Chapter 25

32.9K 1.5K 310
                                    


Matatapos

Umawang ang aking labi. Hirap na hirap akong iproseso ang lahat. Hindi ako makapaniwala na lahat na ginawa ko, ang pagpapakalayo ko ay nauwi sa wala.

Nanatili ang kanyang kamay sa aking baba. Halo halo na ang kanyang emosyon.

"Maghihintay parin ba ako hanggang kailan mo balak ipakilala ang anak ko sakin,Ava?" bulong niya.

Bumuhos ang aking luha. Parang naumid ang aking dila. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

Napakurap kurap ako. Susubukan ko na sanang magsalita pero naunahan ako ng tunog ng kanyang cellphone.

Madilim ang kanyang tingin sa kanyang cellphone, tila pinapatay niya ito sa tingin. Huminga siya at pumikit bago iyon sinagot.

"Yes, I'll be back. Uh-uh. Sinundo ko lang si Ava. I'll be there."

Binaba niya ang kanyang cellphone. Pumikit siya. Mukha siyang pagod at parang may kung anong humawak sa puso ko.

"Pack your things. You'll go with me.''

Hinila niya ang kamay ko. Halos manlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak ng mabuti sa aking kamay.

Ito 'yung unang pagkakataon na hinawakan niya ng ganito ang kamay ko.

Pakiramdam ko ang dami kong hindi alam sa mga nagdaang taon. Masyado kong kinulong ang sarili ko sa loob ng tatlong taon.

"T-Teka." hinila ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Hinila ko ang kamay ko dahil napapatingin ang mga tao samin dito sa Hotel! At dito pa talaga kami tumigil sa gitna!

Nilingon niya ako. Ang taas niya at hanggang balikat lamang ako. Ang laki ng kanyang katawan ay nakakatintimida.

"Saan m-mo'ko dadalhin?"

Napalinga linga siya at inayos ang kanyang polo, tila nasasakal siya.

"Dumaguette. You're going with me." deklara niya.

Umiling ako. "H-Hindi puwede."

Lalong nagtapo ang kanyang nakakunot na noo.

"Kailan pa puwede? Hindi pa ba sapat na may anak tayo Ava? Ano pa ang kulang para puwede kang sumama sakin? Kakaladkarin pa ba kita?"

Bawat salita niya ay napapalinga ako!Nagsskandalo siya dito! Ang mga nasa reception area ay laglag ang mga panga! Pate na iyong mga model na nagchecheck in dito!

Matindi na iyong nararamdaman kong inis kaya nagmartsa nalang ako paalis!

Sa kanyang kotse ay wala akong imik. Gusto kong tawagan si nanay ngayon rin pero alam kong kanya akong mumurahin. Sa tingin ko'y kailangan ko munang idahan dahan.

Sumasakit ang aking ulo sa mga nangyayari.

Lumabas ako sa kanyang kotse nang makarating kami sa bahay. Sarado ang bahay nila aling Pena ng dumaan ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay haggard na haggard pa si Vicco. Naglalampaso siya ng sahig. Namaywang siya ng makita ako.

"Bilis mo ah."

Tumikhim ako lalo na nang maramdaman ang init ng katawan ni Faustino sa aking likuran.

Tuluyang nadulas si Vicco sa basang sahig ng makita si Faustino na kasama ko!

"T-Teka .Ava a-ano to?"

Kinamot ko ang ulo at pumasok sa bahay. Hinayaan kong pumasok si Faustino.

Nataranta rin si Vicco. " T-Teka! dito ba? Aayusin ko ba muna ang kwarto? Ang kama? I-Ilang oras? Lalabas ba muna ako-"

"Vicco!" Namula ako ng husto! Si Vicco naman ay hindi magkandaugaga. Si Faustino naman sa kabilang banda ay napapatingin lamang sa loob ng bahay.

"Ano Ava? Ba't andito yan? Hindi makaafford ng hotel? Dati sa kotse-"

"Shhh Vic! Pupunta tayong Duma ngayon. Mag ayos kana."

Nabitawan niyo ang mop bigla. "Oh my! Ang sunblock at bikini ko!" parang kidlat lang ay nandoon na sa itaas si Vicco.

Titingnan ko na sana ulit si Faustino pero nakita ko siyang hawak na ang litrato ko habang ako ay buntis kay Ginger!!

Halos takbuhin ko iyon at kunin sa kanya. Parang nakalutan ako ng lumalapit. Hinihimas niya ang frame na picture ko.

"I get angry every time I get jealous and say bad things but I regret it all."

Alam ko. Alam kong marami pa akong maririnig at malalaman. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari pa pero parang may guwang ang aking puso.

Parang matatapos na ang lahat.

Pareho kaming napatingin sa aking litrato. Kinuha niya ang isa pa. Nakita kong kay Ginger iyon ng maliit pa siya. Siguro, mga tatlong buwan siya noon.

Nagpatakan ang aking mga luha sa sumobrang emosyon.

"I-I can't wait.." anas niya. "Gusto kong manumbat kung bakit Ava pero bakit kita susumbatan kung sa tuwing naaalala ko na nasaktan kita noon habang binubuntis mo ang anak ko. I'm hurting too Ava."

"I know what Agnes did to you. I know." sa pagsabi niya nun' ay tila may ginawa siyang masama noon.

Pinunasan ko ang aking luha. Nagbabara ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

Sobra sobra na!

"Gusto kong magalit!" namumula siya. Wala siyang ginawa kundi hawakan ang litrato naming dalawa ni Ginger. "Galit na galit ako sa sarili ko. I know I'm such a fool! Kung sino pa ang sinasaktan ko noon ay siya pang magpapamulat sa akin sa katotohanan."

Hindi na ako makaiyak ng nakita kong nahulog ang butil ng luha sa kanyang mga mata. Nakayuko siya sa larawan ni Ginger.

"Alam kong nagsisinungaling kana sakin sa tuwing tatanungin kita kung bakit bumibili ka nang laruan. I let you. I let you dahil alam kong natatakot ka sakin. I-I understand you. I am so afraid to hurt you again. That's the lesson I've learned. Iba ang impact mo sakin."

"I don't want to rush some things right now. We'll take it slow." malinaw niyang sinabi.

"H-Hindi mo gustong magkaanak noon." Wala sa sarili kong nasabi.

Tumango siya. "Not until you got pregnant. You never told me."

"H-Hindi ko rin alam na buntis ako ng ipagtabuyan mo'ko sa opisina mo."

Tumango siya. Nilapag niya ang mga litrato. Halos umurong ako ng ako naman ang kanyang tingnan.

"K-Kinausap ako ni Genevive. Faustino, ayokong makasira kung anuman ang mayroon sainyo. H-Hindi ko na uulitin ang kasalanan ko noon."

Nangunot ang kanyang noo.

"She's not my fiance anymore. I just warned her to stay away from you." madiin niyang sagot sakin.

Nagsinungaling si Genevive? Hanggang ngayon pala, patay na patay parin siya kay Faustino!

"Matagal na kaming tapos. Kahit siya alam iyon." malamig niyang dagdag.

Napakurap kurap nalang ako. "Kawawa ang magiging anak sana nila ni Frosto." nasabi ko nalang. Nakita ko namang unti unti na kaming nagkakalapit.

"Frosto is in love with someone else right now."

Napatango tango. "O-Okay."

"How about you?" hinawakan na naman niya ang baba ko at pilit akong pinapatingin sa kanya. "Kanino ka inlove?"

Tila nalulunod ako ng kanyang mga mata. Halos magkumahog rin ang puso ko! Ganito pala iyon! Ganito pala kapag maayos kaming nag uusap!

"Sayo.Ese- ano." pinilig ko ang ulo ko at umiwas pero hinawakan niya ng mariin ang aking panga at hinalikan ng marahan.

"I'm not gonna be your fuckbuddy anymore.Hmmm." hinalikan niya akong muli at halos manlambot na ang tuhod ko.

"Ehem! Uh Ava. Magchecheck in pa ba kayo sa kwarto? Anong oras na kasi. Kanina pako dito."

Naitulak ko si Faustino nang marinig ang boses ni Vicco.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon