Chapter 24

31.7K 1.5K 262
                                    


Beautiful Liar


Maaga akong nagising kinabukasan. Dahil siguro sa pag iisip ko hindi ako masyadong nakatulog kagabi at napaginipan ko pa ang anak ko kaya hindi na ako lalo makatulog.

Si Vicco ay nasa loob ng bahay at nagpapasound ng malakas. Rinig na rinig ko ang malakas niyang pagkanta mula sa loob ng bahay.

Nakapantulog pa ako at nakaupo sa de-kahoy na upuan dito sa labas kaharap ang karagatan.

"Ava, anong uulamin natin?" tanong ni Vicco sakin.

Nilingon ko siya."Ikaw nang bahala Vicco."

"Nag-sisenti ka na naman diyan? Papangit ka niyan bahala ka!"

Napanguso ako at hindi na pinatulan ang mga kahayupan ni Vicco. Nagsimula na naman siyang magsayaw sayaw habang patungo sa kusina at mas pinalakasan pa ang sound niya sa loob. Parang masisira na ata yung tenga ko. Nahawa na siya sa mga kapit bahay namin ditong mahilig magpasound ng malakas.

Nilapag ko ang kapeng hawak ko sa kahoy na upuan at hinila ang hose para binyagan ang mga orchids at iilan pang halaman na tinanim ni Aling Pena sa aming bahay.

"Ava!" tinawag na naman ako ni Vicco.

"Ang laptop ko pala? May kailangan pala akong kunin doon sa documents ko. Kailangan ni daddy."

Nangunot ang noo ko at nakagat ang labi. Nilapag ko ang hose at pinatay.

"Patay. Naiwan ko sa South Gate Inn, sa locker." ngumiwi ako.

"Hay. Ako na kukuha." tatalikod na sana siya.

"Wag' na. Ako nalang hindi karin naman makakapasok sa locker namin bueng ka."

"Ay oo nga pala. I'm sure konti lang doon ang tao? Nasa outing e."

"Oo pero yung ibang empleyado na mula Bacolod andoon."

Kumain muna ako. Lutang ako sa bawat galaw ko lalo na may mga bagay akong iniiwasan isipin.

Mukhang naiintindihan rin ni Vicco ang mga nararamdaman ko kaya hindi narin siya nagsasalita at hindi niya ako kinukulit. Linis lang siya ng linis ng bahay.


"Vic, alis na ako ah! Bibili narin akong laman ng ref."

"Sige!"

Sumakay ako ng trycicle papuntang Hotel.

Tama nga ako dahil may iilang tao nga. Iba rin ang nasa reception area. Ngumiti ako sa guard nang binati

Binati rin ako ng mga nasa receptionist na minsan ko nang nakilala ng iorient sila dito.

Tinungo ko agad ang locker ko. Walang tao. Siguro ngayon nasa Duma na sila at nagsasaya. Deserved naman nila iyon.

Nilagay ko iyon sa dala kong bag at lumabas na. Nasa labasan na ako ng South Gate Inn nang makita ko ang taong hindi ko inaasahan.

Ngumiti siya sakin. May kasama siyang apat na body guards.

"Sir Paulino?" hindi ko alam kung ngingiti ako o ano.

"Pwede ba kitang makausap Ava?"

Huminga ako ng malalim. Nirerespeto ko si sir Paulino. Ilang taon rin kaming hindi nagkita.

"Sige p-po."

Akala ko aalis kami pero ginaya niya ako papasok sa hotel ulit. Agad kaming inasikaso sa loob. Kinakabahan ako.

Doon kami pumwesto sa pool area. Hindi ako makapagsalita habang may kung anong pagkain sa aming harapan na nilalagay.

"Kamusta ang aking apo Ava?" panimula nito. Natuod ako sa aking kinauupuan.

Hindi na ako magtataka kung kanino nagmana si Faustino.

"S-Sir-" hindi ko na maituloy ang mga sasabihin dahil sa aking kaba.

Huminga ito ng malalim. "I did all my best para hindi malaman ng anak ko na may anak kayong dalawa Ava. Pero matindi talaga ang instinct ng isang ama. He did his best too..."

Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"Dalawang taon na niyang alam and I don't know why na hindi niya kinuha ang kanyang anak. Ang bagal ng anak ko."

Matindi si sir Paulino.

"S-Sir, ayos na po kami ng anak ko. A-Ayoko pong makasira ulit ng relasyon. Ayoko silang sirain ni Genevive ulit. Sir-"

Alam kong nakikita niya na nagpapanic na ako! Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sasabihin. Nagpapanic na ako ng sobra. Iisipin ko palang ang bukas ay kinakabahan na ako.

"Hija, calm down. Sasampalin na naman ako ng mama mo ng sapatos niya kung malaman niyang pinaiyak kita. Calm down,please. " sinubukan niya akong pakalmahin. Ramdam na ramdam ko na ang aking luha.

Umiling ako. Balisang balisa ako. Parang gumuho ang mundo ko pero sinubukan ko paring pakalmahin ang aking sarili.

"Kamukhang kamukha ni Faustino si Ginger hija. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nag amok si Faustino hanggang ngayon."

Kahit ako hindi ko rin alam.

"At tungkol kay Genevive at Faustino ay hindi ko alam Ava. You should talk to Faustino."

Gusto kong ngumiwi. Hindi ko alam kung makakapag usap pa ba kami ni Faustino gayong iniiwasan ko siya. Iniiwasan ko lalo ang mga masasakit na salitang mula sa kanya.

"H-Hindi kopo alam ang gagawin sir Paulino."

Tumawa siya ng marahan. "Hmmm.. I know my son well. I think he learned his lessons now. Follow your heart hija. Kasi alam mo wala kang mapapala kung paiiralin ang pride. If you risked before  don't afraid to  risk again."

Umawang ang labi ko. Nakitaan ko ng butas ng pag asa kahit papano ang sitwasyon ko.

Lutang ako ng palabas kami ng Hotel. Nakasakay kami sa elevator na lutang na lutang parin ako. Ang dami kong iniisip.

"Take care hija." paalam sakin ni Sir Paulino ng papabukas na ang elevator.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Ang pagbukas ng elevator ang siyang pagpasok ni Faustino.

May ikakamalas pa ba ako?

Natuod ako lalo. Suminghap si sir Paulino habang si Faustino ay nasa akin ang tingin. Ni hindi manlang nagambala sa presensya ng ama niya.

"Bakit hindi ka sumama?" sakin ang tanong na iyon ni Faustino. Hilam pa ng luha  ang aking mga mata at alam kong namumula pa ang aking ilong at pisngi. Alam kong may ediya siya kung bakit kami magkasama ng kanyang ama.

Tumikhim si sir Paulino. "Nadaanan pa kita kanina sa Duma anak, ang bilis mo."

Umawang ang labi ko. Bakit pa siya bumalik dito?

"May nakalimutan lang papa.." sagot niya sa ama.

"Ah, anong nakalimutan mo?" tumingin pa si sir Paulino sa kanyang relo tila nagmamadali na.

"Si Ava."

Shit. Umiwas ako nang maramdaman ang init ng aking pisngi. Humalakhak naman si sir Paulino at tinapik ang balikat ng kanyang anak.

"Faustino anak...pag hindi nadale sa isang anak, dalawahin mo na." tinapik nito ulit ang balikat ng anak tsaka umalis. Naiwan akong hindi makatingin kay Faustino.

Tumunog ang elevator at nagsara. Namulsa si Faustino sa aking harapan. Ni hindi pako nakalabas ng pindutin niya pataas ang elevator!

"Sasabihin mo na ba? Ang tagal kong naghintay Ava. Ang tagal kong nakuntento sa pagtingin sa malayo sa aking anak." malamlam ang titig nito sakin. Hindi nanunumbat o anuman. Tila kinokontrol niya ang sariling hindi magalit ang siyang bihira sa isang lalakinh tinaguan ng anak.

Lumapit siya sakin at hinimas ang aking baba bago inangat. Nagkatitigan kami.

"You beautiful...liar." anas niya.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon