Ikawalong Kabanata

36 9 0
                                    

TIM

“So anong plano mo?” Bulong ko sa kaniya habang tinusok ko gamit ang tinidor yung pinritong manok sa plato ko. Naandito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa tinutuluyan namin. May hinanda namang catering service yung organizer ng team building para i-accommodate yung pagkain namin pero inaya niya ako rito para mapag-usapan namin yung plano naming magpanggap na magkasintahan.

Para rin maiwasan niya si Kiefer.

Nang ‘di ako nakakuha ng kahit anong sagot mula sa kaniya ay napatingin ako sa kaniya na nakapangalong baba habang nilalaro ng tinidor yung buttered shrimps na nasa plato niya.

Napahinga naman ako nang malalim. “Iiwasan mo siya sa loob ng dalawang linggo?” Tanong kong muli.

Napahinga siya nang malalim saka ibinaling sa akin ang kaniyang tingin. “Oo? Baka? ‘Di ko rin alam e.” Malungkot na saad niya saka ibinalik muli ang kaniyang atensyon sa plato niya.

“’Di mo naman kasi kailangang isipin ‘yon. Sabi ko nga ‘di ba, I got your back.” Ngiti ko saka ibinaling yung tingin ko sa kutsara at tinidor na hawak-hawak ko at nilaro yung kanin ko sa plato. “Tsaka let’s enjoy na rin for the sake of the prize. Para makita natin yung Ben&Ben.” Saad ko na naging dahilan ng kaniyang pag-angat ng tingin sa akin.

Napahinga ako nang malalim saka inangat muli ang aking tingin sa kaniya. “You’ll not do this alone, I’ll be here with you. I promise.” Ngiti ko sa kaniya.

Napangiti naman siya nang mapait at tinitigan ako sa aking mga mata.

“Sorry.” Malungkot niyang saad na naging sanhi ng pag-iwas ko ng aking tingin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa naging desisyon niya.

Pero naisip ko rin na ito rin naman yung gusto ko.

Ito na rin yung tyansa kong maiparamdam sa kaniya yung pagmamahal ko.

Kahit para sa kaniya ay wala lang… hanggang pagpapanggap lang.

Napahinga muli ako nang malalim saka sumubo ng pagkain.

“Ayos lang.” Tipid kong sagot saka ngumiti sa kaniya para mapagaan kahit papaano yung emosyon niya dahil nakita ko na nangingilid na naman yung luha sa mga mata niya.

Oo, damang-dama ko yung lungkot.

At mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko mismo ‘yon sa mga mata niya.

“Ako rin naman ang nag-suggest kaya wala kang dapat ihingi ng tawad.” Dugtong ko at nagpatuloy nang kumain. Ngumiti rin naman siya sa akin saka nagpatuloy ding kumain.

Napatigil naman ako nang bahagya sa pagkain nang marinig kong tumunog yung phone ko mula sa bulsa ko kaya agad ko ring kinuha ito para malaman kung kanino nanggaling yung text.

“Nasaan ka?” Text ni Jepoy.

“Naandito sa may restaurant malapit sa tinutuluyan natin. Kasama ko si Alex, bakit?” Sagot ko sa kaniya.

“Naks, gumagalaw ang loko o. Pero alam mo na ba?”

Napahinga naman akong muli at tumingin kay Alex na abalang kumakain saka ibinaling muli ang atensyon ko sa phone para mag-reply sa text ni Jepoy.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon