Ikaanim na Kabanata

37 10 0
                                    

ALEX

Dalawang linggo.

Dalawang linggo para makausad. Para makalimot.

Nakatulala ako sa may apoy sa harapan namin na nagbibigay liwanag ngayon sa may dalampasigan. Nakapalibot kaming lahat na dumalo para sa team building ng music club namin pati nung sa isang pamantasan.

Sa totoo lang, noong una ay wala talaga akong balak dumalo sa team building na ‘to. ‘Di kasi makakasama si Kiefer dahil tanging mga miyembro lang ng music club yung maaaring pumunta, kaya ano pang silbi ng pagsama ko, kung ‘di ko rin makakasama yung taong gusto kong makasama?

Pero buhat ng mga nangyari, naandito ako ngayon. Malungkot na nakatitig sa apoy habang yung iba ay masayang nag-uusap-usap tungkol sa sarili nilang mga buhay. Naisip ko rin kasi na mas maganda na ‘to kaysa magkulong at magmukmok ako sa loob ng condo ko.

Alam ko rin kasi na pupuntahan niya ako…

Para magmakaawa na patawarin ko siya buhat ng kasalanan niya…

Para sabihin yung kasinungalingan na alam niyang magpapanatag at magpapalambot ng puso ko…

Sasabihin na naman niyang mahal niya ako, kahit alam ko namang hindi totoo ‘yon.

“Alex?” Tapik sa akin ng taong umupo sa tabi ko na nagpabalik naman sa akin sa katinuan at naging sanhi ng paglingon ko sa gawi niya. Si Tim. Yung taong kausap ko kanina sa may dalampasigan.

“O Tim, ikaw pala.” Walang emosyon na saad ko at matipid na ngumiti sa kaniya. “Ikaw daw yung buddy ko sabi nung organizer kanina.” Nahihiya niyang saad habang naiilang na kumakamot sa kaniyang batok.

Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi. “Ha? Anong buddy? Anong mayroon?” Nagtataka kong tanong sa kaniya. Napatawa naman siya nang bahagya dahil sa naging reaksyon ko mula sa sinabi niya.

“Hindi ka talaga nakikinig kanina.” Mahina niyang sambit. “Ako raw yung naka-assign na maging buddy mo para sa team building na ‘to. Sabi kasi nila, mas maganda raw na magkaroon ng connection between members ng ibang university at yung mga members galing sa university namin. Plus, lilipat din ako sa kuwarto mo mamaya dahil pagsasamahin daw yung mga magka-partner for this team building.” Nahihiya niyang saad.

Napangiti naman ako sa sinabi niya saka napahinga nang malalim. “Okay.” Tipid kong sagot saka humarap muli at tumingin sa may apoy sa harapan namin. “Sabihan mo na lang din ako kapag kailangan mo ng tulong sa paglilipat ng gamit mo.” Ngiti kong saad habang niyakap ko ang mga tuhod ko at pinatong dito ang aking baba.

Tangina kahit naandito na ako lahat-lahat naaalala ko pa rin siya…

‘Di ko maiwasan na malungkot at siya pa rin ang isipin ko. Kahit ang sakit-sakit na…

Kahit alam ko na sobrang unfair no’n para sa sarili ko…

Pansin kong unti-unti nang nagsisitayuan ang iba para magsimula nang lumipat ng kuwarto at mag-ayos ng mga gamit nila. Pero imbis na bumalik sa kuwarto ko ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa apoy sa harap ko. Nakakagaan kasi kahit papaano sa pakiramdam yung init na nakukuha ko rito pati yung tunog ng dagat at yung malamig at sariwang hangin na nanggagaling dito.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon