9: Yellow

277 141 127
                                    

Every thrust of revenge through his skin,

Every weapon that leaves pain,

Is a hollow of an erasable vain,

It might have healed.

But it left prints that will never be ceased.

"Huestia, anak, kailangang mong makisalo sa pagkain sa mga Kalvautri sa kapanganakan ng iyong mapapangasawa, sa lupain natin gaganapin ang galakan kaya't dapat tayong matuwa," maligaya ang pagkakasabi niyon ng aming ina ngunit wala sa sarili ang aking Yaam.

Isang buwan na siyang walang gana mula noong dumating ang mga Kalvautri sa aming lupain.

Magkasama kaming kumakain ngayon, ang wala lamang rito ay ang aming ama, kasama nito ang mga Diwano at ibang askar sa pangtutugis ng mga hayop, isa sa mga tradisyon na nakasanayan ay ang panghuhuli ng mababangis na hayop bago ang piyesta ng kapanganakan.

"Kailan niyo ipapaksal si Cyanna?" Nagulat ako sa tanong ni Yaam, bakit ba hindi niya magawang maging Yaam sa usaping ito? Nasa tamang edad na siya para magpakasal.

Ako ay maglalabing-limang taon pa lamang, kasunod sa kapanganakan ng Diwanong Ralvar.

"Bata pa ang iyong kapatid—"

"Labing-tatlong taon ka noon ina nang ipakasal kay ama," malamig nitong turan, nakita ko ang pangungunot ng noo nito.

"Kapag, naihatid ka na sa lupain ng Kalvautri, ang iyong Yaam ang susunod na ipapangasawa." Tumawa ang aking Yaam sa sinabi ng ina, hindi ko kayang sumabat sa usapan nila, pero sa aking isip naiinis na ako sa mga tinuturan ng aking Yaam.

"Hindi ako aalis, hanggat hindi nasisigurong ipapakasal niyo ang aking kapatid."

"Yaam, bakit?" hindi ko na napigilang sumabat. "Bakit pinipilit mo akong ipakasal, hindi maari!"

"Kapag ba sinabi ko ang ganyan ina, pagbibigyan niyo? Pero kapag si Cyanna ang magsasabi, hahayaan niyo dahil ano? Siya ang inyong gustong anak, sinusunod niyo ang gusto niya." Pormal na kapatid ang aking Yaan, ngunit may ganito pala siyang hinanakit sa akin.

"Paano mo nasasabi iyan? Hindi ganoon iyon Huestia," sabi ng ina naming nangungunot ang noo.

"Ako ang panganay, kaya dapat kong sundin ang kagustuhan niyo at dahil siya ang pinakabata, sinusunod niyo ang kanyang gusto." Nakasara ng mariin ang mga labi ni Yaam. "Tapos na ako sa usaping ito ina, kahit anong tutol ko, buo na ang loob niyo."

"Yaam!" sigaw ko. Nagpaalam ako sa aking ina upang sundan ang aking Yaam, ngunit pumasok ito sa kuwarto at padabog na sinara ang pinto ng torogan nito.

"Yaam," tawag ko at kinatok ang pintuan, ilang segundo pa ang lumipas nang masungit niya itong binuksan.

"Ano iyon?"

"Bakit ka nagagalit sa akin?" hindi niya sinagot ang aking tanong, tahimik niya lang akong tinitigan.

Tumikhim ito. "Galit na galit ako dahil sa iyo lamang palagi ang mga bagay na maayos, sa akin ang mga di kaayaaya, alam mo iyong galit ko na gusto kong maranasan mo rin ang impiyernong mararanasan ko sa ibang lupain? Ganoon din ang nais kong mangyari sa iyo." Napatda ako kung paanong muli sa tahimik na Yaam na aking nakasanayan ay naging ganito katindi ang poot na nakikita ko sa kanya.

Mula sa pagkakatulala ay sinaraduhan niya ako.

Hapon pa makakarating ang mga hari kasama ang panganay nitong Diwano na si Ralvar, kaya naisipan kong magsanay gumamit ng pana.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon