Chapter 27

35.5K 1.4K 299
                                    


Emosyon



Lumabas ako ng banyo na nakaroba. Si Faustino ay nauna nang maligo. Natigil ako nang makita siyang nakahubad ang pang itaas habang may katawagan sa cellphone.

Nakasuksok sa kanyang cotton shorts ang isa niyang kamay at may katawagan sa kanyang cellphone. Dahil nga naramdaman niya siguro ang presensya ko, napatingin siya sa akin.

Bumaba ang aking titig sa kanyang malabatong katawan. Napalunok ako dahil  sa kanyang abs at dibdib na may mumunting buhok.

"Yes nanay. She's with me." nakatitig na sakin si Faustino. Natauhan ako agad nang marinig ang pagsabi niya na "nanay."

Bahagya akong lumapit sa kanya. Hindi ko na alintana ang mamasa masa kong buhok.

"Si nanay?" mahinang tanong ko.

Tumango si Faustino habang nakikinig sa kung anumang sinasabi ng inay. Nilahad ko ang kamay ko kay Faustino, tila nakuha niya ang gusto ko kaya binigay niya iyon sakin.

"Ano tingin mo sa apo ko? Kay Ginger? Agad agad niyong makukuha? Aba hindi!" hindi pa pala tapos si nanay sa kanyang sinasabi. Napapikit ako dahil pinapagalitan niya pala si Faustino!

Napatingin ako kay Faustino na nakatitig lang sakin at hinila ako sa baywang tsaka inamoy ang aking buhok.

"N-Nay."

"Hindi! Hindi Faustino! Alam kong marupok iyang anak ko e. Pero si Ginger apo ko'to. Bago mo'to makuha aba bigyan mo muna kami ng house and lot na nakapangalan na kay Ginger! Naiintindihan mo? At-"

Hindi pa talaga tapos si nanay. Napangiwi ako dahil nakaloud speaker ang cellphone! Lahat lahat ay naririnig ni Faustino!

Ni hindi ako makasingit!

"At! Wag’ na wag’ mong gagalawin yan si Ava! Alam mo naman ‘yang malanding iyan basta ikaw basta basta nalang ibubuka yang puday niya! Kahit na maganda at sexy yan e’ shunga yan!"

Umiinit na ng husto ang pisngi ko lalo na nang humalakhak si Faustino sa tenga ko.

"At! Tigil tigilan mo na nga iyang pagpapadala ng kung ano ano dito sa bahay Postiso! Hindi ko matatanggap ang mga iyan! Marami niyan si Ginger! Oras ang kailangan ni Ginger! Hindi ko ikakait ang buong pamilya para sa kanya pero wag’  na wag’ mong sasaktan si Ava! One billion ,house and lot bago mo sila makuha sakin! Naiintindihan mo?"

"Opo nay." sagot ni Faustino.

"At! Sabihin mo sa hinayupak mong ama na tigil tigilan ako dahil hindi nako inlove sa kanya! Sapatosin ko siya ulit kapag lumapit lapit dito!"

Oh God! Napahilamos na ako ng mukha.

"Nay, si Ava to." mahinahon kong pagpigil sa kanya. Natigil rin si nanay sa kabilang linya.

Narinig ko ang painsulto niyang pagsinghap.

"Magkasama talaga kayo sa iisang kuwarto? Napakarupok."

"Nay, mag uusap po tayo. Uuwi kami diyan bukas."

Si Faustino naman sa kabilang banda ay tinititigan ako ng mariin.

"Oo! Mag uusap talaga tayo. Marami tayong pag uusapan." kinakabahan na ako sa boses ni nanay.

"Sige nay."

Nauna niyang binaba ang tawag kaysa sakin. Sinauli ko narin kay Faustino ang kanyang cellphone.

Huminga ako ng malalim. "Galit si nanay sayo noon pa man."

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon