Cyanna Mediore
'I destroyed Paredes de Alta Elitez Montaña.'
Iyon ang aking naalala...
Parang isang bangungot habang naririnig ko ang mga boses na lumalangutngot ng panaghoy sa bawat pag-apak ko sa lupa kung saan nagaganap ang isang malaking sunog na binubuga mula sa isang...
Eruvun.
"Guiara," sambit ko nang pagdilat ko'y purong asul na kalangitan ang aking nahagilap, walang ulap roon kaya'y napakalinaw ng langit na aking natatanaw.
"Gazmuz, Altazmo, Ruvun, Amazte, Etopse, Malraz, Velmer, Gazero, Ivo," mahinang banggit ko ng mga pangalang iyon. Naalala ko na, naalala ko na ang mga pangalan nila.
Sila iyong mga halimaw na pumapasok sa aking isipan noon kaya't naglalakad ako ng kusa sa loob ng kagubatan. Sila iyong gumugulo at bumubulong sa aking isipan na para bang kilala na nila ako at ganoon din ako sa kanila.
Sumunod ay ang mga ingay nila papalapit sa aking kinagawian.
Mabilis ang aking pagtayo at napaubo ako, nakapa ko kaagad ang mga luhang bumasa sa aking pisngi.
Muli kong naalala ang pag-utos ko sa kanilang wasakin ang Paredes de Alta Elitez Montana. Iyon lang ang malinaw kong naalala, mayroong mga malalabong imahe at hindi ko lubusang masabi kung ano ang aking sunod na ginawa.
"Guiara," sambit ko habang tumingala sa maitim at may halong pulang Eruvun. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, nautusan ko sila?
Ngunit bakit nila ako sinunnod? Bakit nila ako pinayagang utusan sila, bakit ko sila kilala at bakit kilala nila ako?
Mabilis akong napalingon sa lalaking umungol di kalayuan sa aking kinauupuan.
"Rain," tawag ko ngunit hindi ako tuluyang makalapit, napupuno ng mga imahe ang aking isip ngunit nangingibabaw roon ang hiya, nahihiya akong lapitan siya.
"Glad you're awake Princess." Nakangiting sabi nito, sa nakita ko'y mukhang nahihirapan pa rin ito.
Sa huli ay hindi ko napigilang tumayo at lapitan siya upang yakapin.
"Hindi ka na humihinga kanina." Napaiyak akong muli.
"Don't be surprised, you once saw me dead right?" tanong niya kaya't napakalas ako sa aking pagkakayakap.
Sa nangungunot na noo'y tinitigan ko siya. "Hindi ka na humihinga." Hindi ako makapaniwala sa aking naiisip ngayon.
"Ore, Evionoire's emerges death." Napataas ang aking kilay, ngunit natawa ito. "That's how Bloody Ore were Cyan, we die for only hours but we'll be alive afterwards."
Paulit-ulit ang aking iling. "When you left me dead on that sward, father gave me an elixir that'd erase my memories but with Vivreta's help, I remembered everything."
BINABASA MO ANG
Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)
FantasíaCyanna Mediore, a princess from the Kingdom of Mediore, has the spirit of a warrior. Women on their continent are only taught decency and art, but she's against this tradition, so she kept sneaking into the training house to learn sword-fighting. O...