Ikalabinsiyam na Kabanata

18 3 4
                                    

ALEX


"Alex, say cheese"

*flash*

Napangiti ako nang makita ko ang reaksyon ni Tim nang sabik niyang kunin ang kalalabas na film sa polaroid camera niya. Bahagyang humina ang pagtakbo ng sinasakyan naming bangka. Malapit na rin kasi kami sa pangalawa sa huling isla na pupuntahan namin ngayon dahil tanaw na ito mula sa kinalulugaran namin.

Yung isang bangkang nag-angkat ng mga gamit namin para sa camping kanina ay nauna na sa isla na siya ring pupuntahan namin after namin malibot ang islang 'to.

Maganda ang lahat ng islang pinuntahan namin. Makikita mo ang kasaganahan nito sa natural na yaman ng kalikasan mula sa pinong-pinong puting buhangin, malinaw at asul na tubig-dagat, at mga iba't ibang uri ng puno.

Pero sa lahat ng islang pupuntahan namin, nabanggit ni Jake na ito raw ang pinakakakaiba sa lahat dahil may kuweba raw dito kung saan puwedeng humingi ng isang hiling. 'Di ko alam kung paniniwalaan ko o hindi yung sinabi niya dahil 'di naman ako masyadong paniwalain sa mga ganiyan pero ang sabi ni Tim, subukan raw naming dalawa. Wala rin namang mawawala sa amin kung susubukan namin kaya pumayag ako.

Napabalik ako sa reyalidad nang tumigil ang bangka na sinasakyan namin. Tanda na nakarating na ito sa pampang ng isla. Nang makababa na kaming lahat ay nagtipon-tipon kami sa iisang lugar at muling nagsalita si Jake para sa gagawin namin activities sa islang ito.

"Guys, ito na yung pangalawa sa huling isla na pupuntahan natin. Pero pupuntahan natin yung isang tourist spot dito na kuweba kung saan puwede kayong magbigay ng mga wishes niyo. Pero kayo naman ang bahala kung gusto niyong mag-wish. Aside pa do'n, puwede naman kayong kumuha ng mga larawan, basta iwasan lang natin mag-iwan ng kalat. Then, isang oras lang ang nakalaan para sa atin dito dahil alas tres na rin ng hapon at baka gabihin pa tayo mamaya sa pag-aayos sa camp site." Ngiting saad ni Jake.

"Pero bago ang lahat, group yourselves into three para naman paniguradong 'di tayo kumpol-kumpol sa iisang pupuntahan natin." Dugtong niya at agad din naman naging aligaga sa paghahanap ang iba sa amin at igrinupo ang sarili nila sa tatlo.

Nanatili lang kaming nakatayo ni Tim sa puwesto namin. Inangat ko naman yung tingin ko sa kaniya na palingon-lingon na parang may hinahanap. Si Jepoy, siguro.

Pero nabigla naman ako nang may tumapik sa kaliwang balikat ko kaya napalingon ako rito. Ngunit mas lalo kong ikinagulat nang makita ko si Kief. Sa totoo lang, 'di ko alam kung ano ang igagalaw o sasabihin ko.

"Kief?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Sa inyo ako gugrupo. Wala na akong mahanapan e." Kamot batok niyang saad.

"Wala ba si Nicole? 'Di ba siya yung kasama mo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

Napangiti naman siya sa akin. "'Di na raw siya makakapunta. Tinawagan siya kanina ni Tita kanina at may kailangang ayusin daw kaya pinabalik siya kaagad sa Manila." Saad niya na naging sanhi ng pagbuntong hininga ko.

Napatingin naman ako sa gawi ni Tim na nakatitig sa aming dalawa ni Kiefer. Binigyan ko naman siya ng isang makahulugang titig at ngitian naman niya ako. Nag-aalala kasi ako sa kaniya, 'di ko alam kung papayag ako o hindi. At alam ko na mas makabubuti na tatanggihan ko yung alok ni Kiefer para kay Tim.

Dahil kahit 'di niya sa akin sabihin, alam ko na nasasaktan siya sa loob-loob niya. Lalo na nung malaman ko yung side niya kanina umaga sa kuwarto habang nagkukunwari akong natutulog.

Ayaw kong maging unfair.

Ayaw kong maging insensitive.

Napalingon naman ako sa napatikhim na si Kiefer.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon