Chapter 7

32.6K 1.4K 151
                                    


Teddy Bear



Matagal na panahon kong hindi nakita si Frosto. Dahil sa aking pagkakagulat ay tumagal ang aking tingin sa kanya. Nang makahuma ay umiwas ako nang maunang lumabas si Faustino. Mabibigat ang mga yapak nito.

Nginisihan naman ako ni Austin at nanunuot sa aking kaluluwa dahil sa asiwa ko ay pumasok na ako ng tuluyan sa elevator pero naiwan doon si Frosto.

Nanatili ang tingin nito sa akin. Hindi ko inaasahan na maraming nagbago sa kanya. Ilang taon na ba silang dalawa ni Faustino? Thirty? Thirty one? Habang ako ay mag bibente uno palang.

"Frost." nakapamulsa si Faustino nang sambitin niya iyon. Nakatalikod man ay maawtoridad parin ang kanyang tindig.

Umiwas si Frosto at umalis. Nanginginig akong pinindot ang elevator at parang nawalan ng lakas ng sumara ito.

Para sa akin parang hindi na magiging payapa itong pagtrabaho ko dito sa South Gate Inn dahil sa nagkalat tungkol sa akin. Maging 'yung nagsusubok na manligaw ay naging aggresibo.

Alas otso ng gabi nang mag pack up na kami para makauwi. Siniko ako ni Marga.

"Hmm?" Nilingon ko siya.

"Kanina kapa tinitingnan ni Ryan oh."

Tinitigan ko rin si Ryan. Umiwas ito at nagmop ng sahig. Isa siya sa mga janitor dito sa hotel.

"Hindi naman siguro ako."

Umiling si Marga. "Hay naku!Hindi raw? Alam mo tingin ko kaya marami tayong reservations na puro lalaki naman ay dahil sayo! Kung makapag pila dito e' ikaw naman ang tinititigan e."

"Hindi! Baka ikaw!"

Nag-biruan pa kami ni Marga doon hanggang sa dumating na ang papalit sa amin. Tinungo ko ang locker namin. Nauna na si Marga na umuwi.
Ang iba ay nag uusapan pa sa bulwagan ng hotel.

Madilim banda rito. Dahil sa pagod ko hindi na ako naligo. Kinuha ko nalang ang ibang personal na gamit at nilagay sa bag bago umalis. Papaliko na ako sa pasilyo nang makita kong may anino.

Nangunot ang aking noo at nagpatuloy sa paglalakad. Baka mga kasamahan ko lang dito.

Dahan-dahan akong naglakad upang hindi marinig ang takong ng aking sandal. Doon ko nakita sa dilim si Jezia at Ryan ag nakahubad. Nanlaki ang aking mata nang makitang nakapatong si Jezia kay Ryan!

Umiwas ako at nanlamig sa aking nakita. Gusto kong magmura ng sobra. Bakit ko pa kailangan makakita ng mga ganon?

Hindi ko iyon ginawang big deal. Si Ryan ay may mukha naman at may katawan rin kaya siguro nahulog ang loob ni Jezia.

Nang makalabas ako ay nakita ko pang naging alerto ang mga trysikel driver na nakaabang sa labas. Nagulat ako doon.

"Diri ka sakay miss oh!"

Ilang beses ko iyon narinig. Umiling ako at kiming ngumiti doon ko palang napansin ang isang itim na Mustang. Kumalabog ang puso ko. Dahil sa kaba ay pumasok nalang ako doon sa traysikel para makauwi na. Kahit sa pag uwi, nakita kong nakasunod parin ang sasakyan ni Faustino. Tila alam na alam niya ang daan! Ni hindi siya nag over take o ano! Nakasunod lang siya sa sinasakyan ko!


Nang makapasok sa bahay ay tsaka palang ako nakahinga ng maayos. Bumungad rin sa akin ang mag aayos na si Vicco. Nangunot ang aking noo.

"Vic! Yuwi ka? Gabi na ah." Pinagmasdan ko siyang nag aayos ng damit niya sa maleta. Nanginginig ang aking kaibigan at panay ang buhos ng luha.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon