryoso kong sabi at bigla naman napataas yung isa niyang kilay.
"So, wala ka palang pakealam kahit na pinapahiya ka na? At kahit na binubully ka na? At talagang wala ka pa rin talaga pake kahit kanino? Sabagay tama nga naman sila eh, bakit ka pa dito pumasok eh mukha ka nga namang basura?"sunodsunod niyang tanong na sabi saka sabay na natawa pa, pero tinignan ko lang siya. Sige, laitin mo lang ako baka magulat ka na lang!
Kapag may tao kasing nangbubully sakin nagpapaka-weirdo lang ako dahil una sa lahat wala naman akong pakealam sa taong nangbubully sakin pero mukhang sa lalaking 'to ata ako magiging totoong Veda Lia Ramos na hindi nila alam na kung sino talaga ako.
"Okay lang kesa naman sa isip bata na katulad mo"Seryoso at walang emosyon kong sabi, napansin ko naman na napatigil siya sa pagtawa at kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Teen FictionMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...