Chapter 17

30.7K 1.4K 221
                                    

Teddy Bear



Malalim na ang gabi at ramdam’ ko ang lamig sa aking katawan. Nakasuot ako ng jacket na binigay sa akin ni Austin. Naaaliw naman ako dahil sa banda na nasa aming harapan.

Isang malawak ito na field na may stage sa unahan. Nandoon ang mga artista na nakikita namin sa malaking screen. Ang field ay halos hindi magkasya ang mga tao.

"Ava! Punta tayo doon! Sige na!" panay na ang alok sa akin ni Vicco pero ayoko. Bukod sa medyo malayo ay mahihirapan kami sa pag daan.

"Ang daming tao Vicco." kinuha ko ang isang bote ng beer at ininom. Nakita ko agad ang mariin na tingin ni Austin at Faustino kaya napaubo ako.

"Hay! Ang kj mo!" nilunok niya ang malaking manok. Halata narin ang pamumula ni Vicco pero ayos lang. Hindi naman ako mahihirapan dahil may kasama kami. Hindi narin uminom pa si Faustino. Panay rin ang bati sa kanya ng mga kilala niyang napapadaan. Tila hindi niya nararamdaman ang lamig kasi prente lang siyang nakahalukipkip.

May nakikita akong mga banyaga na nandito rin sa Kabankalan. May dalawa akong nakitang papalapit sa amin kaya tumaas ang kilay ko.

"Hey! Faustino? You're here!" sabi ng isa. Naka dress ito at nakapuyod ng diretso ang buhok. Umiwas ako ng sumagot si Faustino. Tila kilala rin pala nila si Austin at halos hindi ako mapansin.

"May trabaho lang dito." simpleng sagot ni Faustino. Nagdagdag naman ng beer si Austin at naupo ang dalawang babae. Umiwas ako ulit at nanood sa banda.

"Sheila,my friend,Vicco and Ava." introduce ni Austin sa amin. Tumango lamang ang dalawa sa akin at napatingin kay Vicco. Ngumiwi si Vicco at uminom sa beer.

"Uh, Ava! Banyo lang ako! Sakit ng ulo ko!" sabi nito sa akin. Tumayo ako para samahan siya.

"Samahan na kita?"

"Wag' na. Itetext nalang kita! Nakuha ko naman kay mother mo ang cellphone number mo kahapon." paliwanag niya. Nag aalinlangan akong tumango.

Halos ma-out of place ako sa mga kasama ko ngayon. Halos hindi na'ko matingnan ni Faustino at Austin dahil sa importante atang pinag uusapan nila. Tungkol iyon sa trabaho kaya interesado sila. Mukha naman kasing mga businesswoman itong kilala nila at taga Manila o ibang bansa.

Nagkunwari akong tumitingin sa banda o kinakain ang halos buto nalang na manok.

"Kailan ka babalik sa Manila? I miss our hang outs." sabi nang isa na dikit na dikit kay Faustino. Si Austin naman ay dinagdagan ang kinakain kong manok.

"B-Busog na'ko." ngiti ko sa kanya.

"Sigurado ka?" bulong nito sa akin. Tumango nalang ako at ngumiti tsaka kinuha ang aking cellphone para itext si Vicco.

Vic,saan kana?"

Gumilid ang tingin ko sa aking harapan at nakitang nakadikit na ang dibdib ng babae sa braso ni Faustino. Nangunot ang aking noo sa nakita.

Bakit pa ba ako nandito? Wala naman ako ditong silbi. Kung tutuusin pwede akong gumala gala at bumili ng para sa anak ko.

Tumayo ako ng maisip yun. "Ahm, Aalis lang ako."

Maagap naman na humawak si Austin sa akin. "Saan ka? Baka mawaka ka."

"Hindi. Si Vicco lang, pupuntahan ko. Babalik rin ako kasama siya," ang totoo hindi ako sigurado.

Ang tingin ni Austin ay nag-aalinlangan. Hindi narin ako nagpapigil pa. Wala naman akong silbi doon kaya bakit pa ako mananatili e' na-a-out of place na ako doon. Kung tutuusin ay pwedeng pwede akong gumala ngayon.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon