Chapter 13

30.7K 1.2K 118
                                    

Meeting


Nakakapanabik ang kanyang alok sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak. Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako makahinga. Ang dumaan sa aming gilid ay bahagya pang napatigil at sinuri ang ginagawa namin ni Faustino.

Tinago ko ang kung anumang nabubuo sa isipan ko.

"Anong sinabi mo?" Kunwari hindi ko siya narinig. "Isang gabi kapalit ng Iphone?"

Napatigil ang isang grupo na dumaan sa gilid namin. Nasindak sa aking sinabi.

Pumikit naman ng mariin si Faustino tila nahimasmasan.

"Where's your table?"

"Magbabanyo lang ako." tumalikod agad ako at pumasok na sa banyo. Alam ko rin na nasa likuran ko siya at sumusunod. Hindi ko alam kung bakit niya pa'to ginagawa.

Inayos ko ang aking damit bago lumabas ng banyo. Nandoon lang siya at nakahilig sa dingding tila malalim ng iniisip.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid sa mesa. Kasama ko si Vicco." panimula ko.

"Sasamahan kita kung ganon," muli akong napahinto sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi.

Bahala siya.

Dire-diretso akong pumunta sa aming mesa at nakita doon si Vicco na may kung anong kinukulikot sa kanyang cellphone.

"Bakit ba kasi hindi pa iyon bumili ng bagong cellphone?" kausap yata nito ang sarili.

"Vicco-" Nakita niya agad ako ng tinawag ko siya.

"Hay! Salamat andito kana! Kanina pa tumatawag ang nanay mo! Walang tigil 'raw ang iyak ni-"

Halos masapo ko ang noo. Parang nakakita siya ng multo sa aking likod. Lubos lubos ang kaba na aking nararamdaman dahil sa kamuntikan na niyang masabi.

"Walang tigil ang iyak ng aso mo! Leche!"

Kahit nakalusot si Vicco ay parang nilubayan parin ng kaluluwa ang aking katawan!

Lalo na nang madilim ang tingin sa akin nu Faustino. Habang si Vicco naman ay napakagat sa kanyang daliri.

"Uhm," Vicco cleared his throat. "Mauna na kami ni Ava ,Faustino." pormal na ang boses nito  parang isang lalaking lalaki.

Hinila ako doon palabas ni Vicco.

"Hay jusko! Ang shunga shunga ko. Ewan! Ang hot nga talaga ni Faustino Ava!"

Umirap ako. Ba't doon napunta ang usapan?

"Ang kamay maugat! Laging seryoso! Ang swerte mo! Magkambal pa talag-"

"Hay.Tumahimik ka nga."

Tila may tama na nga rin ako ng alak. Nagmamadali kaming makauwi sa bahay at nag aalala ako para kay Ginger.

Nang makarating sa bahay ay inasikaso ko kaagad ang anak. Tumigil ito sa pag iyak at nakatulog sa aking bisig. At hindi nga ako nagkamali dahil antok na antok ako kinabukasan.

Naninikip rin ang dibdib ko habang inaayos ang aking mga gamit. Labag sa loob ko ang umalis lalo na't makita ang inosenting mukha ni Ginger.

"Mah," ungot ko at pinunasan ang luha sa gilid ng aking mata. "Babalik agad ako dito pag mabakante ako."

"O' sige walang problema. Bumili ka narin ng cellphone para maka videocall ka rito sa amin."

Tumango naman ako. Umalis ako doon na magaan ang pakiramdam ng makita ang ngiti sa labi ni Ginger. Kahit kailan, hindi siya naging pabigat. Parang ginagawa niya lahat para hindi madagdagan ang pasanin ko sa buhay.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon