Chapter 12

32.1K 1.3K 209
                                    

Iphone

Tinulungan ako ng driver ni nanay para maipasok ko siya sa bahay. Malalim na ang gabi nang makarating kami.

Naglinis ako ng katawan pagkatapos kong ilapag si nanay sa kanyang kama. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay tinabihan ko si Ginger.

Napanguso ako nang mapagmasdan ang kanyang mukha. Ang ganda niya. Parang 'yung mga bata na napanood ko sa mga Italian movies sa sinehan sa  Kabankalan.

Parang girl version ni Faustino.

"Hayy..." napapikit ako at napasapo sa noo. "Ano nalang gagawin ko kung makita siya ng ama niya? Hindi puwede." hirap na hirap kong sabi.

Huling araw ko na dito. Hindi ko maiwasan ang hindi maging emosyonal. Dahil sa alam ni nanay na doon ako nagtatrabaho sa hotel nila Faustino mas lalong naging matibay ang desisyon niyang hindi ipadala sa akin si Ginger.

Nasa hapag kami at pinapakain ko si Ginger.

"May trabaho ka doon kaya walang magbabantay! Kawawa ang apo ko! Atsaka ikaw nalang ang magbakasyon dito. Malaki naman ang sahod mo e."

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang mga pangaral ni nanay. Ngayon ay pupunta kami sa mga Clothing branches ni nanay.

Mayroon raw siyang dalawang naipatayo dito sa Manila. Ang isa sa Bonifacio Global Center ang isa naman ay sa isang mall.

Nag ayos ako at si Ginger naman ay inayusan ni nanay. Dadalhin rin namin ang yaya ni Ginger para hindi kami mahirapan.

Nasa sasakyan na kami nang may gusto akong tanungin kay nanay.

"Nay, madalas ba kayong lumabas ni Ginger?"

Umiling siya. "Pag may mga aayusin lang ako sa trabaho at may bibilhin na importante dinadala ko siya. Pero hindi madalas. Alam ko naman na kahit natapos na ang anumang nangyari sayo noon mag eexpect talaga mga 'yan kasi naikama ka ng gunggong na yun!"

Namula ang aking pisngi at hindi na ako nagsalita pa. Tinitigan ko ng mabuti si Ginger. Ngumisi ito sa akin at inabot ang aking pisngi.

Hay. Alam ko noon na ayaw na ayaw ng ama mong magkaanak. Palagi siyang nagbibilin na hindi ko makaligtaan ang pills kasi nga ayaw niyang magkaanak.

Magagalit siya kapag nalaman niyang may anak siya lalo na sa akin. Alam kong galit siya sa akin at baka balak maghiganti.

May kung anong kumudlit sa puso ko. Noong pinasok ko ang ganong' sitwasyon noon kay Faustino, alam ko nang magiging miserable ako. Lalo na ang puso ko. Wala akong puwang sa kanya.

Mas mabuti nang may magandang alaala ako mula sa kanya.

Nauna kaming tumungo sa mga establemento sa BGC. Nakita ko doon na may isang building na kulay gray at dalawang palapag iyon.

Ang pangalan na bumungad sa akin ay "Ginger's Touch".

Napatingin ako kay nanay na diretso lang ang tingin habang ako ay naghuhumerintado na ang puso sa saya.

Hawak ko si Ginger ng pumasok kami. Binati kami ng security ng Clothing line ni nanay at mas namangha pa ako sa loob.

"Ava. Ito nga pala si Red. Isa sa mga designer ko. Napulot ko lang yan noon  sa isang Bar at magaling yan."

Ngumiti ako dito.

"Ito naman si Vodka. Walang special sa kanya."

Imbes na mainis at humagalpak pa ang dalawang bakla na designer ni nanay sa mga damit. Nagtuksuhan pa ang mga 'to.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon