'I hope it wasn't the last, I hope it is the beginning, I hope she realizes that the best medication of anger is love, love that would proffer real smiles, a smile with the brightest thoughts, a smile with the brightest perception.'
Kaguluhan ang aking nadatnan sa aking pagbabalik sa palasyo, narinig ko ang mga askar at iba na nagsasabing pinatay ang dayuhan na nangahas na tumakas sa parusa ni Tavar, iyon ay siguro itago ang katotohanang pinatakas ko ang isang dayuhan, nais kong sabihin na hindi parusa ang ginagawa ni Tavar kung hindi makikipalaro lamang.
Galit ng ina at pagkadisamaya ni ama ang sumalubong sa akin, galit na mga titig ng aking Yaam, at nangmamatang tingin ng bughaw na mag-ina ng mga Kalavautri, iyong ang nabutaban ko, siguro ay si Ralvar lamang ang nakatingin sa akin nang walang bahid na pagkamuhi, pangungutya sa aking ginawang pagliligtas sa dayuhan.
"Nasaan ang Dayuhan!" Nagulat ako sa galit na ipinamalas sa akin ngayon ng aking ina, matapos akong bigyan ng parusang mananatili ako sa aking kuwarto at hindi lalabas ng palasyo hanggang sa ikasunod na kabilugan ng buwan.
"Cyanna! Sagutin mo ang aking tanong!"
"I-ina..." hindi ko alam kung paano ito sasagutin dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagtaasan niya ako ng boses.
"Anong ginawa mo sa dayuhan, nasaan ito, buhay pa ba siya?" mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. "Alam mong sa ginagawa mo ay kapahamakan iyon sa ating lupain!" sigaw ni Ina.
Hindi ako makahanap ng isasagot sa kanya.
Nagawa nilang palabasin na nahuli na ang dayuhan, at kahapon ay pinugutan ito ng ulo matapos mapuno ng latay ang katawan nito, naaawa at naiiyak akong isipin na nagawa pa nilang kumuha ng ibang tao upang ipalabas na iyon ay si Rain.
Kailangan nilang gawin ang palabas na iyon upang hindi magkaroon nang hindi pagkakaunawaan sa mga Mediore at Kalvautri. Kitang-kita ko ang ngisi ni Tavar nang patayin ng kawawang alipin bilang kapalit kay Rain.
Kuhang-kuha nito ang katawan, kulay ng balat at buhok, kaya hindi sila nagtaka habang pinugutan ng ulo ang alipin.
Masaya ang lupain namin noon man, nagkagulo lang ito nang dumating ang mga Kalvautri, hindi ang dayuhan ang dapat nilang sisihin...
Ang anak nila ang may kasalanan.
Ang hindi mawaring pamamana sa kanila noong pinaglalaruan nila si Rain ay nanatiling malabo hanggang ngayon, nagpapatuloy pa rin sila sa pagiimbestiga.
"Ate..." sambit ko nang matanaw ang pag-alis ng mga Kalvautri sakay ng palangkin.
Sakay sa isang magandang palangkin ang aking Yaam, sa sampung araw kong pagkakakulong sa palasyo ay hindi niya rin ako kinakausap.
Galit ang lahat sa akin, pati ang aking ama ay dismayado pa rin sa aking ginawa, ngunit hindi ko masabi sa kanila ang tunay na kalagyan ni Rain.
Hindi ko sasabihin sa kanila.
Sana... umalis na si Rain. Habang nakatanaw ako sa teresa ng aking kuwarto, iniisip ang lahat ng nangyayari, napapansin ko na ang paninilim ng langit.
Nangunot ang aking noo, hindi ngayon panahon ng tag-ulan, ngunit nakikita ko ang pagdilim niyon na nagpapahiwatig ng pag-ulan. Hindi ko makikita ang magandang paglubog ng araw ngayon dahil ilang minuto pa lang ay bumuhos na ang malakas na ulan.
Napatingin ako sa madilim na kalangitan habang bumubuhos ang ulan, nasindak ako sa pagkisap ng isang makinang na kulay na para bang dumaan lang na parang kidlat... walang kidlat at kulog... ngunit may dumaang ilaw.
Muli kong pinakatitigan ang langit, muling nagpakita ang ilaw na iyon... kung kanina ay mayroong tatlong klase ng kulay, ngayon ay kulay dilaw na lang iyon. Sa pagkakatitig ko roon ay para iyong isang mensahe na nais iparating sa akin.

BINABASA MO ANG
Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)
FantasíaCyanna Mediore, a princess from the Kingdom of Mediore, has the spirit of a warrior. Women on their continent are only taught decency and art, but she's against this tradition, so she kept sneaking into the training house to learn sword-fighting. O...