31: Rainbow

88 37 53
                                    




Dinala ako ni Rain sa Vezemiedo sa mismong gabing sinaksak niya ako. Iyon rin ang biglang pananahimik muli ng organisasyon hikil sa kanilang pagrerebelde. Ang sabi ni Rain ay mayroong namatay na sundalo at mga kasamahan ko ngunit hindi iyon tumaas sa bilang ng dalawampu.

"Your master is planning something again," sabi nitong may paninigurado, napatango din ako, sumugod lamang sila sa gabing iyon upang sumubok na saktan ang Hari at siya.

Mayroon silang kinakalkyula, hindi balak ng organisasyon na makipaglaban ng patas sa labas ng palasyo. 

Tulad ng mga Evionoire, sa loob din nila nais na sumugod agad-agad. Mas madali nga namang matapos ang laban kung papatayin agad ang nakakataas. 

Walang gaanong mga sundalong mamamatay ngunit mas delikado dahil Hari at Ore agad na kalaban. 

"Huwag mo akong tignan ng ganyan, wala siyang sinasabi sa aking mga plano bukod sa mga iniuutos sa aking patayin ka," sabi ko nang lingunin niya ako sa kanyang likuran. 

"Your master doesn't trust you," sabi nitong tinanguan ako, alam siguro nito ang ugnayan namin noon ni Rain na ang tanging nakakaalam lamang ay ang ama nitong si Master Vindriel, ang siyang pumulot at nagsanay sa akin.

"Maraming nangyayaring kaguluhan sa loob ng organisasyon pero kahit medyo bobo iyon ay tuso rin ang master," sabi ko habang pinapaikutan ng mga benda ang katawan nito na nakuha namin sa sirang palasyo.

"I think their silence will only last a week," paninigurado niya habang sinuklay ang hinangin niyang buhok. Nasa sirang palasyo kami at ito ang parte na sobrang wasak kaya'y malakas ang hampas ng hangin.

"Kaya dapat ay tatlong araw lamang tayo rito at maayos na ang plano."

"I said two days but if you insist three days Princess, that's a good idea," ngisi niya kaya napairap ako. Dalawang araw lamang ba ang kanyang sinabi?

Kahit ang malalim niyang sugat ay mabilis na naghihilom. Matapos kung bendahan ay umupo ako sa kanyang harapan.

"Ano ang ikalawang plano?" Itinukod ko ang dalawang siko sa aking mga hita habang nakapangalumbaba at tumingin sa ginuhit niyang plano.

Si Vriveta ang magbabalik sa amin pabalik ng Kalvautri, kung saan nakalagak ang kanilang palasyo. At babalik ako sa organisasyon upang aalamin ang plano ng mga ito. Sila naman ay maghahanda na sa pagbabalik ng Welceberus.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na bumuntong-hininga. Dahil isang porsiyento lamang na magtatagumpay ang plano namin.

Sa parte ng Hari ay hindi iyon papayag na basta na lamang susuko kaya't may maaaring makalaban pa nito ang ama o kaya'y iuutos sa mga sundalo nilang lumaban hanggang patayan na siyang nasisiguro naming mangyayari.

Sa parte ko naman ay maghihinala ang Master at mga kasamahan ko, maaring mas hindi nila ako pagkatiwalaan.

"Vriveta will be a big help to hypnotize my father but I don't think it will last long, she wasn't able to fully narcotize me yesterday," sabi nito, siyang sigurong dahilan kaya't nakabalik siya muli rito matapos siyang dalhin ni Vriveta pabalik sa palasyo nila.

"At kailangan mo akong bugbugin at sugatan para magmukhang pinaharapan niyo ako," suhestiyon kong muli.

"Let's skip that plan," sabi nito na may sunod-sunod na pag-iling.

"Nasaksak mo na rin naman at nahiwa ako, ano pang dahilan ng pagtatanggi mo? Hindi naman ikaw ang sasaktan?"

"Okay first," sa pagsabi niyang iyon ay kasabay ng pagtangis ng kanyang panga. "I drank an elixir so I wasn't able to stop myself for being psychotic and lastly I am not gonna hurt you."

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon