Ikalabing-apat na Kabanata

25 5 0
                                    

ALEX

Tim, nasaan ka na? Naandito lang ako sa souvenir shop na pinuntahan natin noong nakaraang araw.”

Nang mai-send ko yung text ko kay Tim ay pinatay at ibinulsa ko naman yung phone ko at nagpatuloy sa pagtitingin ng mga souvenirs sa loob ng shop.

Maraming binebenta sa loob ng shop, mga damit, crackers, stuffed toys, key chains, mga ornaments, bracelets, at mga sumbrero. Pero ito yung pinakakakaiba sa lahat ng tindahan ng souvenirs na napuntahan ko. Napansin ko kasi na halos ng mga benta rito ay mga animals ang design at marami rito ang may design na polar bear at orca. Mga antarctic animals kumbaga.

Pumunta ako sa stall kung saan nakalagay yung mga stuffed toys. Pero imbis yung polar bear na stuffed toy yung titigan ko ay yung orca na stuffed toy ang nakaagaw ng pansin ko. Kinuha ko naman yung stuffed toy at bahagyang ngumiti. Naaalala ko yung oras na kinuha ‘to ni Tim pero ‘di niya binili dahil ‘di ko binili yung polar bear kaya ‘wag na lang daw dahil wala itong ka-partner.

Isip bata talaga, nakakainis.

Nagulat na lang ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Agad naman akong napalingon at nakita ko yung babaeng tagabantay ng shop.

“Sorry po, tinitignan ko lang po.” Paghingi ko ng paumanhin.

Ibabalik ko na sana yung stuffed toy na kinuha ko ngunit pinigilan niya ako saka ngumiti dahil sa inaksyon ko. “Ano ka ba, natutuwa lang ako sa’yo kasi interesadong-interesado ka sa mga binebenta kong stuffed toys. Pero kung ‘di ako nagkakamali, ikaw yung kasama ni pogi ‘di ba?”

Napakunot naman ako ng noo. “Pogi?” Nahihiya’t nagtataka kong tanong. ‘Di ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Pero kung ‘di ako nagkakamali… Baka si Tim ang tinutukoy niya.

‘Di naman kasi maipagkakaila na gwapo si Tim… Lalo na kapag ngumingiti.

Idagdag mo pa yung napaka-real niyang personality.

“’Yung kasama mo nung nakaraang araw dito na nagtitingin din ng stuffed toy. Tapos siya rin yung nagpunta kagabi para bumili ng t-shirt.” Ngiti nito sa akin.

“Ah, si Tim po.” Kamot batok kong saad.

“Tim pala yung pangalan ni pogi.” Namamangha niyang saad. “Pero alam mo? Bagay talaga kayong dalawa.” Dugtong nito na naging sanhi ng aking pagkagulat.

“Paano niyo naman po nasabi?” Naiilang kong tanong.

“Nararamdaman ko kasing mahal na mahal ka niya. At yun yung nararamdaman kong malalim niyang dahilan base sa nakita kong dedikasyon niya na mabili yung t-shirt para lang may ka-partner yung t-shirt na suot-suot mo.” Pagpapaliwanag niya pero halata ko na huminga siya nang malalim bago niya sambitin ang susunod na mga salita. “Alam mo sa totoo lang, maraming nagsasabi rito na kami lang ang bukod tanging nagbebenta ng orca at polar bear designed souvenirs. May malalim kasing dahilan kung bakit ganiyan yung desenyo ng mga binebenta ko rito.” Mapait niyang saad.

“Napansin ko nga rin po e. Pero kung ‘di niyo po mamasamain, bakit po ba polar bear at orca yung madalas na designs ng mga souvenir sa shop niyo?” Nagtataka kong tanong.

Mapait naman siyang ngumiti. “’Yan kasi yung favorite animal ko at ng asawa ko. Kami pa nga ang nagdisenyo ng print na ‘yan noong napagdesisyunan naming magbenta ng t-shirt na may ganiyang design. Pero simula nang mawala siya dahil sa sakit niya, ‘yung polar bear na lang na design yung ibinebenta ko, kaya ‘di ko rin magawang ibenta yung t-shirt na orca at sinasabi kong may nag-reserve na no’n para ‘di mabili. ‘Yon na lang kasi yung natitirang alaala niya sa akin, pero kagabi, nang makita ko sa binatang ‘yon na gustong-gusto niyang mabili yung t-shirt dahil sa pagmamahal, naramdaman ko na siya yung tamang tao na makatanggap no’n. Parehas kasi sila ng asawa ko, gagawin ang lahat-lahat para lang mapasaya yung taong minamahal nila.” Pagpapaliwanag niya. Ramdam ko yung lungkot na nararamdaman niya habang nagkukuwento.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon