Ikalabinlimang Kabanata

34 3 0
                                    

ALEX

Nang makarating kami sa lobby kung saan idaraos yung pangalawang laro ay lumingon-lingon ako para makahanap ng mauupuan naming dalawa ni Tim. Nakita ko naman si Jepoy na itinataas yung kamay niya at sumenyas sa aming dalawa na may bakanteng upuan para sa amin sa tabi niya. Inabot ko naman yung kamay ni Tim at hinila ko siya papunta sa puwesto ni Jepoy.

“Nag-umpisa na ba?” Lingon ko kay Jepoy nang makaupo kaming dalawa ni Tim.

“’Di pa, hinihintay pa kasi na dumating yung iba. Pero mas maganda na naandito na rin kayo bago magsimula.” Ngiti nito sa akin.

Habang iginagala ko ang aking tingin sa mga tao na nasa lobby na siyang abala at patuloy sa pag-uusap habang hinihintay ang pagdating ng iba, ay nahagip ko naman si Kiefer at si Nicole na masayang nag-uusap.

Isa rin talaga sa dahilan kung bakit ‘di ako naniniwala sa sinabi ni Kief sa akin tungkol sa nararamdaman niya ay yung kasama niya pa rin si Nicole knowing na siya yung dahilan kung bakit kami nagkalabuan - kung bakit ko siya sinukuan.

Mahirap kasi makalaban yung nakaraan…

At mahirap din magmahal ng isang taong nakatengga pa rin sa nakaraan.

‘Di ko rin naman masisisi yung sarili ko na umabot ako sa punto na binitawan ko na siya. Masyado na siguro akong napagod, nasaktan, at naubos.

Sinagad ko kasi yung sarili ko.

Napabalik naman ako sa reyalidad nang maramdaman ko na may pumisil sa kanang kamay ko na naging sanhi ng aking paglingon sa nagmamay-ari nito.

“’Wag mo kasi masyadong titigan. Mas lalo mo lang sinasaktan yung sarili mo e.” Mapait niyang ngiti sa akin. “Alam ko naman na mahirap iwasan yung presence niya lalo na ngayon, but I’m always here at your side to help you. I’m your Hin, remember?” Dugtong niya.

Napangiti naman ako nang bahagya dahil sa tinuran niya. “Salamat.” Bulong ko sa kaniya at ngumiti naman siya bilang tugon sa sinabi ko.

Itinuon naman namin ang aming atensyon sa aming harapan nang marinig naming tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon naming lahat. “Guys nga pala, yung laro natin ngayon ay paper dance.” Ngiti nitong panimula. Narinig ko naman yung impit na hagikgik at pagkadismaya ng iba dahil sa sinabi niya.

“Paper dance? Putcha, niloloko mo ba kami, Jake? Akala ko naman may thrill yung second game pero ang dali naman niyan masyado. Larong pambata.” Tawa ni Jepoy.

Napangisi naman si Jake kay Jepoy. “’Di ko kayo niloloko, paper dance nga yung first part ng second game.”

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jake. “First part ng second game?” Nagtatakang kong saad.

“Tama ka, first part. Sa game na ‘to, may dalawang bahagi ang laro. Una rito ay yung paper dance. Bali sa larong ito, magkakaroon ng elimination hanggang sa dalawang pairs na lang ang matitira na sila ring magpo-proceed para maglaro sa susunod na bahagi ng game.” Ngiti niya. “Lahat naman siguro kayo, alam na ang mechanics ng paper dance, ‘di ba? So kumuha na yung mga representatives per pair ng dyaryo dito sa box na nasa tabi ko at humanap na rin kayo ng puwesto niyo.”

“Ako na yung kukuha ng sa atin ha. Humanap ka na lang ng puwesto natin.” Tapik niya sa akin na agad ko namang tinanguan saka kami tumayong dalawa.

Pumwesto naman kami sa gitna. Naisip ko kasi na mas magandang pumwesto rito para marinig namin nang klaro yung pagtigil ng tugtog tsaka pati na rin makita namin kung sino na lang yung mga natitira na naglalaro. May sapat na space naman para makagalaw nang maayos kaya okay na rin dito.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon