Red is the color of the dress that screams extremity,
Orange is the color of hope enthusiasm and clarity,
Yellow is the light that shone on our way,
Green is the color of nature, renewal and harmony.
Blue is the color of serenity,
Indigo is the color of impartiality,
Violet is the color of luxury.
Mabibigat na mga brasong nakayapos sa akin ang aking naramdaman. Masarap sa pakiramdam ang init na mula sa aking pagkakabalot sa malambot at makapal na kumot.Nararamdaman ko ang maiinit na hininga nito sa aking batok.
Pananakit sa aking katawan ay akin ding naramdaman at kahit saang parte ng aking katawan ko iyon.
Naririnig ko ang mumunting boses at hininga nito na parang may inaamoy.
"Rain, tirik na ang araw." Gising ko rito dahil bukas na bukas ang teresang nakalagak sa kanan kung nasaan ako nakaharap.
Nakikita ko na roon ang makulay na bahaghari.
"Rain." Ulit kong paggising sa kanya.
Napangiwi akong bumaling at hinarap siya, napatigil ako sa aking nais na gawin nang makitang mahimbing itong natutulog.
Halos mag-abot ang aming ilong, nasa bewang ko pa rin ang kaliwang braso niya't nakaunan naman ako sa kanang braso nito.
Itinaas ko ang aking palad at hinaplos ang guwapong mukha nito.
"Rain," bulong ko.
Kinalabit ng aking hintuturo ang mahabang pilikmata niya. Pati kuntil ng ilong nito'y kinalabit ko rin nang mahina. Hindi pa rin ito nagising.
Saka lang ito napadilat nang marinig namin ang malakas na ungol ng mga nilalang na halos sabay-sabay nilang ginawa iyon.
Natawa ako sa biglang pagdilat niya ng mata at mabilis na napatihaya at tinakpan ng braso nito ang mga mata, siguro'y biglang nasilaw.
"Really? You think they heard what we did last nigh- aw!"
Tinampal ko ang braso niyang nakatakip sa kanyang mata.
Napatili naman ako nang hapitin niya ako palapit sa kanya, kaya'y napahiga ako sa dibdib nito kung saan makikita ang mga nakapintang mga simbolo ng pangako namin noong ikinasal kami.
Tinitigan ko iyon at pinasadahan ng aking daliri, hindi ko lubusang maunawaan ang lahat, wala akong salitang narinig mula sa kanya.
At kahit ako'y hindi na nanghingi pa ng eksplenasiyon dahil sa kaloob-kalooban ko' may mga nahihinuha akong tinupad niya ang kanyang pangako.
Mabilis maghilom ang mga sugat niya, pati na ang malaking peklat na ginawa ko noong paghiwa sa dibdib niya'y mabilis na naglaho.
Paulit-uli kong idinaan ang aking daliri sa mga nakatinta roon.
Muli na namang nag-ingay ang mga nilalang.
"I'm tired, I want more sleep," sabi nito habang niyayakap ako. "I just slept for like two hours." Napairap ako sa pagmamalabis sa pagkakasabi niyang iyon.
"Paanong hindi ka nakatulog?" Napataas ang aking kilay.
"Didn't we had a good night- till dawn?" Tinampal ko ang matigas niyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)
FantasyCyanna Mediore, a princess from the Kingdom of Mediore, has the spirit of a warrior. Women on their continent are only taught decency and art, but she's against this tradition, so she kept sneaking into the training house to learn sword-fighting. O...