Chapter 21

30.6K 1.2K 110
                                    

Malibog


Basta basta ko nalang siyang iniwan kagabi. Mabuti nalang pag labas ko ay may iilan pang trycicle na bumibiyahe.

Pagkauwi ko ay natutulog na si Vicco sa sofa at may maskara na namang puti. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa aking kuwarto.

Malapit na pala ang aming outing. Gastos iyon ng hotel. Baka raw sa Dumaguette kami pumunta.

Hindi ako masyadong makatulog sa gabing iyon. Nakaligo nako at lahat lahat na pero naghalo halo saking isipan ang mga nangyari.

Unang problema ko ay si Faustino. Bakit pilit pa kaming pinagtagpong dalawa? Kaya kong buhayin si Ginger na wala siya. Pangalawa, ang nangyari kanina sakin. Sino ang may pakana 'nun? Bakit ginawa iyon sakin e wala naman ako ditong kaaway? Pangatlo, ang anak ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makapiling pero natatakot akong manatili sa Manila. Pakiramdam ko, natrauma na ako sa Manila.

Bumangon ako at kinuha ang larawan ni Ginger na nasa gilid ng kama ko. Kumikirot ang puso ko.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan kita matatago anak." hinaplos ko iyon. Nakangiti siya sa picture niya at nakagapang. Ilang buwan palang siya dito.

Natatakot ako sa oras na malaman ni Faustino ang tungkol sa kanya. Natatakot rin ako isugal ulit ang sarili ko. Alam ko na nandito parin siya sa puso ko. Ang hirap hirap niyang kalimutan.

Kung hahayaan ko pa siya sa buhay ko ay lalo lang magiging kumplikado ang lahat. Hindi ko na inisip na may magmamahal pa sakin na ibang lalaki. Iniisip ko nalang ang kapakanan ng anak ko.

Binalik ko sa gilid ng kama ang larawan ng aking anak at nakita ko doon ang bagay na hindi ko nakakalimutan araw araw.

Pills.

Simula nang may mangyari ulit samin,hindi ko na ito nakalimutan. Ayoko na ulit magawa nang mali lalo na't alam kong anumang oras ay babalikan siya ni Genevive. Hindi ko alam kung nagkahiwalay na ba talaga sila o ano. Mas mahaba ang kanilang pinagsamahang dalawa kaysa amin dalawa.

Kinabukasan ay handang handa na'ko sa trabaho. Nakasuot ako ng puting formal sleeveless at itim na pencil cut skirt at isang itim na blazer. Pinuyod ko ang aking buhok.

"Antayin ko nalang kayang matapos ang outing niyo bago ako bumalik ng Manila? Para sabay na tayo." si Vicco at nilagay sa aking harapan ang kape at ulam.

Tumango ako. "Sige. Puwede ka namang sumama sa outing e."

Napanguso siya at ngumis. "Kaya nga ako nagpaparinig sayo e. Maganda kaya sa Duma tsaka ako naman gagastos sa sarili ko. Hirap lang kasi hindi ko dinala ang kotse ko!"

"Ayos lang yan. Puwede ka naman sa service namin. Kilala ka naman ni Faustino."

Sinundot ko nito sa gilid. "Oy! Nagkakamabutihan na kayo siguro ano?"

Nangunot ang noo ko at ngumiwi. "Vicco, imposible. Baka nakakalimutan mong may fiance parin si Faustino. Natigil lang ang kasal nila."

"So kabit parin hanggang ngayon ang peg mo? Awts Gege."

Inirapan ko siya at hindi na ako nagsalita pa. Tumungo na ako sa trabaho at nakita kong nasa pwesto na si Marga. Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker at bumalik sa puwesto.

"Uy, kamusta kana? Grabe 'yung galit ni sir kahapon ah! Hindi talaga sinimulan ang meeting at nagtaka kami dahil wala kapa!"

Kinuwento ko ang nangyari sakin kay Marga. Napaisip siya.

"Yan rin narinig ko e. Yung cctv dito imposoble dahil hindi gumana. Imposible. At hindi man lang nakita ng guard na may pumasok na kahinahinala so dito lang iyon sa loob?!"

"Sa totoo lang, kinakabahan ako. Baka kasi maulit pa."

"Hindi na yan. Mas pinahigpit na ni Sir yung seguridad dito. "

Tumahimik nalang ako. Kahit papano ay naging kampante ako dahil nakita ko nga na kahit dito sa pwesto namin ay may anim na cctv. Grabe!

Nasa kalagitnaan kami ng trabaho ng makita kong umiiyak ang lalaking janitor. Nakaramdam ako ng awa. Kinalabit ko si Marga.

"Marge, ikaw muna dito ha? May pupuntahan lang ako."

"Sige!"

Nilapitan ko ang janitor na lumiko sa kanilang locker.

"Manong, napano ho kayo?"

Pinunasan nito ang luha at hinarap ako. "Ah good morning ma'am!"

Tumango ako at ngumiti. "Bakit ka po umiiyak?"

Napawi ang ngiti nito. "K-Kasi po naglilinis po ako lagi sa office ni Mr. Grey. Napagalitan po ako kanina at tinanggalan ng trabaho."

Umawang ang labi ko. Ang sama talaga ng bwesit na yun!

"Bakit h-ho?!"

"Ewan ko ma'am hindi ko rin ho magets si sir. Nawawala raw yung bra at panty doon at ako ang sinisisi dahil ako ang naglilinis ng banyo niya." kahit si manong ay tila nagtaka sa panty at bra na yun!

Shit. Peste. Iniwan ko lang yun doon sa office niya ah! At bakit siya magsisisante ng isang janitor dahil lang doon?!

Kumurot lalo ang puso ko nang makita umiiyak si manong.

"Manong, akong bahala. Hindi ka mawawalan ng trabaho." panigurado ko.

"Talaga ho ma'am?"

"Opo!" tumango ako. "Akong bahala!" ngumiti ako sa kanya at tinapik si manong sa balikat.

Dumiretso ako doon na kumukulo ang dugo sa kanya. Wala siyang pinagkaiba kina tita Agnes! Mga masasama!

Hindi ko antala ang tagal ko sa elevator. Kahit yung pagpihit ko ng kanyang pintuan ay naiinis ako.

Sisinghalan ko na sana siya ng iba ang madatnan ko. Isang babae. Oo, babae.

Umurong ang aking dila pero matalim parin ang tingin ko sa kanya. Ang babae ay katabi niya sa sofa at habang siya ay parang nakaakbay doon ang kamay. Nag uusap silang dalawa nang madatnan ko. At walang kahit anong bakas ng trabaho dahil wala akong nakita na laptop o papeles!

Oh wow.

"Ava. May kailangan ka?" tanong nito sakin. Nakangiti parin ang babae.

Mas lalong uminit ang ulo ko. Akala ko ba mainit ang ulo niya at sinesante si manong janitor?

Gusto kong umirap. "Wala may sasabihin lang sana."

Umayos siya ng upo. Mukhang interesado sa sasabihin ko.

"What is it?"

Umiling ako. "Wala po sir. Siguro, kakausapin ko nalang si sir Austin. Gusto ko kasing sumakay mamayang gabi."

Ngumisi ako sa kanya at agad sinarado ang pintuan. Bwesit. Bakit siya mangsisisante ng janitor?! E'di yung panty ay bra ng babaeng kasama niya ang itago niya!

Malibog!




Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon