Ikasampung Kabanata

38 9 1
                                    

ALEX

“’Di ka ba natatakot sa posibleng resulta ng pagpapanggap natin?” Lingon ko sa kaniya na naging sanhi ng kaniyang pagtigil sa pagtugtog ng kaniyang gitara.

Napahinga ako nang malalim.

Hindi ko alam kung mabuti pa ba ‘to o baka lumala pa ‘yong sitwasyon…

Iniangat naman niya ang kaniyang mukha at tumitig sa akin saka binigyan ako ng isang ngiti. Isang pekeng ngiti…

“Hindi.” Tipid niyang sagot. Ramdam ko yung pagbuntong hininga niya. “Tutulungan lang naman kita ‘di ba? At tsaka malinaw naman sa ating dalawa, lalo na sa akin na no attachments after this deal, so wala naman tayong dapat ipag-alala.” Ngiti niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin saka niyakap ko yung tuhod ko at ipinatong dito ang aking baba. Napapikit ako nang mariin bago magsalita.

“Tim, alam ko na lahat.

Nang muli kong ibinaling ang aking tingin sa kaniya ay sabay ng kaniyang pag-iwas ng tingin at itinuon ito sa karagatan. Naalala ko kung paano ko nalaman mula sa kaibigan niyang si Jepoy ang lahat-lahat kagabi.

‘Di ko malaman kung anong mararamdaman ko sa sinabi ko kay Kief kanina. Pero lalong
dumoble yung bigat ng pakiramdam ko nang sabihin niya sa akin na mahal niya pa rin ako.

Gusto kong maniwala pero alam kong imposible… dahil alam kong kasinungalingan lang ang sinabi niya.

At mahirap magtiwala sa isang taong sinira na ang tiwalang binigay mo.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang umiiyak nang may makabanggaan akong tao. Napaangat naman ako ng aking tingin para humingi ako ng paumanhin sa taong nabangga ko. “Sorry.” Tipid at pagak kong saad.

“Alex?” Gulat na saad ng taong nagmamay-ari ng pamilyar na boses.

Noong una ay ‘di ko maaninag ang kaniyang mukha buhat ng panlalabo ng aking paningin dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng aking luha mula sa aking mata. Pero nang punasan ko ang aking mga luha ay nakilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses. Si Jepoy…

Yung kaibigan ni Tim…

“Alex, okay ka lang?” May bahid ng pag-aalala ang kaniyang boses.

Napaiwas ako ng tingin at tumango bilang tugon sa kaniyang tanong. Maglalakad na sana ako paalis sa kinalulugaran ko nang hawakan niya ang aking kaliwang braso upang pigilan akong makaalis.

“Kung ‘di kaya sabihin ni Tim, ako na ang kailangang magsabi sa’yo.” Mariin niyang sambit. Kunot noo akong lumingon sa kaniya saka nagbato ng nagtatakang titig. “Ano ang ibig mong sabihin?” Nagtataka kong saad.

Lumingon siya sa paligid namin saka hinila ako papunta sa may parte ng dalampasigan na walang katao-tao at malayo sa kinalulugaran namin kanina. Nang makarating kami sa may dalampasigan, ihinarap niya ako sa kaniya saka ngumiti siya nang mapait. “Totoo ba na nagpapanggap kayong magkasintahan?” Mahinahon niyang tanong saka tumitig sa akin.

Umiwas naman ako nang tingin dahil hindi ko kayang labanan ang kaniyang titig. Nababalot ng pagtataka’t magkahalong bigat sa pakiramdam dahil sa nangyari kanina at sa tensyon na bumabalot sa amin ni Jepoy ngayon.

Dalampasigan (Ethereal: Tim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon