Veda Lia's POV
Kanina pa ako nagpupumiglas sa mga sirang ulong mga 'to dahil ang higpit ng pagkakahawak nila sa mga kamay ko.
"Hoy! Bitiwan niyo nga ako! Si Goku naman ang kailangan niyo diba? Eh bakit ako yung kinuha niyo!?"Inis na reklamo ko sa kanila pero hindi naman nila ako pinansin.
d>>__<<b
"Hoy sabi ko bitiwan niyo na ako ano ba!?"Pagpupumiglas ko pa na sabi pero hindi pa rin nila ako pinansin.
d-.-b
Akmang magrereklamo pa ako ng biglang nagsalita yung lalaking mukhang unggoy.
"Hindi ka na maliligtas ng boyfriend mo kaya tumahimik ka diyan!"Inis na sabi nung mukhang unggoy na 'to. Napapikit na lang ako sa inis.
Sino naman nagsabi na boyfriend ko yon!? Never kong magiging boyfriend yon!
Hindi na ako nagsalita at napasandal na lang ako sa upuan kaso biglang nag-preno kaya napasubsob ako sa may upuan sa harap.
Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung sa back seat at tumambad si Goku na galit na galit yung mukha tapos bigla niyang sinapak sa mukha yung dalawang unggoy kaya ayun natulog.
Nakita ko naman na sasapakin siya nung isang lalaki na driver ng bigla siyang humarap at binalian ng buto at saka sinapak din sa mukha.
Bigla naman akong natulala sa kanya at nung napatingin siya sakin ay tulala pa rin ako.
"Bumaba ka na bilis!"Nagmamadali niyang sabi pero natulala pa rin ako sa kanya.
Hindi ako makapaniwala na ililigtas niya ako.
"Wag ka ng tumulala diyan! Bilisan mo na hanggat wala pang malay yang mga yan!"Inis na sabi niya kaya agad naman akong natauhan at saka bumaba ng kotse.
"Sumakay ka na sa kotse"Seryoso niyang sabi napatango na lang ako saka na sumakay sa passenger seats. Sumakay na rin siya sa driver's seat at saka mabilis na pinaharurot.
Napatingin naman ako sa kanya na seryoso lang nagda-drive.
'May mabuting puso ka rin pala kahit papaano'
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya saka tumingin sa may bintana. Walang umiimik saming dalawa at ang awkward namin.
d>>__<<b
Napahinga na lang ako ng malalim saka napatingin ulit sa kanya. Seryoso pa rin yung mukha niya at napansin kong nakakunot na ngayon yung noo niya.
Napahinga na lang ulit ako ng malalim."T-thank you nga pala ah"Pagbasag ko sa katahimikan. Napansin ko naman na biglang nagbago ekspresyon ng mukha niya at naging natural yung ekspresyon ng mukha niya at saka napatingin sakin.
"Thank you sa pagligtas mo sakin"Dagdag ko pang sabi saka ko iniwas tingin ko at tumingin na lang ng deretso sa harap. Hindi naman siya nagsalita at nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin lang siya sakin.
Napahinga na lang ulit ako ng malalim saka tumingin ulit sa kanya.
"Wala bang welcome?"Nakataas kilay kong tanong. Hindi naman siya sumagot at saka umiwas na lang ng tingin sakin.
Tsk! Suplado!
Iniwas ko na lang din tingin ko sa kanya at tumingin na lang ako sa may bintana.
d-.-b
Mayamaya pa ay nakarating na kami sa apartment at agad akong bumaba at saka binuksan yung pintuan at akmang papasok na ako sa loob ng mapalingon ako sa likod at hindi siya bumaba sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Novela JuvenilMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...