Ikalimang Kabanata

51 11 0
                                    

TIM

“Pre, nasaan na kayo? Dalawang oras na lang at magsisimula na yung contest. Bilisan niyong pumunta rito para makapag-practice pa tayo.”

Basa ko sa text ko bago ko tuluyang i-send kay Jepoy, yung vocalist ng banda namin.

Napahinga ako nang malalim dahil sa kaba. Pinatay at nilapag ko naman sa tabi ko yung phone ko. Kanina pa kasi ako hindi mapakali habang nakaupo rito sa loob ng music room. Ito kasi yung unang pagkakataon kong sumali sa isang kompetisyon. At hindi lang ‘to isang simpleng kompetisyon dahil kami yung ginawang representative ng school namin para sa music club at kami pa yung host university kaya doble yung pressure na nararamdaman ko.

Noong una ay todo tanggi pa ako dahil ‘di ko nakasanayan na sumali sa mga contest sa buong buhay ko at may pagkamahiyain din kaya umayaw ako sa alok. Pero noong ma-injured yung gitarista ng banda, napilitan na rin akong akuin yung posisyon niya. Naisip ko rin kasi na maganda ‘tong hakbang para ma-overcome ko yung mga bagay na kinakatakutan ko.

Para maipakita ko rin yung talento kong tumutog sa maraming tao…

Napagdesisyunan kong kuhanin yung gitara ko para kahit papaano ay mawala yung nararamdaman kong kaba at maiwasan ang pagkainip buhat ng paghihintay ko sa pagdating ni Jepoy at nung iba pang miyembro ng banda. Kinuha ko naman yung nakatuping papel ng bagting para sa kakantahin namin.

Pabalik-balik ang tingin ko sa papel at sa mga daliri kong kumakapa sa mga lete ng aking gitara. Napahinga muna ako nang malalim bago ko ipinikit ang aking mga mata’t sinimulan ang pagtugtog.

“Dami pang gustong sabihin
Ngunit ‘wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita…”

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at inisip na kunwari may mga taong nakikinig sa akin. Napangiti naman ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng aking kaba.

“’Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin,
Kahit walang mapala…”

Muli ko namang ipinikit ang mga mata ko upang mas lalo kong madama ang emosyon ng kanta.

“’Pag nilahad ang damdamin
Sana ‘di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana ‘di magbago ang pagtingin...

Bakit laging ganito?
Kailangang magka-ilangan
Ako ay nalilito, ohh-ohh-ohh
Ohh-ohh-ohh, ohh.”

Nang bigkasin ko ang huling linya ng kanta ay nagulat naman ako nang may marinig akong palakpak. Kaya napalingon ako sa taong nasa may pintuan ng silid at base sa lanyard ng ID niya, ‘di siya nag-aaral dito sa pamantasan namin.

“Ang galing mo namang tumugtog.” Nakangiti niyang puri habang pumapalakpak. Napangiti naman ako nang bahagya habang pasimpleng kumakamot sa batok ko. “Salamat.” Nahihiya kong saad pero sa loob-loob ko, sobra niya akong napasaya dahil sa sinabi niya.

Sa unang pagkakataon, may isang taong naka-appreciate ng talento ko…

Lumapit naman siya sa kinalulugaran ko at umupo sa tabi ko. Sa totoo lang, bahagya akong nailang sa aksyon niya. Siguro dahil ‘di kami magkakilala kaya ganito yung nararamdaman ko. ‘Di kasi ako komportableng kumausap ng isang tao na ‘di ko kakilala.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon