Chapter 23

30.7K 1.2K 147
                                    


Genevive

Wala na akong naging imik sa trabaho pagkatapos 'nun.Ganon' parin siya. Hindi na siya nagbago.

"Ayos kalang ba Ava?" tanong ni Marge. Alas tres na nang hapon at nagkakape kami dito lounge ng hotel.

"Oo naman. Masakit lang ang ulo ko."

"Ay ano ba 'yan! Bukas na yung outing natin tapos sumasakit pa 'yang ulo mo?"

"B-Baka hindi narin ako sasama."

"Ha?!" Naibagsak niya yung kape at mabuti nalang hindi natapon.
"Bakit naman?!"

"Masakit lang yung ulo ko. Tsaka hindi naman ako mahilig sa outing."

Ang totoo. Gusto ko lang talagang umiwas. Kung pwede lang magresign na ako ngayon din.

Ang hirap yung nasasaktan ka ng paulit ulit ng isang tao lang. Ang laki ng impact ng mga salita niya sa akin.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero mahirap, mahirap kapag hindi ko makalimutan ang nangyari sa nakaraan. Hindi madaling malimutan ang mga pamumukha niya sa akin noon na salawahan lang ako kahit sinabi ko nang mahal ko siya.

Ang mga pagbanta niya sa akin na hindi ako pwedeng mabuntis. Ang mga sinabi niya kung gaano niya kamahal si Genevive. Hindi iyon madaling kalimutan.

Sumapit ang gabi at excited na ang lahat umuwi at mag ayos. Naririnig ko iyong mga tawa nila at excitement.

Naglalagay ako sa locker ko ng mga gamit nang may marinig akong nag aaway. Gabi narin,baka hindi pa umuwi ang iba.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at umalis. Nasa labasan na ako ng South Gate inn nang harangan ako ni Jezia.

"Bakit?" walang ganang tanong ko.

Humalukipkip siya. "Someone's like to talk to you."

Nangunot ang aking noo. "Sino?"

Ngumisi siya. "You know her. Sumama ka sakin."

Kumalabog ang puso ko. Nanlamig ang aking pakiramdam.

"S-Sige."

Dinala niya ako sa isang restaurant malapit sa plaza ng Kabankalan.

Pumunta kami doon gamit ang isang sasakyan at pagkapasok ay nakita ko agad ang babaeng kanina ko pa hinihinala.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Sinuyod niya ng tingin ang aking katawan habang papalapit ako sa kinauupuan niya.

"B-Bakit ka nandito?" gumaralgal ang boses ko. Bakit kailangan niya pang mag usap kami?

"Ava," malumanay ang kanyang boses. "I want us to talk a long time ago pero pinagbawalan ako ni Faustino."

Parang sinaksak ng punyal ang puso ko. Ito ang sinasabi ko. Ito iyon.

Hindi ako nagsalita pero ramdam ko ang pamimilipit ng aking dibdib.

"Ava I'm so sorry sa mga nagawa ni mommy noon. H-Hindi kita sinisisi sa nangyari noon-''

"Pinalaglag mo ang anak niyo ni Frosto d-di'ba?"

Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang buhusan ng tubig para mahimasmasan siya.

Gulat siya sa mga sinabi ko. Ang gulat ay naging lungkot.

"P-Pinagsisihan ko iyon. Wala ako sa sarili nang mga oras na 'yun lalo na nagpakalayo layo ako. Dahil nasaktan ako ng lubos!"

Nanginginig ako sa galit.

"K-Kung nasaktan ka sa tingin mo...ano nalang ako huh? Genevive?" kinagat ko ang aking labi. "Pero hindi ko isusumbat iyon dahil alam kong mali ang ginawa ko sainyo noon."

"Mali talaga Ava. Mali ang maging kabit but you let your self to be a mistress!"

Huh? Mali bang magmahal ng isang lalaki? Mali ba na ipaglaban ko dahil alam kong nangangaliwa siya?

"Dahil alam kong nangabit ka rin." ngumisi ako. Namula siya ng sabihin ko 'yun.

"Ava, pag aawayan pa ba natin 'to? Pinatawad na kita kaya sana ganon karin."

"Ba't naman kita patatawarin Genevive? Dahil sa pag agaw niyo ng dapat na amin? Sainyo na 'yan. Kaming mahihirap sanay kahit saan kami ilagay Genevive kaya hindi ako maghahabol."

Napalunok siya. Namumula ang kanyang mga mata.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating mag usap. Am I a threat for you Genevive?"

"Mahal ko si Faustino at nagkikita kami mula pa pagbalik ko. He told me to back off dahil alam niyang kakausapin kita. If you think na nagkalabuan kami then you're wrong. Nadala lang ako sa tukso noon Ava pero hindi iyon mauulit."

"Pinatawad ka pa pala ni Faustino?" gusto kong matawa.

"Of course. Pinatulan ka nga niya di'ba na madumi ka kaya bakit hindi niya ako papatawarin? Ava, maraming taon ang pinagsamahan namin ni Faustino. Mga taon na hindi mo mapapantayan."

"Walang nang aagaw Gen. Sayong sayo siya." malamig ko siyang tinitigan.

Tila naging kampante siya. "Stay away your daughter from Faustino.'' banta niya.

Shit.

"Wag' na wag’ mong idadamay ang anak ko dito Genevive!"

"Why? Am just telling you-"

Napahampas na ako sa mesa. " Don't you dare mention my daughter here Genevive kung ayaw mong buhusan kita ng inumin."

Nagulantang siya sa sinabi ko at natatawa. "Oh gosh, ganyan kaba talaga ka protective sa anak mo?"

Nanggagalaiti na ako sa inis. Bakit nagkagusto si Faustino sa ganitong klaseng babae?

"Pinatay mo ang anak mo kaya hindi mo alam ang pakiramdam na may anak  Genevive." tumayo ako. "Wag kang mag alala. Kaya kong buhayin ang anak ko. Hinding hindi malalaman ni Faustino ang tungkol sa anak niya."

"Good." umiwas siya ng tingin kaya umalis ako. Tinaasan ko ng kilay si Jezia bago ko siya  nilampasan.

Matamlay ako sa pag uwi. Nadatnan ko si Vicco na nakaimpake na at halos mapuno ang sala ng kanyang bag.

"Ano na? Pinag impake narin kita." masayang sabi niya sakin. Pumalakpak pa siya at may maskarang puti na naman ang mukha.

"Teka! Dito kana sa kusina! I cook you something!"

Pagod akong nagpahila  sa kanya. Sumalampak ako sa upuan at tinitigan ang mga pagkaing nasa harapan.

"Oh ano na? Dapat beauty rest ka ngayon kasi maaga tayo bukas!"

Umiling ako. Nakita ko ang disappointment sa mukha niya. Unti unti siyang umupo sa aking harapan.

"Hindi na tayo matutuloy. A-Ayokong sumama." Napapikit ako at hinilot ang sentido.

"Why?" luging lugi siya.

Hinayaan ko ang luha na dumaloy sa aking pisngi. Nagulantang si Vicco.

"Kinausap ako kanina ni..ni Genevive." Pinunasan ko ang luha. "G-Ganun’ parin Vic. Sila paring dalawa. K-Kaya ayokong isugal ang lahat nang meron ako. Ayokong ipakilala ang anak ko dahil alam kong walang wala ako kumpara kay Genevive. K-Kahit gaano pa kasama ang ugali niya pero mahal siya ni Faustino kaya hindi na iyon ang basehan."

"Shhh..A-Ava." Nilapitan niya ako at niyakap.

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon