Chapter 14

32.1K 1.4K 223
                                    

Apoy

Nasa trabaho na ako at inaalala ang mga sinisante ni Faustino.

"Grabe! Alam mo kinaiinggitan ka na ng iba nating kasamahan ngayon. Mukhang natipuhan ka nga ni sir Faustino o baka totoo nga yung tsismis ni Jezia na-"

"Miss Ava. Pakibigay naman itong mga records ng mga sisibakin ni sir Grey sa office niya. Wala kasi akong mautusan. Nasa labas pa 'yung secretary ko." naputol ang sasabihin ni Marga dahil sa pag lapag ng aming head director ng iilang papeles sa aking mesa.

Napasinghap ako. "Yes po!"

Ngumisi naman si Marga sa akin. Alam kong nasa opisina ni Faustino ang tatlong lalaki. Alam kong nabastos ako kanina pero sobra sobra naman yata na patalsikin sila sa trabaho. Paano nalang ang pamilya nila?Mahirap makahanap ng trabaho ngayon.

Hawak ko ang tatlong kulay blue na long folder na naglalaman ng kanilang impormasyon habang papasok sa office ni Faustino.

Hindi ko pa nabubuksan ay nagulat na ako sa malakulog na galit ni Faustino.

"Who touched Ava's ass? I need the fucking answer!" Nakatuko ang dalawang palad niya sa kanyang mesa at namumulang tinitigan ang malakuting na tatlong binata. Nagsitulakan pa ang mga ito.

Umiling ako at tinulak ng lubusan ang pintuan. Lahat sila ay napatingin sa akin.

"S-Sir Faustino."

Taas baba ang kanyang balikat at tumalikod sa akin. Ikinubli ang galit ng mukha. Napatingin ako sa tatlong lalaki bago nilapag sa mesa niya ang papeles. Ang isa ay napaiyak na. Ang dalawa naman ay halatang paiyak narin.

"Uhm.Lumabas na muna kayo. Titi
ngnan ko kung may magagawa ako."

"S-Salamat!" sunod sunod na pasasalamat sa akin ng mga 'to. Agaran naman ang paglingon sa akin ni Faustino.

"What?!" asik nito sa akin. "Sinong nagsabi sayo?"

Huli na. Huli na dahil halos masira na ang pintuan dahil sa takot ng tatlong binata. Hinarap ko si Faustino at suminghap. Pinatili kong kalma ang aking sarili habang siya ay naiinis na. Kinalas niya ang kanyang kurbata.

"Unfair naman yata kung tatanggalan mo sila ng trabaho? May mga pamilya rin ang mga iyon. At ang babaw ng rason Faustino."

Dumaan ang inis sa kanyang mukha. Ngayon ko rin natanto, na ang daming nagbago sa kanyang katawan.

Tumaas siya. May iilang buhok narin ang kanyang perpektong panga. Lumaki at mas naging maskulado rin siya. Napalunok ako.

"I do not tolerate those things in my hotel!" Namaywang siya sa harap ko. Okay, siguro ginagawa niya ito para sa kapakanan ng hotel niya.

Tiningala ko siya. "Isipin mo. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nila. Hindi ba napaka immoral naman nun?"

"So you're telling me that it's okay na kahit sino lang hihipo sayo? Ganon ba Ava?" Tumaas ang kanyang boses.

Mas lalo akong naguluhan! Ako ba ang problema nito? Bakit ako e' ang hotel ang problema dito!

Hindi pa ako nakakabuwelyo sa kanyang sinabi ng umabante siya sa akin. Ang likod ng aking sandal ay nabangga sa harapan ng sofa. Kaya kung aabanse pa siya ay mabubuwal na ako dito.

"You like boys touching you? Huh?" umigting ang kanyang panga. "Kaya ayaw mo silang masisante kasi gusto mo naman?!"

Uminit ang gilid ng aking mata. Hindi ko nakayanan at nasampal ko siya ng malakas. Umawang ang labi ko ng tumagilid ang kanyang mukha sa lakas ng sampal ko.

"Oo nga! Alam mo namang marumi akong babae kaya bakit mo pa papatalsikin?" Kinagat ko ang aking labi. Mas dumilim lalo ang kanyang tingin sa akin at bumaba iyon sa aking labi.

Naiinis ako kasi kahit anong gawin kong galit ay lumalamlam parin ang aking tingin sa tuwing makikita ko sa kanya si Ginger! Yung anak namin!

Ba't ba kasi kamukhang kamukha sila?! Ako tuloy ang nahihirapan!

Inirapan ko siya at akmang lalabas nang hilahin niya ako pabalik.

"Mamaya kana lumabas.I'm sorry." nagbago ang tono ng kanyang boses. Mula sa galit ngayon ay naging maamo.

Nangilabot ako. Hinding hindi sanay sa pagiging ganito niya. Kinalas ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak at aalis na ng tuluyan nang matapos siyang irapan ay inagapan niya ang pintuan at nilock iyon!

Nanlaki ang aking mga mata.

"S-Sir lalabas na ako. M-May trabaho pa'ko."

Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan sa aking likod.

"I'm your boss."

Napapikit ako ng gumapang ang kamay niya sa aking baywang at nilapit sa kanyang katawan. Parang may paru-parong nagsiliparan sa aking tiyan. Binaon niya sa aking leeg ang kanyang mukha. Bahagya siyang nakauklo para maabot niya ako.

"Faustino." ang aking pagbabanta ay naging malamyos. Malaki ang naging epekto ng kanyang haplos sa akin.

Napapikit ako ng nagpatak patak siya ng halik sa aking buhok bago ako pinakawalan.

Unti unting nakalas ang kanyang hawak sa akin at pakiramdam ko ay nangulila ako.

"I badly need a kiss from you," paos ang kanyang boses. "Kahit ngayon lang."

Napapikit ako ng sobra. Nababaliw na ako. Hindi na ako makapag isip ng mabuti kapag ganito siya! O baka, binibilog niya na naman ang ulo ko? At sa huli ay sasaktan ako ulit?

"D-Doon ka sa mga babae m-mo!" nanginginig ang aking boses. Mabilis ko ulit na nilapitan ang pintuan ara buksan iyon ng hilahin niya ako ng marahas at inikot ,paharap sa kanya.

Napasinghap ako ng maglapat ang aming labi. Madiin ang hawak niya sa magkabilang pisngi ko para mahalikan niya ako ng maayos. Hindi ako makagalaw dahil napinid ako sa malamig na dingding.

Shit.

Ang kanyang dila ay bahagyang pumasok sa loob ng aking bibig para maibuka ko iyon.

Halos hindi ako makahinga sa ilang beses niyang pagkagat kagat at sipsip sa aking ibabang labi.

"Faus!" naitulak ko siya pero halos hindi maalis ang labi niya sa aking labi. Kumakalabog ang puso ko sa halikan naming dalawa.

"Sir!" kumalampag ang pintuan ng office bigla. Napatingin ako doon. Naaalarma ako kung sino iyon. Pero ang tingin ni Faustino ay nanatili sa aking mukha.

"Sir! May meeting po kayo ngayon! Sir!" kumalampag pa lalo ang kanyang secretary. Kinagat ko ang aking labi.

"Sir-"

"Cancel my damn meeting!" sigaw palalik ni Faustino at binalik ang tingin sa akin. "Walang magpapapasok sa opisina ko."

"Copy sir! Pero walang mag aasikaso ng reception area sir! Wala raw doon si Ava Pojas!"

"She's with me. Leave."

Pinanlakihan ko ng mata si Faustino.

"Faustino ano b-ba!" halos maiyak na ako para pakawalan niya pero umiling lang siya.

"Uhaw na uhaw na ako sayo Ava."

Kumalabog na naman ang dibdib ko. Parang mabubuwal na ako anumang oras.

Lumayo siya ng bahagya sa akin. Akala ko aalis na siya at lalayo pero nang hubarin niya ang kanyang polo sa aking harapan ay napapikit ako.

Nang dumilat ay nakita ko ang tattoo sa kanyang braso at dibdib nang mawala ang kanyang suit at polo sa katawan.

Lumamlam ang aking mata. Lumapit siya sa akin at mariin akong tinitigan.

"Gustong gusto kita Ava.Fuck! Nababaliw na a-ako."

Muli niyang inangkin ang aking labi at nadarang na ako ng apoy.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon