20: Blue - Dead high tide

108 57 47
                                    

'When high water drowns one, 

it will drown everyone, 

when high water is unstoppable, 

breaking it is impossible.

And when tears flow, it will be wiped away, 

the pain will always stay, 

because wound is not scarring, 

grazes are not healing.

Memories will keep on cutting, 

until it ripped half open a heart that dies several times. '

Galit siya, ramdam ko.

Humupa na ang sakit ng dadaming aking naramdaman. Maaring wala akong maalala ngunit malalaman ko naman kung may nanamantala sa akin.

Tanging pagsakit lamang ng aking katawan mula sa mumunting hiwa na aking natamo, bukod roon ay wala akong ibang naramdaman lalo na sa dakong iyon sa gitna ng aking mga hita.

Ngunit hindi ko magawang ibuka ang aking bibig, nanatili akong lantang gulay, nakatulala lamang ang aking mga mata ngunit may malay ako sa mga nangyayari sa aking paligid.

Mayroong ginang na siyang nagpapaligo, naglilinis at nagpapalit sa akin, sa narinig kong pangalan ay 'Tera' ang pangalan nito, naalala ko sa kanya si Cawan.

"Ano ang nais mong sabihin binbini?" tanong ni Tera.

Naigalaw ko ang aking mga daliri, nais kong magbuga ng mga salita upang sabihin ritong nais kong makausap si Rain. Sa bawat araw, kahit hindi niya pinapakita sa akin ay ramdam kong sinisisi niya ang kanyang sarili.

Hinawakan ni Tera ang aking kamay, pinisil niya iyon. Isang linggo na mula noong mangyari ang kababalgahang iyon. Hanggang ngayon ay paralisado pa rin ako.

Isang linggo na ring hindi ako iniiwan ni Rain. Naiiwan niya lamang ako kapag kailangan na akong paliguan at bihisan.

Nakalubog ang kalahating katawan ko sa batyang gawa sa bato at nililinisan ni Tera, isang utang na loob na hindi ko mabigyan ng kabayaran.

Sinubukan kong pisilin ang kanyang kamay, nanlaki ang mata nito at tumingin sa akin. "Bahaghari! Binibini oo naririnig kita—"

"Tera! Anong nangyayari— dammit!" Mabilis na nagbukas ang pintuan ng palikuran at pumasok si Rain, mabilis na kumuha ito ng tela at itinaklob sa aking hubad katawan.

"Mahabaging bathala Rain! Asawa mo'y kinahihiyan mong makitang nakahubad?"

"Anong problema Nana Tera?" Lumuhod si Rain sa harap ko't tinignan ako, sinipat ang buong mukha ko at ang ibang parte ng aking braso.

"Napisil niya ang aking kamay at nakapag-usal na siya ng iyong pangalan," sambit ng ginang.

"Talaga?" Bakas ang saya sa mukha ni Rain ngunit mas nanaig ang pag-aalala pa rin sa mukha nito. 

Nakita ko ang pagsakop ng mahahabang daliri niya sa aking mukha. 

"Hello princess, sorry for interrupting your bath, but... it's a good news." Napansin ko ang pamumula ng kanyang lilang mata.

'Rain.'

Lumapit siya sa akine tenga. "You should keep progressing, we still have plans for our babies right?" 

Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. 

"Ang sabi ko'y gagawa pa tayo ng mga anak na may lilang mga mata, paano natin matutupad an gplanong iyon kung hindi ka makagalaw hindi ba?" 

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon