Chapter 2

41K 1.5K 235
                                    

Mayaman


Mas madilim dito sa ikalawang palapag. Tila wala na akong nakikita  , naririnig o nararamdam kundi siya. Ang presensya niya ay kakaiba.

Hindi ko rin maikakaila na gusto ko ang mga haplos niya sa akin.

Ang iba ay malayang nagmamahal. E' ako kaya? Papalayain ko na ba ang sarili ko sa pagkabilanggo ng puso ko sa iisang tao?

Kung pangangailangan ng sariling katawan ang bibigyan ko ng atensyon?

Mali. Hindi puwede.

Kinalas ko ang kamay niya sa aking baywang upang harapin siya pero pinigilan niya ako.

"Gusto kong makita ang m-mukha mo." diin ko sa kanya.

Ramdam ko ang ngisi niya. "Hmm. There's no thrill."

"Bakit?" ang init ng katawan niya sa aking likod ay ramdam ko rin. Nasa gilid na kami ng railings. Nakikita namin ang mga nasa ilalim. Ang mga sumasayaw sa itaas ay napapatingin sa amin. Nagtaka tuloy ako.

Karamihan na tumitingin ay mga babae. Sino ba talaga ang lalaking ito?

"Ba't nakatingin sila saiyo? Siguro guwapo ka?" Nang uuyam ang aking tono. Gusto kong titigan siya pero sige, gusto ko rin’ ng thrill.

Paos ang kanyang halakhak. Bakit nakakaattract sa tenga ko ang boses niya?

Ramdam’ ko rin titig niya na nasa akin lang.

"Maybe."

Umirap ako. Nawalan na ako nang ganang hanapin ang mga kaibigan ko. Parang nalipat ang interes ko sa lalaking ito.

"M-Madalas ka rito?" tanong ko.

"Kung andiyan kalang." agarang sagot niya. Tumango tango ako.

"Bakit? Anong mayroon sakin? A-Ang naalala ko ay nagsasayaw lang ako noon dito tapos....t-tapos-"

Mas lumapit pa siya sa akin habang ako ay nauutal. Hindi ko magawang tapusin iyon.

"Hmm. Tapos?" ang labi niya ay sumasayad sa aking tenga.

"N-Naghalikan tayo kasi lasing lang ako!" siniko ko siya para malayo siya. Naramdam ng siko ko ang tigas ng kanyang tiyan.

"Anong halikan? Saan banda na halik? Sa labi? Sa leeg? Sa dibdib o sa-"

"Tsk!Tumahimik ka nga." ba't ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Ano ba'tong nangyayari sa akin?

"Hindi ka taga dito? Tagalog ka e." dagdag ko.

"Hmmm." hindi na siya sumagot. "Wanna have some drinks?"

"Hmm. Ayokong malasing."

"Don't worry we'll just drink. Mayroon aking private space  dito."

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag pero napasama ako sa kanya. Malakas ang tibok ng aking puso. Masalimuot ang space na 'to dahil madilim. Tanging lampshade sa gilid ang ilaw at nag iisa lang iyon.

"Do I have to put blindfold on your eyes?" he asked.

"Wag' kang mag alala.Hindi ako ganon' ka usisera. Pangalan mo nalang ayos na ako."

Umupo ako katabi niya. Mas dikit ang katawan ko sa gilid nito kaya humilig ako doon. Habang siya ay nakita kong lumapit sa akin. Halos mapaatras ako.

May mga inumin na sa mesa. May dalawang wine na naubos doon. So kanina pa siya dito?

"Austin." sagot niya sa tanong ko.

Austin pala ang pangalan niya.

"Ako pala si-"

Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon