Ikalabingwalong Kabanata

24 3 1
                                    

TIM

Walong araw na lang ang natitira

Walong araw para makasama siya.

Pilit akong napangiti habang nakatitig sa litrato naming dalawa ni Alex noong nasa dalampasigan kami kahapon.

Picture of us while chasing the sunset together.

Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko yung eksena kaninang umaga pagkagising ko. Buti na lang kahit papaano ay nailabas ko yung nararamdaman ko. At buti na lang ‘di siya nagising kanina nang ‘di ko mapigilan ko yung sarili ko na tuluyang umiyak.

Mahal na mahal ko kasi talaga.

“Tim, okay ka lang?” Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko na may tumapik sa kaliwang balikat ko kaya napalingon ako rito.

Si Alex.

“Ha? Oo, okay lang ako.” Pilit na ngiti at nauutal kong sagot sa kaniya.

Napakunot naman ang noo niya na tila ‘di siya nasiyahan sa sinagot ko. “Yung totoo, Tim? Napapansin ko kasi na kanina ka pa tahimik at parang may malalim na iniisip magmula nang umalis tayo sa kuwarto, e.” May bahid ng pag-aalala ang kaniyang boses. “Kung tungkol ‘yon sa nangyari kagabi, so—”

“Hindi. Ayos lang talaga ako.” Pagputol ko sa sasabihin niya. “Tinitignan ko lang yung litrato natin kahapon sa dalampasigan.” Dugtong ko at ipinakita ko naman sa kaniya yung hawak-hawak kong film na kanina ko pa tinititigan.

Bahagya niyang tinignan yung film saka kinuha ito mula sa kamay ko at tinitigang mabuti. Napangiti naman siya nang malawak saka muling inangat ang kaniyang tingin sa akin.

Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang aking pisngi at medyo inunat yung makabilang gilid ng labi ko gamit ang kaniyang dalawang hinlalaki saka itinaas niya yung litrato naming dalawa at itinabi ito sa mukha ko na tila kinukumpara ang ngiti ko ngayon sa ngiti ko sa litrato.

“Ganiyan, dapat lagi kang nakangiti. Mas lalo kang gumagwapo kapag masaya ka.” Masaya niyang saad na naging sanhi nang bahagya kong pagtawa dahil sa inaksyon niya.

Napangisi naman ako sa kaniya saka nagbato ng isang mapang-asar na titig. Naramdaman ko naman na napaiwas siya ng tingin sa akin kaya marahan kong inilapit yung bibig ko sa tenga niya saka bumulong.

“Ano? Sinabi mong gwapo ako?” Biro kong saad na naging sanhi nang agaran niyang paglingon saka pabirong hinampas ang aking braso.

“Alam mo ikaw –”

“So, gwapo ako para sa’yo, Hin?” Nakangisi kong pagputol muli sa kaniya.

“Oo na.” Ngiti nitong saad sabay irap sa akin. Narinig ko naman ang paghinga niya nang malalim saka muling tumitig nang seryoso sa mga mata ko.

“Pero Tim, naandito lang ako kung kailangan mo ng kausap ha? As your Hin… and as your boyfriend.” Ngiti nitong saad.

Natigilan naman ako nang pansamantala sa sinabi niya.

Boyfriend.

Isa pa ‘yan sa bumabagabag sa akin.

‘Di ko kasi alam kung matutuwa ako dahil ito naman talaga yung pinapangarap ko simula una, ang maging dahilan ng bawat pagngiti niya sa araw-araw, o malulungkot dahil kung ipagpapatuloy namin ‘to, sa sitwasyon ko, ay masasaktan lang siya sa huli.

Honestly, I’m torn in choosing between being selfless or being selfish.

Kasi kahit ano naman ang piliin ko, alam ko naman masasaktan at masasaktan din naman ako sa huli. But I couldn’t take the consequences that the later one might bring to Alex. Kaya buo na yung desisyon ko na tulungan si Kiefer, na ituloy kung ano yung plano at napag-usapan namin sa beach bar. Ayos lang sa akin na ako yung masaktan kaysa si Alex.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon