Bryce's POV
Kakagising ko lang at kasalukuyan akong kumakain ng breakfast ngayon. Ako lang nag-iisang anak at ako lang din naiwan dito sa bahay dahil nasa Japan ang parents ko. Kasama ko ang yaya namin na siyang nag-alaga sakin simula bata pa lang ako at hanggang ngayon.
6am pa lang ng umaga at kanina pa ako gising ng 3am.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi kaya para akong zombie ngayon.
Nagbe-breakfast nga ako pero wala naman akong ganang kumain. Hanubayan! Ang sarap pa naman ng breakfast ko tapos wala pa akong ganang kumain!
Tinatamad naman akong tumayo at umakyat sa hagdan saka pumasok sa kwarto ko at napa-dive na lang sa kama saka napasubsob sa unan.
Bakit ba kasi tinamad pa ako ngayong araw eh!
Bigla ko naman naalala nung nakita ko si Veda sa may hagdan na humihikbi at sa totoo lang sobrang naawa talaga ako dun kay Veda dahil sa ginawa ni Marcus.
Abnoy talaga yon kahit kailan!
Napabangon na lang ako saka tumayo at agad nagtungo sa c.r para maligo.
'Papasok na lang ako ng school dahil baka mamaya hindi pa ako maka-graduate'
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at bumaba sa hagdan at lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa motor ko na Ducati Macchia Nera.
Pagkadating ko sa Stanford University ay agad ko na muna ipinark yung motor ko sa may parking lot.
Naglalakad na ako ngayon sa may hallway papuntang classroom namin. Wala pa sila Ayden, Scott, Quinn at Dylan dahil mamaya pa sila papasok.
Sadyang maaga lang talaga ako ngayon at hindi ko alam kung bakit. Wala pang mga students dahil masyado pang maaga.
Nagtungo muna ako sa locker para kunin yung mga books sa first subject namin at saka na ako tuluyan pumunta ng classroom namin.
Pagkadating ko dun sa may classroom ay nakita ko naman si Veda na nakasandal sa may upuan at nakapikit ang mga mata niya.
Lumapit naman ako sa kanya ng dahan dahan at saka naupo sa may tabi niya. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya.
Maamo ang mukha niya at mahahaba ang mga pilikmata niya at saka napansin ko naman ngayon na parang nawala na yung mga peklat niya sa mukha at biglang naging matangos rin yung ilong niya na ipinagtaka ko dahil kahapon lang nung pinagmasdan ko siya ay hindi naman gaano matangos ang ilong niya. Hindi ko na lang yon pinansin at pinagmasdan ko na lang yung labi niya. Rosy lips yung labi niya.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at tumayo na ako at maglalakad lakad na lang muna ako kaso narinig kong biglang nagsalita si Veda.
"Bryce?"Sambit niya kaya dahan dahan akong napalingon sa kanya.
"S-sorry... Naistorbo ata kita""Napapayuko kong sabi.
"Nako hindi ah"Rinig kong sabi niya kaya napaangat kaagad ako ng ulo at nakita kong nakangiti siya sakin.
Bigla naman akong natulala dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan.
Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sakin konti.
"Ang aga mo naman ata?"Nagtataka niyang tanong kaya naman napatango tango ako.
"Oo nga eh. Boring kasi sa bahay kaya maaga na akong pumasok."Sagot ko naman at ngumiti lang ako ng tipid."Teka? Magaling na yung sapak sayo ni Marcus kahapon?"Gulat naman na tanong ko. Kasi napansin kong wala na yung pasa niya sa may gilid ng labi niya.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Novela JuvenilMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...